Chapter 9
Nasa isang bar sila sa the Fort. Nag eenjoy si Elise sa company ng kanyang mga bagong kaibigan ang team Azukal. Napagtanto niya na masaya palang kasama ang mga ito at nanghihinayang siya at di manlang niya ito nakilala nang sila pa ni Renz.
Umupo si Elise sa bar area at nagulat siya nang tabihan siya ni Allen.
“Hi! Enjoying?!” tanong nito
“ Yup” sagot niya
“ I’d like to apologize” sabi nito
“Sorry for what I said the last time” patuloy nito
“Ah yung tomboy na tambay sa kanto?” nakangiting sagot niya.
“apology accepted , Ok nay un ano k aba” patuloy ni Elise kay Allen ng nakangiti.
Matagal na silang nagkukuwentuhan ni Allen nang may nahimigan silang tumikhim malapit sa kanilang tabi. Nilingon nila ito at nakita nila sina Bob at Renz. Ngumiti ang mga ito sa kanila ngunit nakita niya ang pananamlay at kalungkutan sa mukha ni Renz. Matagal na niyang gustong kalimutan ang mga nangyari sa kanila ni Renz ngunit sadyang mahirap kalimutan ang mga masasayang pangyayari na pinagsaluhan nila ni Renz. Noon ay di niya alam kung bakit niya tinanggap ang trabahong iyon sa Pilipinas ngunit ngayon ay napagtanto niya na gusto niyang magkaroon ng maayos na closure ang nangyari sa kanila ni Renz.
Patuloy ang kasiyahan ng lahat sa nightout ng team. Hinila ni Calvin si Elise sa dance floor at napasayaw si Elise kahit na hindi niya alam sumayaw. Tahimik namang nanonood lang si Renz. Sa mga nakikita niya ay nakaramdam siya ng selos. Nalungkot siya na makita si Elise na masaya kasama ang ibang lalaki. Hindi siya nakatiis sa nakikita niya kaya naman bigla siyang tumayo at lumabas sa bar. Nagdesisyon siyang umuwi nalang. Samantala habang sumasayaw si Elise ay nahagip nang kanyang mata ang pagalis ni Renz. Nagtaka siya sa biglang pag alis ni Renz napaisip siya kung nagseselos ba ito, at may umahon na tuwa sa kanyang puso sa isiping nagseselos ito sa nakita kaya umalis.
Sa mga sumunod na araw ay nagging mas close si Allen kay Elise. Palagi niya itong kasama at sila ay naging mabuting magkaibigan at pansin ito ng lahat pati na ni Renz.
Nakita ni Elise na nakaupo sina Bob at Renz sa isang bench pagkatapos ng training. Hindi niya alam pero namalayan na lang niya ang sariling naglalakad patungo sa kinaroroonan nila.
“Hey Bob!” bati niya kay Bob nagyon ang unang beses na kakausapin niya ang mga ito mula nang dumating siya.
“Oh Hi!’ You’re here.” Pagbati naman nito pabalik sa kanya. Bakas sa mukha nito ang gulat. Napatungo naman ang gulat din na si Renz sa tabi ni Bob.
“How’s Mitch?” tanong niya ngunit kay Renz siya nakatingin.
“She’s fine, we didn’t know you’re Mathiase, Mitch was so fascinated with your work, she miss you” sagot ni Bob.
“Just my few friends knew about Mathiase” sagot naman niya ng nakangiti habang si Renz ay di makatingin sa kanya at tahimik lang sa tabi ni Bob.
May itatanong pa sana siya nang biglang sumulpot si Allen.
“Hey Guys!” bati ni Allen sabay akbay sa kanya.
Ngumiti lang sila sa kanya. Naasar naman si Renz at nakarandam siya ng selos kaya naman bigla siyang tumayo at iniwan si Elise, Bob at Allen na may mababakas na pagkabigla sa mga mukha.
“What’s wrong with that guy? “ tanong ni Allen.
Di naman makasagot ang dalawa.
“Any way let’s forget about him, Elise let’s eat out” yaya nito
Ngumiti lang si Elise hudyat ng kanyang pagsang ayon kay Allen.
BINABASA MO ANG
Love Me Not
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon na meet ni Elise ang kanyang super ultimate great at bongang bongang crush niyang super sikat na footballer na si Renzo Walters. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya lalo na at bigla itong nagpakita ng motib...