Weird&Weirder #3

41 2 0
                                    

Chapter Three

"La! Ano ba! Sinabi ng akin na yan e!" hinahabol ko si Lala sa sala ni Two. Hawak-hawak niya kasi yung cellphone ko. Binabasa niya yung conversation namin ni Janlee. Pakialamerong gago talaga nito.

"Oo nga cookie e. Pero mabuti at loyal ka." Binasa ni Lala ng malakas yung text ko kay Janlee. Tumawa ang tropa at namula naman ako. Tangina, salamat ng marami Lala. "Salamat talaga cookie. Lagi kang nandyan para pagaanin loob ko. Para na kitang babaeng best friend." Napasimangot si Lala sa cellphone ko.

"Pwe! Ang daming alam na ka-kornihan nitong baklang 'to. Babaeng best friend? Sus!" sabi pa ni Lala habang nakatingin sa cellphone ko. "Wow ha, nagpalasamat pa talaga siya kasi nagpapakatanga ka sa kanya." sinimangutan niya ako at binato ko siya nung tsinelas kaso ang natamaan si Jojo. Sinamaan niya kami ng tingin.

"Aray! Huwag nga kayong mandamay! Huwag ang gwapo kong mukha, langya naman oh." reklamo niya habang hinahaplos kung saan siya tinamaan.

"Lance akin na yan!" sinigaw ko ang pangalan niya at hinabol siya. Agad naman siyang tumakbo bago pa ako makalapit sa kanya. "Argh. Lance!" nagpadyak akong isang paa at tumakbo sa kusina ang gago. Napagod na'ko kakahabol kaya sumalampak ako sa sofa. Babalik din yan mamaya.

"Takbuhan ka pala nung unggoy na 'yun kapag may problema sila nung syota niya." Sabi ni Gege na inalis saglit ang tingin niya sa cellphone para taasan akong isang kilay.

"Oh e ano?"

"Tanga mo talaga." Hinampas ko si Echo. "Totoo naman e. Alam mo ng iba yung gusto niya, support ka parin ng support. Para kang referee sa WWE. Hindi ka kailangan pero nandyan ka parin." Napasimangot ako sa sinabi ni Echo kasi totoo. Kaso ganito na talaga ako, trip kong maging ganito e. Mas gusto ko yung ganito kami ni Janlee.

"Pero may pag-asa ka pa naman bunso e." Sabi ni Two. Tinaasan ko siya ng kilay. Pag-asang ano? "Hindi mo ba alam na kapag kino-comfort mo ang isang lalaki mas lalong napapalapit ang loob niya sa'yo. Kasi iisipin niyang mas naiintindihan mo siya kesa sa sarili niyang girlfriend. Ganun lang naman yan e." Tumango-tango naman si Jojo.

"Naging kami ni Mitch dahil sa ganun. Comfort comfort lang." sabi niya. "Alam mo kasi kaming mga lalaki, dun kami sa pumapanig sa'min, sa nakakakita ng side namin kahit na mali kami. Balang araw baka pagbalingan ka rin ng tingin nung unggoy na 'yun."

"Pero parang ang pangit rin e. Kasi may possibility na gawin din niya sa'yo yung ginawa niya sa ex niya. Masasaktan ka lang. Minsan talaga gago ang mga lalaki." Sabi ni Mama at tumingin kay Gege. "Gago pala natin e no?" napangisi naman yung isa tapos yung iba sumimangot.

"Huwag kang mandamay! Matino kami!" sigaw ni Lala mula sa kusina. I rolled my eyes.

"Alam mo bunso, mas maiging gawin mo e hayaan mo na lang na magkagusto siya sa'yo. Sa sarili mong paraan. Mas maganda paring tignan yung nagustuhan ka niya kasi ikaw ay ikaw." Lalim talaga nitong si Two. Siguro dahil siya ang pinakamatanda sa'min at siya rin ang pinakamatino sa kanilang lahat. Pansin na naman siguro hindi ba?

"Oo nga. Maganda ka naman e, sexy ka, talented, matalino. Yun nga lang may pagka-UFC fighter ka." Hinampas ko si Echo. "Oh kita mo? Ang bilis kumilos ng kamay mo basta sa panghahampas." Hinampas niya yung kamay ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Baka naman mamaya kapag nanligaw sa'yo yung unggoy na 'yun sagutin mo agad bunso ha?" sabi ni Two.

"Hindi pwede, kailangan dumaan muna sa'min 'yun." Sabi ni Mama sabay cross-arms pa. Sumimangot ako. Magkagusto man si Janlee sa'kin malabong maging kami. Hindi niya pa alam ang totoong ako e.

"Hindi ah. Hindi ko siya sasagutin."

"E di'ba patay na patay ka sa supot na 'yun? Bakit hindi mo sasagutin?" tanong ni Jojo.

Weirdo's Love Affair (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon