Chapter 3

17 3 0
                                    

Eviana

Throughout the weekend, walang ginawa 'yung tatlo kung hindi asarin ako sa nangyari. Ako naman itong 'defensive' raw.

Malamang id-defend ko sarili ko, eh sa wala naman talagang nangyari eh. It was all just an honest mistake. I thought his room was our room so I slept there. Kung alam ko namang hindi 'yon ang kwarto namin, edi hindi ako kumatok. Katangahan kasi, Viana! Katangahan!

"Pero think about it. You've encountered him twice na with those 'mistakes' or 'accidents' as you call it. 'Tapos sabi mo nandito rin siya sa cafe mo after no'ng bar incident. Hindi kaya pinagtatagpo kayo?" Carmina suggested.

"More like sinusundan?" Leila butted in.

Gab is busy reading a book but she's still part of the conversation. "Whatever it is, destiny, cupid, ang nakikita lang nating lahat ay pinagkikita kayo." She said then flapped the page of the book that she's reading.

Nahagip ng mata ko ang dalawang pamilyar na mga lalaking papasok ng cafe. "Oh gosh, they're here na naman." Pinantakip ko sa gilid ng mukha ang menu board na hawak ko.

"What?" They cluelessly asked.

"Si Glasses. Kakapasok lang." Bulong ko at sesenyasan ko sana na huwag silipin kaso tumayo pa sila ng bahagya para makita kung nasaan. Mga loka talaga! Sarap hilahin ang buhok!

"I think he's purposely coming here for you." Leila looks like she's trying to suppress her happiness because she's squeezing my hand so hard.

"Tigilan niyo ako. Lalabas lang ako, tawagan niyo ako kapag wala na dyan." Tatayo na sana ako kaso pinipigilan nila ako.

"Nakakahiya!" Pinanlakihan ko sila ng mata bago ako tumakbo papunta sa pinto.

"Oh my gosh! Watch where you're going, Miss!" My heart began pounding when I bumped into a woman whose stuff created a loud thud on the ground. Ngayon pa talaga nangyari!

Tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niya. Paglingon ko sa gilid ko pagtayo, nasa tabi ko na ang lalaking iniiwasan kong makita, at ngumiti nang magtama ang mga paningin namin.

"Hi! You're here." He said, with a bright smile across his face.

"Y-yeah! Ikaw rin."

Napalingon siya sa likuran ko at nakita 'yung table ng mga girls. Kinawayan niya sila at kumaway naman pabalik ang mga traydor kong kaibigan.

"Join us." Aya ni Carmina na halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sinesenyasan ko pero mukhang nang-aasar talaga.

"Uh, I'm with my friend eh." Katwiran ni...ano nga ulit pangalan nito?

"Okay lang, you can invite him." Sabi ni Leila.

"Oh, okay. I'll tell him."

No choice ako kung hindi bumalik sa upuan dahil nakita na niya ako. Wala ng sense ang pagtatago.

"Humanda kayong tatlo sa bahay." I said through my teeth.

"I have nothing to do with that." Gab innocently said while still reading her book.

"Can I sit here?" Tanong ng kaibigan ni Glasses kay Gab. Binaba ni Gab ang librong hawak niya at tinignan siya ng walang emosyon.

"No, sit somewhere else." Sabay angat ulit ng libro sa harapan ng mukha niya.

"Ay! Dito ka na lang umupo, medyo masungit kasi 'yan." Sabi ni Carmina habang tina-tap ang space sa tabi niya. Sinamaan tuloy siya ng tingin ni Gab.

Bale sa harapan namin, nasa left si friend ni Glasses, then si Carmina at nasa dulo si Gab. Dito naman sa'min, ako ang nasa gitna at nasa kaliwa ko si Leila habang nasa kanan ko si Glasses.

A Cup Of Coffee, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon