Weird&Weirder #6

31 2 0
                                    


Chapter Six

"Kapag ba lumindol sa Mars, Earthquake parin ang tawag?" tanong ni Jane sa'kin habang kumakain kami ng lunch. Natawa ng mahina si Three sa tabi ko.

"Ne, anong tinira mo?" pang-aasar niyang tanong. "Sabi sa'yong tigilan na paghihit ng katol e." Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Three. Sumimangot sa'min si Jane tapos binato kami ng kanin.

"Curious lang ako!" sinamaan niya ng tingin si Three na tawa parin ng tawa sa tabi ko.

"Eeew!" kami naman ngayon ang natawa sa hitsura ni Three. May ketchup sa kilay niya tapos sa linya ng ilong niya pababa sa baba niya. "Jane." Three growled.

"Oh ano? Ha? Mang-asar ka pa ha." Sabi ni Jane at binelatan si Three. Umalis siya sa table namin ng padabog. "Tingin mo nagalit 'yun?" tanong sa'kin ni Jane. Nagkibit-balikat ako.

"Alam naman siguro niyang nagbibiruan lang kayo." Sabi ko. Bumuntong-hininga si Jane tapos nilaro yung pagkain niya. Ilang minuto pa, bigla niyang sinabunutan sarili niya. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Bakit?"

"Argh. Si Kean kasi." Napahawak sa noo niya si Jane. Si Kean yung magulong katext niya. Akala ko okay na sila kasi hindi na nagkukwento si Jane.

"Anong ginawa niya?" tanong ko. Kapag sinaktan niya si Jane sasakalin ko siya gamit ang mga paa ko.

"Wala." She sighed.

"Oh? Wala naman pala. Anong problema?"

"Yun ang problema!" Jane cried out. "Wala siyang ginagawa! Argh." Nagpangalumbaba siya sa lamesa. Naawa naman ako sa kanya. Mahirap siguro umasa sa isang taong hindi man lang makuha o mahalata yung nararamdaman mo.

"Umamin ka na ba?" tanong ko. Umiling siya. I refrained myself from rolling my eyes. Paano gagawa ng move yung tao kung hindi sasabihin ni Jane feelings niya. Nako. "Sabihin mo kaya." Jane gasped then furiously shakes her head.

"Ayoko. No Jea." Bumuntong-hininga ako. "Babae ako no. Hindi ako ang dapat na gumawa ng first move." Hay nako. Bakit ba nila sinusunod yung cliche na yan? Porket babae bawal ng magkusang magpakita ng feelings? Bakit? May pinagkaiba ba 'yun kapag lalaki nauna? Mas tatagal ba relationship nila? Kung gusto mo yung tao at ayaw mo siyang mawala, gawan mo ng paraan.

"Hangga't hindi niya nalalaman, wala siyang gagawing kilos. Hindi kayo uusad niyan kung pahuhulaan mo sa kanya nararamdaman mo." Hindi siya mukhang nakumbinsi sa sinabi ko. "Sige ka, mauunahan ka ng iba." Nanlaki mga mata niya.

"Argh." Sumandal siya sa pader at pumikit. Dumating si Three na bagong hilamos ang mukha at may dala-dalang face towel. Tumingin siya kay Jane tapos sa'kin.

"Oh? Problema niyo?" tanong niya at umupo sa tabi ni Jane. Walang sumagot sa'min. "Hindi ako galit ano ba." Sabi niya at pabirong tinulak si Jane sa balikat. Walang response yung isa kaya tumingin sa'kin si Three. I mouthed the word 'Kean'. Napasimangot si Three tapos tumingin sa halos paiyak ng si Jane.

"Hoy Janno, tigilan mo na kakaisip sa lalaking 'yun." sabi niya. Janno, nickname na binigay niya kay Jane kapag trip niya itong asarin. Mukhang hindi nainis si Jane gaya ng dati, wala siyang reaction.

"Nakakainis kasi." Suminghot si Jane at halos paluha na. "Nakakainis ma-inlove." Sumandal siya sa balikat ni Three.

"Landi talaga nito, tignan mo mahal agad niy - aray!" kinurot siya ni Jane sa tagiliran. Natawa ako ng mahina at bumalik sa pagkain. Ilang minuto pa, ramdam kong nakatingin sila sa'kin.

"Ano 'yun?" tanong ko.

"Buti pa 'to walang problema e no Three?" sabi ni Jane habang nakatingin sa'kin. Tumango-tango naman yung katabi niya. Tinaasan ko sila ng kilay.

Weirdo's Love Affair (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon