“PARA KA namang bobo niyan. Dati ka bang hotdog?”
Nakaka-bwisit talaga si Carvin kahit kailan. Wala na siyang nasabing maganda simula noong unang araw na naging magkaibigan kaming dalawa. Puro mga walang kwenta ang sinasabi niya, nakakapang-init lang ng ulo.
“Sep, para kang gago. Sinasabi ko lang ang gusto at desisyon ko!”
Kumuyom ang kamao ko. “Ang unfair naman, Carvin. Gusto kong maging present sa araw na ‘yon para sa ‘yo, tapos ganito ang sasabihin mo sa akin.”
Narinig ko ang marahas niyang buntong hininga. Mukhang napikon na rin siya sa akin. Wala naman akong pakialam kahit magalit siya. Nakakairita lang ang sinabi niya kanina. Hindi ko nagustuhan.
“Hindi naman ‘to unfair, Sep. In-invite ni Karina si Callie, malamang ay pupunta iyon. Ikaw, huwag na! Okay lang kahit wala ka sa kasal ko, p’re. Si Callie, hindi puwede. Siya ang bridesmaid namin, e. Naiintindihan mo ba ang point ko? Huwag ka na lang magpunta,” sabi niya mula sa kabilang linya.
May point naman siya. Ayaw lang nila na magkita kami dahil baka ma-trigger ko na naman siya. Ilang taon ko nang hindi nakikita sa personal si Callie. Simula noong grumaduate kami, hindi ko na siya nakita pang muli. Umiiwas siya sa akin at alam ko naman na ginagawa niya ‘yon para protektahan ang sarili niya.
Hindi ko na rin nakikita ang mga post niya sa Facebook at Instagram dahil unfollowed na ako. Private ang accounts niya at nahihiya akong mag-follow request dahil hindi rin talaga kaya ng konsensya ko.
Naiintindihan ko, pero ang hirap tanggapin na ayaw niya akong pumunta. Pakiramdam ko kahit valid naman ang reason, invalidated ang pagiging magkaibigan namin. Hirap lunukin na ayaw niya akong papuntahin sa mismong kasal niya.
“Utol, pasensya ka na. Gusto kitang magpunta sa kasal ko dahil kasal ko ‘yon, pero iniisip ko rin si Callie. Hindi natin alam kung kaya ka na ba niyang makita. Sundin mo na lang ang gusto ko. Para naman ‘to sa inyo.”
Napatungo ako. Hindi ko alam ang sasabihin dahil pakiramdam ko kahit kay Carvin ay nahihiya na ako. Gustong-gusto kong pumunta dahil kasal niya ‘yon. Noong narinig ko nga na ikakasal na sila ni Karina, kahit ako ay na-excite. Pinag-isipan ko na agad kung ano ang ireregalo ko sa kanila.
Napagtanto ko na lumayo na nga rin pala ang loob ng mismong kaibigan ko sa akin.
“Okay lang, naiintindihan ko.”
“Sino ‘yang kausap mo, Vin?” narinig ko ang boses ni Karina sa kabilang linya.
“Wala, si Sep lang.”
“Ah,” naging dry ang boses ni Karina pagkatapos marinig ang pangalan ko. “Sinabihan mo na ba siya? Next week pa ipamimigay ang invitation, Sep, nagkaroon ng problem sa spelling ng isang name kaya kailangan ulitin. Dadalhin na lang ni Vin ang invitation mo, hane?”
Umawang ang labi ko sa narinig. May invitation din ako? Akala ko ba ayaw ni Carvin na um-attend ako? Bigla akong nabuhayan ng loob. Wala, ayaw ko nang sayangin ang pagkakataon. Gusto ko nang makita si Callie. Gusto kong malaman personally kung ayos lang ba siya.
“Hindi ako pupunta, Karina,” nanuyo ang lalamunan ko. Kung ayaw ni Carvin, wala naman akong magagawa. Kasal niya iyon kaya hindi ako pwedeng pumunta kahit ayaw naman niya.
“Huh? Bakit?”
“Hindi ko siya pinapapunta. Naroon si Callie, babe. Baka hindi pa handa ang kaibigan mo na makita si Sep-”
“Siraulo ka talaga, Carvin! Hindi puwedeng hindi pupunta si September sa kasal natin dahil kaibigan mo siya! ‘Wag ka rin masyadong paladesisyon. Okay na si Callie, matagal na!”
BINABASA MO ANG
Where It Hurts (Exquisite Ladies 1)
Fiksi RemajaI. September's life was peaceful yet silently chaotic. Well, everything is fine naman talaga kahit pa may anger issue siya, kung hindi lang isang araw ay inagaw ng class president nila ang maganda niyang upuan. Wala naman siyang balak makipag-usap d...