Weird&Weirder #7

37 2 0
                                    


Chapter Seven

 

"Good morning mga dude." Bati ko pagkapasok ko ng kotse ni Lala. Sinundo nila ako ngayon kasi nga pupunta kaming Alabang. Kukunin niya yung bago niyang skateboard.

"Saya mo yata ngayon?" tanong ni Lala at tinignan ako mula sa rearview mirror. Nginitian ko siya tapos sumandal ako sa magkabilang sandalan ng upuan nila. Sa likod kasi ako nakaupo.

"Bakit kayo ba hindi?" tanong ko at tinignan sila pareho. Nagkibit-balikat si Gege.

"Nabungangaan ako ni Mommy kanina." Sabi niya at nagkamot ng ulo. Natawa ako. Hindi na bago yan. Kalimitan nilang reklamo yan kasi madalas silang kagalitan ng mga Mommy nila.

"Lagi ka kasing late magising." Sabi ni Lala.

"Sabado e! Malamang late ako magising." Katwiran ni Gege. Lala rolled his eyes at binuksan ko yung music player. Nagplay ang kanta ni Lady Gaga. Natawa kami ni Gege.

"Dude, Born This Way?! Born This Way?!" asar ni Gege. Tawa kami ng tawa habang si Lala naman nakasimangot.

"E maganda yung meaning ng kanta e, paki niyo ba." Sabi niya.

"Umamin ka nga, kailan mo pa nalaman?" tanong ko. Naguguluhang tumingin sa'kin si Lala.

"Nalamang ano?"

"Nalaman na bakla ka." Tumawa na naman si Gege. Lalo lang lumalim ang mangot ni Lala sa mukha.

"Gago mo talaga MJ." Yun lang nasabi niya.

"Aaw, huwag mong sabihing galit ka na?" malambing kong asar.

"Aaw, tampo na siya." Gatong ni Gege.

"Umayos kayo bago ko kayo sipain palabas ng kotse ko." binelatan ko lang siya. Tumahimik na kami pagkatapos nun. Mag-uusap lang kami kapag may tanong ako o kapag nagtanong sila.

Jancel Manio: Cookie. J

"Yes cookie?"

 

Jancel Manio: Pwede ka ba ngayon? Magpapasama sana ako e.

"Nasa Alabang ako ngayon e. Pasensya na. Saan ka magpapasama?"

 

"Dre, ano sa'yo?" tanong bigla ni Lala. Napatingin ako sa kanya. Nasa Drive Thru pala kami.

"Ah ano... large fries lang." sabi ko. Tinignan ko cellphone ko.

Jancel Manio: Aw, anong ginagawa mo diyan cookie? May ka-date ka? Yiee. Bibili kasi akong regalo ni Marcelline. Magpapatulong sana ako sa'yong pumili.

"Oh MJ. Hawakan mong maigi." Sabi ni Gege at inabot sa'kin yung paper bag na may lamang dalawang large fries at isang Monster Float.

"Wala. May sinamahan lang akong kaibigan ko. Bakit mo siya ibibili ng regalo?"

Ano bang meron? Monthsary na ba nila? Kakatapos lang nila nung 17 di'ba? Inisip ko kung anong reason bakit ibibili niyang regalo si Marcelline habang dumudukot ng fries sa bag.

Jancel Manio: Ah, ingat ka ha? Wala lang, gusto ko lang regaluhan ang taong mahal ko. Haha.

"Yes cookie. Ikaw rin. J Wow, ang sweet naman."

 

Reregaluhan niya si Marcelline kahit walang okasyon. Sumagi sa isip ko yung sinabi ni Gege. Ministop. Jancel. Condom. Yun kaya ang dahilan kaya extra sweet siya?

Weirdo's Love Affair (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon