Weird&Weirder #9

37 3 0
                                    


Chapter Nine

"Naiinis ako sa Facebook." Sabi ko. Nasa bahay kami ni Two ngayon. Linggo, wala si Papa at ang mga kapatid ko kaya pwede akong gumala. Wala sina Jojo at Echo ngayon.

"Bakit?" tanong ni Mama.

"Nag-umpisa na naman ang month ng July, naglabasan na naman ang mga post na 'July please be good to me.' Inaano ba sila ng July?" inis na inis kong sabi at natawa sila ng mahina.

"Hindi ka na nasanay sa mga Pinoy. Kung anong uso, ginagaya nila. Kahit na pan-tanga." Sabi ni Lala at sumilip sa cellphone ko. Ang dami kasing ganung posts sa Newsfeed ko kaya nakakairita. Isa na sina Three, Jane at yung iba pang mga babae sa school.

"Uy, punta kayo sa Friday." Sabi ko sa kanila.

"Ah, oo nga pala. Sa Friday na 'yun e no?" tanong ni Mama. Tumango ako.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ni Two.

"Yung paborito niyong event sa school." Nakangising sabi ni Gege. Napangiti pareho sina Lala at Two. I rolled my eyes.

"Oo nga pala, July ginaganap 'yun." Sabi ni Lala. "Kasali ka parin? E di'ba graduating ka na?" tanong niya sa'kin. Tumango ako.

"Ipapasa ko na lang 'yun pero syempre kailangan ko magpakita." Sagot ko. "Punta kayo ha?"

"O'naman. Magdadala akong camera at kukuha akong maraming pictures." Napangiti ako sa sinabi ni Two. Gustong-gusto nilang pumunta sa mga activities sa school kung saan kasali ako bilang Jea. Nung una, naiilang pa'ko dahil ayokong nakikita nila akong nagpapanggap pero nasanay narin naman ako malaunan.

"MJ, picture tayoooo." Sabi ni Lala at bigla akong hinila palapit sa kanya. Dinampi niya ang mga labi niya sa pisngi ko. Sa gulat hindi ko alam ang ire-react ko. Nag-click yung camera. "Aw, tangina, ang ganda ng pose ko ang pangit naman ng mukha mo." Reklamo niya. Natawa ang tropa.

"Patingin nga." Kinuha ni Gege yung cellphone. Nang makita niya yung picture humagalpak siya sa sahig, tawa ng tawa. Kinuha ni Mama yung cellphone, natawa din ang gago. Pinagpapasa-pasahan nila yung cellphone ni Lala. Napasimangot ako.

"Patingin nga." Inilahad ko ang palad ko. Walang nag-abot sa'kin ng cellphone. "Akin na." Nagpigil sila ng tawa at sinamaan ko sila ng tingin. Inagaw ko sa kamay ni Two yung phone at tinignan ko yung screen.

"Aw pota." Maski ako natawa sa hitsura ng mukha ko e. Mukha kong hindi mapatae. "Walangyang mukha 'to." Tawa ko at natawa narin ang tropa. Okay na sana yung picture. Sweet na sana tignan yung picture kasi nga yung pose ni Lala pero yung mukha yung panira.

"Akin na, post ko sa IG." Sabi ni Lala. Binigay ko naman sa kanya. Hindi ako natatakot na i-post niya yung masagwang picture ko kasi hindi naman kami friends sa kahit na anong social account at isa pa, wala akong paki talaga. Picture lang yan.

"Ilang buwan pa bago magbakasyon ulit." Nag-unat si Gege at sumandal sa sofa since sa carpet kami nakaupo.

"Langya naman Ge, kakaumpisa pa lang ng July. Matagal pa yang hinihintay mo." Sabi ko at binato siya ng chips.

"Gusto ko kasi magskateboard agad kasama ka e." Sabi niya at napangiti ako. Dun kami unang nagkakilala ni Gege, dahil sa skateboard.

Flashback

"Ate saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Blue. Kinuha ko yung cap ko sa sabitan at sinuot ito.

"Diyan lang." agad akong umalis. Nang makalabas na'ko ng bahay, huminga ako ng malalim. Kakatapos lang namin mag-away ni Mama. Rinding-rindi ako at gustong-gusto ko ng ibaba yung tawag kaso hindi ko naman magawa dahil hindi naman ako ganun kabastos sa mga magulang ko. Naiinis lang ako kasi hindi ako makasagot. Hindi ko masabi yung point ko. Tangina lang.

Weirdo's Love Affair (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon