Chapter 7
Hindi naging maganda ang epekto kay Renz ang pakikipaghiwalay nito sa kasintahan. Palagi niya itong naaalala. Pinilit niyang kalimutan ito ngunit hindi ito mawala sa kanyang isip. Nagsimula siyang makipagdate ulit isang linggo pagkatapos niyang makipag break kay Elise. Sa bawat araw ay iba’t ibang babae ang kanyang nakakasama. Naging alcoholic din siya at palagiang nakikita sa mga bar. Ngunit d parin mawala si Elise sa kanyang isip at puso.
“Renzo nasan ka na ba?” tanong ng kanilang manager sa kanya dahil ilang araw na siyang hindi nagpupunta sa praktis ng kanilang team.
“Mmm mmm wait just woke up, I had a great night.” sagot ni renzo sa kausap sa telepono.
“Anong great night great night ka jan, may praktis kayo ngayon and your 2 hours late? Bakit di man lang matawagan yang phone mo buti ngayon at sinagot mo. Bakit di ka pa rin pumapasok sa praktis? Ano bang prob…”tot tot tot tot binabahan ni Renzo ng telepono ang kanilang manager.
Pagkatapos niyang makipaghiwalay kay Elise ay para siyang nawalan ng buhay. Sa di malamang kadahilanan ay dinala pa rin niya ang regalo ni Elise nang gabing iyon. Pinagmasdan niya ito. Pinilit siyang ngumiti. Mahal niya si Elise. Ito ang pangatlong buwan na magkahiwalay sila. Napapaisip siya kung ano na ang mga nangyari kay Elise. Naalala niya ang nangyari nang gabing iwan niya ito. Pumikit siya at sinariwa ang mga sinabi ni Elise. “ I am setting you free, don’t forget that I love you and I’m always here for you, and I will always be your fan. Even if we are not together, I’ll always be here, I’ll be you’re number one fan, I love you.” Unti unting nadudurog ang kanyang puso sa mga naalala. Mahal na mahal pa rin niya si Elise at mali ang kanyang desisyon.
Pagkalipas ng ilang araw matapos siyang tawagan ng kanilang manager ay napag deisyunan niyang bumalik sa team.
“Sa wakas naman at naalala mo pa kami.” Pabungad sa kanya ni Marcus.
Napayuko siya.
“Team I’m sorry I messed up. I’d be honest, I lost the only girl I love at ayaw ko mawala pati team ko. Will you have me back?” tanong niya sa kanila.
Nagulat ang lahat sa pahayag niya.
“ Ang drama mo dude!” sigaw nang isa sa kagrupo niya.
“Of course we’ll have you back! Group hug”
“ho ho ho”
“Cheesssssy man!”
Sigawan silang lahat at nagtawanan saka nag group hug.
Alam ng mga kagrupo ni Renzo ang mga nangyari sa kanya kaya bago siya magsimula ulit sa kanyang grupo ay binigyan siya ng pagkakataon na ayusin ang kanyang problema.
“ Renzo, napagpasyahan namain na bigyan ka ng isang linggo para maayos mo ang sarili mo bago ka bumalik sa team.” Turan ng kanilang manager.
“ Yes boss “ sagot niya nang nakangiti.
“ Ayusin mo yan lovelife mo. Gago ka kasi sige na bumalik ka na sa UK at pagbalik mo siguraduhin mo na nakacondition kana para sa rough training natin.” Litanya ng kanilang manager.
“ hehehe, opo boss, eh boss can I ask you something?” balik niyang tanong.
“What?” sagot nito
“Can you give me some advice how can I have her back?” tanong niya
“Ayun! Naman pala sa akin ka nagtanong ha. Sige ganito suyuin mo ligawan mo ulit, subukan mo lang baka mauto mo ulit.” Natatawang sagot nito sa kanya.
“In 1 week boss?”
“Eh ano pa nga ba? Me suggestion ka ba?ikaw tong gumawa ng gulo tapos aangal ka ngayon na in 1 week sige na lumayas ka na sa paningin ko baka bawiin ko na yung 1 week mo. Layas!” sigaw nito sa kanya habang tumatawa.
Tumakbo naman si Renzo at kumaway habang papalayo.
Napaisip si Renz.Isang linggo. Isang linggo ang binigay sa kanya para maayos ang lahat. Mahigit tatlong buwan na rin silang wala ni Elise. May pag aalinlangan pa rin siya sa kanyang sarili.Pagbibigyan pa kaya siya ni Elise. Sana… I hope so… turan niya.
Walang sinayang na panahon si Renzo. Nagpabook agad siya ng flight papuntang UK pagkatapos nilang magusap ng kanilang manager. Habang nasa eroplano ay naalala niya kung papaano niya nakilala si Elise, kung paano siya nito napaibig. Paglapag ng nila sa UK ay dumiretso agad siya sa tahanan ng mga Perry. Pagdating niya doon ay wala na siyang Elise na naabutan.
“I’m sorry Renzo, she doesn’t live with us any more” si Mrs. Perry
“Do you know where she is now?” disappointed niyang tanong.
“I’m sorry but I can’t tell you where she is. You hurt her so much it pains me when I see her cry before. I can’t tell you coz I know you will hurt her again and if you find her please let her go. You may go now Renzo.” May galit sa tinig ni Mrs. Perry.
Hindi alam ni Renzo kung ano ang gagawin. Kung saan siya magsisimula sa paghahanap kay Elise.Sinubukan niyang puntahan ang school of arts na pinapasukan ni Elise ngunit wala na din siya doon. Naglibot libot siya sa Kent, UK pero wala siyang nakitang Elise. Naubos ng isang linggo niya at bigo siyang bumalik sa Pilipinas.
Malungkot siya sa kanyang pagbabalik sa Piliinas at pansin iyon ng kanyang mga kaibigan at kagrupo.
“Renzo my friend, don’t be sad.” Kausap sa kanya ni Bob.
“It hurts Bob.” Tugon niya
“Yeah, I know. It does. But what’s done is done. If you two are meant for each other you will see each other when the right time comes. You have to move on.” Payo sa kanya ni Bob.
Pagkarinig niya sa mga sinabi ni Bob ay naluha siya.
How can I move on, when I still love her and she took my heart with her.
Naalala din niya ang mga sinabi ni Elise nang sila’y maghiwalay “ I am setting you free, don’t forget that I love you and I’m always here for you, and I will always be your fan. Even if we are not together, I’ll always be here, I’ll be you’re number one fan, I love you.”
I also love you Elise and I will wait for you my Gem
Lumipas ang mga araw ay unti unting natatanggap ni Renzo ang paghihiwalay nila ni Elise pero hindi niya malimot ang mga sinabi ni Elise nang sila’y maghiwalay. Mahal niya si Elise at hindi ito mawawala sa kanyang puso. Kaya naman sa bawat laro ay pinagiigihan niya dahil umaasa siyang napapanood ito ni Elise kung nasaan man ito. Inaalay niya ang bawat laro niy kay Elise ang nagiisang nagmamay ari ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Love Me Not
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon na meet ni Elise ang kanyang super ultimate great at bongang bongang crush niyang super sikat na footballer na si Renzo Walters. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya lalo na at bigla itong nagpakita ng motib...