Weird&Weirder #8

38 3 0
                                    

Chapter Eight

Hindi ko alam kung tama ba yung desisyon ko sa pagsama. Una, sa byahe pa lang napagod na'ko kakasaway sa kakulitan ng tropa, pangalawa, ubos na pasensya ko sa tatlong bruha kasi buong byahe ang sama ng tingin nila sa'kin at pangatlo, ako lang ang babaeng nakapantalon sa event. Lahat mga naka-skirt or dress.

"Tsk tsk tsk." Lumingon ako sa likod ko. Umiiling yung tatlong mangkukulam sa'kin. "Sa susunod kasi, matuto kang sumunod sa dresscode MJ." Sabi ni Eunice at ngumisi yung dalawa.

"Agaw-atensyon lagi yan e. Gusto niya nasa kanya spotlight kaya siguro sinadya niyang magbihis ng ganyan." I rolled my eyes at Mitch. Kahit sa anong okasyon naman nakapantalon ako. Ewan ko ba kung anong pinagpuputok ng butche ng mga 'to. Sarap bigwasan ng isa e.

"Manahimik na lang kayo para iwas gulo tayo ngayong gabi." Nayayamot kong sagot. Sumimangot si Kris.

"Ano? Pinagbabantaan mo ba kami?" tanong niya sabay cross-arms.

"Sige lang, pagbantaan mo kami. Sasabihin agad namin kina Emmanuel." Sabi ni Eunice at ngumisi silang tatlo. I rolled my eyes. Hindi ako natatakot sa kanila, kahit isumbong pa nila ako. Pero since ayoko nga ng gulo at ayoko ring magmukhang kontrabida sa relasyon ng mga kaibigan ko, ginawa ko na lang kung ano ang makabubuti. Ang manahimik.

"Girls." Bati sa'min ni Ate Maricar. Nakasuot siya ng emerald green na dress na medyo fitted kaya nahubong ang hugis ng katawan niya. Isa-isa niya kaming niyakap. Ang bango talaga ni Ate Maricar. Anong ginagawa niya sa pabango? Pinanliligo?

"Tara na sa loob, hinihintay na nila kayo." Sabi niya at nauna nang maglakad. Sumunod kami sa kanya, nagpunta kami sa back garden nila kung saan may pool tapos buffet table sa gilid. Sa sulok may isang kubo, nandun yung tropa.

"Dre, ikaw lang pala nakapantalon na babae dito." Inakbayan ako ni Jojo at tumingin sa paligid. Napatingin sa paligid yung iba.

"Oo nga no!" natawa si Echo. "Tol, hindi ka ba nabigyan ng notice?" tanong niya. Umiling ako.

"Pasensya ka na bunso ha. Nakalimutan kong sabihin na dapat magdress ka." Nahihiyang sabi ni Two habang hinahaplos ang batok niya. Ngumiti lang ako.

"Ano ka ba. Okay lang no." Sabi ko. "Kahit naman may dresscode ganito parin suot ko."

"Oo nga, kailan ba kasi nagdress yan." Sang-ayon naman ni Mama at sunod-sunod ang comment ng tropa. Medyo gumaan na ang loob ni Two kaya napangiti ako.

"Nga pala MJ." Tumingin ako kay Echo. "Naghamon ba ng away si Roger Lee?" tanong niya. Napakunot ako ng noo. Wala naman akong nababalitaan.

"Hindi ko alam. Bakit? May nangyari ba?"

"Wala naman. E nagsusumbong kasi sa'min yung baklang 'yun. Inaapi na naman daw siya ng mga Flames." Napasimangot ako sa sinabi ni Gege. Inaaway namin siya? Kailan ba kami naghamon ng away ng walang dahilan?

"Hindi kami mahilig mag-umpisa ng away no." Depensa ko.

"Alam namin dre." Sabi ni Mama. "Mag-uumpisa lang naman ang away kapag nalaman ni Ilong na sinisiraan ka ni Roger Lee o inaaway e. Ang tanong, inaaway ka ba?" tanong niya.

"Hindi naman. Wala namang nang-aaway sa'kin ngayon." Sagot ko at tumingin sa cellphone ko. Kapag may nang-aaway sa'kin, sinusubukan nina Gege na huwag mangialam. Lalo na kapag galing sa Earth section ang nag-umpisa. Ayaw man nilang panuorin akong inaaway ng kaklase nila, wala silang magagawa dahil sinabi ko nang ayoko silang makialam.

"Grabe talaga bunso, peymus ka talaga." Nakangiting sabi ni Two. Napangiti naman yung iba. Ako? Peymus? Asa.

"Si Jea 'yun hindi ako." Sagot ko. "Tingin mo kapag nalaman nilang ganito ako sa labas ng school hahangaan pa nila ako?" nagtawanan sila since may point naman ako. Wala ng hahanga sa'kin kapag nalaman nilang nagpapanggap lang ako.

Weirdo's Love Affair (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon