NAGHUGAS MUNA ako ng pinagkainan namin ni Mama bago tumambay sa salas para manood sa Netfix ng inaabangan kong Korean thriller drama. Maglalapag ng panibagong episode ngayong gabi kaya inaabangan ko na.
Nakahilata ako sa sofa. Putting t-shirt at grey na jogging pants ang suot ko. Nagpalit na ako agad ng damit pagkauwi kanina. Pinaliwanag ko kay Mama ang dahilan ng pagkaka-late ko ng uwi at malamang, nasira ang gabi niya sa balita ko. Alangan namang matuwa pa siya, e, kasali na nga ako sa mga estudyanteng kailangan pagtuunan ng pansin dahil laging bagsak.
Tutoring session pa more. Sa mga oras na ito, sigurado akong kausap na ni Mama si Ate July at ibinabalita rito ang panibago kong achievement. Hihintayin ko na lang ang tawag niya sa akin para pagalitan ako at patikimin ng salita niya.
Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table. May pumasok na notification doon. Nakabukas ang wifi kaya kahit hindi ko ginagamit, tuloy-tuloy na nakatatanggap ako ng notification galing sa iba’t-ibang application na naka-install sa cellphone ko.
Dinampot ko ‘yon nang hindi bumabangon at sinilip ang notification sa lockscreen. At sa gulat, marahas na napabalikwas ako ng bangon noong makita kung ano iyon.
Callie Gallera sent you a friend request.
Huh?
Kunot ang noo na sinampal ko bigla ang pisngi ko dahil baka panaginip lang iyon. Sino ang maniniwala na nag-friend request siya sa akin? Pero hindi panaginip. Hindi rin ako nag-iilusyon dahil kahit ilang beses na akong kumurap, pareho pa rin ang notification. Naroon pa rin iyon. Ibig sabihin… in-add friend niya ako sa Facebook!
Hindi kami friend sa Facebook dahil wala akong pakialam sa kaniya. Hindi ko siya ina-add dahil hindi siya welcome sa friend list ko. Pero ngayon… naramdaman ko na lang na nanunuyot ang lalamunan ko.
Nagpunta ako sa Facebook app. Naroon nga ang notipikasyon na in-add ako ng babaeng mataray. Walang display picture ang account niya kaya chineck ko pa kung siya ba talaga ‘yon. Baka kasi may nanggaya lang sa pangalan at account niya.
Nag-scroll ako sa profile niya. Halos mapamura ako noong una kong napansin ang mutual friends naming dalawa. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga talaga ito dahil kilalang-kilala ko ang Facebook account niya.
Nanghihina akong napahiga ulit sa sofa. Kagat ko ang hinlalaking daliri ko habang iniisip kung anong nakain niya ngayong gabi at bigla niyang naisip na magpadala ng friend request sa akin. Alam ko na hindi naman ito big deal, pero big deal sa akin!
Dahan-dahan kong pinindot ang ‘accept’ sa choices at ibinaba ang cellphone para lang takpan ng dalawa kong palad ang buong mukha ko. Nahaplos ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
Kumalma ka nga, September! Bakit ba ganyan ang reaksyon mo? Nag-friend request lang naman siya sa ‘yo, a? Bakit yata tila hindi ka na mapakali agad?
Huminga ako nang malalim habang kinakalma ang sarili ko. Sobrang weird lang. May mali na talaga sa akin. Hindi na ako ito! Ayaw nang magpaawat ng sarili ko.
Akala ko sa bagay na iyon na natatapos ang lahat. Pero shocked na naman ako noong nakita ang display picture niya na nag-pop out sa screen ng cellphone ko. Nag-chat siya sa akin!
Nanginginig ang kamay na inabot ko ang cellphone para basahin ang chat niya.
Callie Gallera:
Hi. Good evening. Send ko rito ‘yong soft copy ng aaralin mo bukas. Pdf na ito kaya basahin mo na lang para bukas ituturo ko na lang sa ‘yo ng diretso :)
Ha! Tumutok ang mga mata ko sa smiley emoji na nasa huli ng message niya. Nakangiti siya habang tina-type ‘to? Hindi ko alam kung magrereply ba ako dahil sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala.
![](https://img.wattpad.com/cover/315636507-288-k547595.jpg)
BINABASA MO ANG
Where It Hurts (Exquisite Ladies 1)
Dla nastolatkówI. September's life was peaceful yet silently chaotic. Well, everything is fine naman talaga kahit pa may anger issue siya, kung hindi lang isang araw ay inagaw ng class president nila ang maganda niyang upuan. Wala naman siyang balak makipag-usap d...