Weird&Weirder #2

42 2 0
                                    

Chapter Two

Nasa Supermarket ako ngayon sa loob ng mall ng village. Si Papa nasa probinsya kasi may inaayos na kung ano man tapos yung mga kapatid ko naman iniwan ko sa bahay. Kapag sinama ko silang mag-grocery sasakit lang ulo ko sa kanila. Kaliwa't-kanan pa mandin kung magpabili si Blue.

Nagtutulak ako ng cart sa may condiments isle nang may makabangga sa'kin. I turn to glare at the guy.

"Ay sor - MJ." Nginitian ako ni Lala. Napakurap ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Sa sobrang laki ng vilage namin madalang magkakitaan ang tropa ng hindi inaasahan.

"Wala, nagpapalamig lang. Ikaw?" tanong niya tapos tumingin sa cart ko at napangiti. "Ah, Ate duties ka ngayon ah." Nagkibit-balikat ako. Hindi ako naniniwalang nagpapalamig lang 'to sa Supermarket.

"May kasama ka?" umiling siya.

"Akin na yan, samahan na lang kita." Sabi niya at kinuha sa'kin yung cart. Hinayaan ko na lang para may kausap ako kesa mag-isa akong nagmo-monologue dito. Naglakad-lakad kami sa mga stalls at pansin kong may mga babaeng napapatingin sa'min. 

"Nga pala, yung Li." Sabi ko kasi biglang pumasok sa utak ko yung mukha niya. Hindi ko nagawang makapagtanong sa tropa tungkol sa kanya nung nakaraan. Ramdam kong hindi ko siya makakausap gaano para makilala kasi parang hindi siya masalita.

"Oh ano meron sa kanya?" tanong niya at nagpunta kami sa isle ng mga biscuits. Kinindatan ni Lala yung mga elementary students na nadaanan naming nakatitig sa kanya. Halata namang kinilig yung mga bata while I only rolled my eyes. Typical Lance Lazaga move.

"Paano niyo naman nakilala 'yun?" tanong ko at naglagay ng Sandee at Stick-O sa cart.

"Sadyang tropa na namin siya noon pa lang. Hindi mo lang siya nakita last summer kasi nasa UK siya." Tumango-tango ako. Nakilala ko lang kasi sina Gege nung summer bago magthird year. Si Gege ang nagpakilala sa akin sa ibang tropa tapos nagtuloy-tuloy na pagsama ko sa kanila.

"Nag-aaral ba 'yun?" tumango siya. "Ano course? Ilang taon na?" kaedad kaya siya ni Two? Or nina Lala? Si Two kasi four years ahead sa akin tapos sina Lala at Jojo naman three years.

"He's only 17, kaedad ko. Graduate na siya, last year pa. Nagpre-Law course tapos bago mag-Law e nagliliwaliw muna dito." Wow, talino. Ano ulit tawag sa mga katulad niya? Gifted? Minamani lang ang college e. "Kada summer nagpupunta siyang UK para magtraining mag-manage ng kompanya nila." Mayaman pala. Mas lalo tuloy akong nagdadalawang isip na i-approach siya.

"Mayaman pala." Tumango siya. Mayayaman din naman ang tropa, kanya-kanyang level nga lang. Si Li na ata ang pinaka-mayaman sa amin.

"Bakit ang dami mong natanong?" tinaasan niya ako ng isang kilay. Nagkibit-balikat ako at tumingin sa likod ng Oyster Sauce bottle.

"Curious ako e. Ang tahimik kasi niya tapos parang tuod." Natawa naman si Lala. Ang hitsura kasi ni Li ay parang palagi siyang walang gana. Walang buhay kumilos o magsalita. Para siyang naglalakad na tuod.

"Tahimik talaga 'yun, hindi masyadong sumasali sa usapan. Kadalasan nakikinig lang. Ang tamlay-tamlay." Halata naman sa katawan niya e. Akala mo walang makain sa kanila. "Tinanong niya kami nung makauwi ka na. Bakit daw kami nakipagkaibigan sa' yo." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa tanong niya.

"Anong ibig niyang sabihin dun?" parang nainis ako. Ni hindi pa nga niya ako nakilala pakiramdam ko nahusgahan na niya agad ako. Ayaw ba niya sa'kin? Pwes kung ayaw niya sa'kin, hindi ko siya kailangang maging kaibigan. Tss.

Nagkibit-balikat si Lala at ngumiti lang sa'kin.

"Ewan ko, hindi rin namin siya na-gets e." natatawa niyang sagot. Tumango-tango ako. "Ano masasabi mo sa kanya?" tanong niya bigla. Tinaasan ko siya ng kilay bago nagkibit-balikat.

Weirdo's Love Affair (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon