06

30 4 0
                                    

“PASOK NA ba ‘to sa taste mo, President?” Sabay pakita ni Liam sa bulkan na ginawa namin.

Tumango agad ang babaeng mataray na may ngiti sa labi. “Oo. Ayos na iyan. Maganda. Patutuyuin na lang.”

Gamit ang isang illustration board, nagtayo kami roon ng bulkan na gawa sa putik. Nagdala si Fina ng solid na lupa at binasa namin ‘yon gamit ang tantyadong tubig. Kaming tatlo nina Carvin at Liam ang mano-manong gumawa sa bulkan gamit ang mga walang proteksyon na kamay namin.

Puro putik ang palad namin, ang iba ay natuyo na at mayroon pang pumasok sa kuko ko kahit hindi naman mahaba. Talagang sumiksik lang. Siguro bida-bida. Lilinisin ko na lang mamaya nang mabuti pagkatapos. Isa sa ayaw ko pa naman ay kapag marumi ang kuko ko. Hindi rin ako nagpapahaba dahil ang sagwa tingnan.

Napaismid si Elaila kay Liam. “May nagawa ka rin na tama sa buong buhay mo.”

“Siyempre, pogi ako, e.”

Nalukot naman ang mukha nito. “Yuck. Kung ikaw na lang ang nag-iisang tao sa mundo, baka puwede pang mangyari.”

Napangisi ako dahil sa sagot ni Laila. Hindi na nakakapagtaka na magkaibigan sila ng president. Parehong mataray. Napapansin ko rin na parang mainit ang dugo ni Laila kay Liam. Kanina niya pa kasi ito binabara.

Bago pa lang kami nagsisimula kanina ay bumabanat na siya ng pang-aasar. Hindi ko alam sa taong ito. Malakas talaga ang pakiramdam ko na mainit ang dugo niya sa kaibigan ko. Gusto ko siyang i-support sa bagay na iyon.

Ngumisi si Liam, mas nakakaasar. “Sus, Elaila, alam ko naman na poging-pogi ka sa akin. Nahihiya ka lang aminin pero iyon naman talaga ang totoo.” Humalakhak si Carvin sa tapang ng loob ng tropa namin.

Inasar siya ng mga babae na nanonood sa paggawa namin ng bulkan. Sinulyapan ko si Elaila na namumula na ang mukha. Hindi dahil sa kilig. Ang pamumula ay resulta ng pagkapikon. Asar siya nang asar pero siya rin naman itong unang napipikon kaysa sa inaasar niya.

Tahimik lamang ang babaeng mataray na nakamasid sa mga nangyayari. Hindi siya nakikisabay sa asaran, nakikinig lamang. Nakaupo siya sa batong hindi kalayuan sa amin katabi si Princess. Nasa lilim siya, at maganda iyon para hindi siya mabilad sa araw.

“Kayong dalawa, kanina pa kayo nag-aasaran. Baka malalaman na lang namin next week na mag-syota na kayo, a?” si Ilvera.

“Mamamatay muna ako bago ko patulan ang kuwago na iyan!” iritableng sabi ni Laila. “Gusto ko tao, hindi kuwago.”

Lalong lumaki ang pagkakangisi ni Liam, hindi makuhang mapikon at parang mas natutuwa pa nga na naaasar si Laila. Masyado kasi itong pikon. Mga ganiyan ang masarap pag-tripan.

“Sus, alam ko naman na kakainin mo rin iyan. Baka bukas ay crush na crush mo na ako at hindi ka na makatulog kakaisip sa akin, Aling Laila.”

Nagtawanan sila habang ako ay mas napangisi lang. Gago talaga itong si Liam, trip na trip asarin si Laila. Hindi tinatalaban kahit tinawag na siyang kuwago. Mas gusto pang mang-asar! Pero naisip ko na parang tama nga ang babae. May sa-kuwago si Liam dahil medyo malaki ang mata nito, pero hindi naman iyong luwang-luwa na.

“Abay ako sa kasal niyo, a!” Hirit ni Fina na natatawa. “Hindi puwedeng hindi ako kasali sa line-up ng mga abay. Kailangan ko rin matikman ang menudo!”

“Kinikilig na si Laila. Pulang-pula na si ganda.”

Parang lalo naman itong nainis. “Tumahimik nga kayo! Feeler ka ‘oy, Liam. Hindi ako pumapatol sa tulad mo!”

“Sayang, pogi pa naman ako.”

“Pangit mo!”

“Ganda mo naman...”

Where It Hurts (Exquisite Ladies 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon