MAY BANGAS sa mukha si Carvin. Putok naman ang labi ni Liam habang si Edward ay bugbog at maga ang mukha sa sobrang pagkabugbog sa kaniya. May pasa siya sa gilid ng mata, putok ang kilay at malaki ang sugat sa labi.
Pagbalik niya sa classroom, pinagtitinginan siya ng mga kaklase namin. Wala ni isa ang nagsalita. Nakasunod lamang sila ng tingin dito habang may malinaw na disgustong nakasulat sa mga mata.
Galing kami sa guidance office para kausapin tungkol sa gulo na nangyari na maraming estudyante ang nakasaksi. Pinuntahan kami roon ng adviser namin dahil pinatawag ng mismong Principal. Kasama rin namin ang babaeng mataray na siyang nagpakita ng cellphone. Napatunayan na ginagawa na naman ni Edward ang unang kaso niya sa guidance.
Pinaliwanag ko na nakita ko siyang nakasunod sa huli niyang bibiktimahin at naglusot ng cellphone sa ilalim ng palda nito. Sinabi ko lang naman sa Principal ang mga nakita ko. Sinubukan pang magpaliwanag ni Edward pero wala na siyang lusot pa dahil may ebidensya sa kaniyang cellphone.
Kicked out na siya kinabukasan din pagkatapos makausap ng Principal ang parents niya noong kinahapunan. Hindi na siya pumasok, habang sina Carvin at Liam ay may one week suspension dahil sa pambubugbog kay Edward sa loob ng school, which is bawal naman talaga. At dahil wala naman akong violation na nagawa, nakaligtas ako.
Pinag-uusapan ang nangyari kay Edward. Manyakis talaga dahil maraming nakita sa phone niyang stolen shots ng iba’t-ibang estudyanteng babae. Karamihan pa ay iyong mga nakasuot ng PE pants na may bakat. Zino-zoom ni Edward sa parteng iyon, o kaya ay sa dibdib sa malalaki ang sukat.
Hayop talaga iyon. Dapat lang na mapatalsik na sa Benides, nuknukan ng manyak. Mukha siyang basura. Walang ginagawang matino. Hindi rin naman siya kawalan dahil kawawa lang ang mga babaeng binibiktima niya. Mga walang kamalay-malay na kinukuhanan na sila ng litrato.
Kahit pa gaano kaikli ang suot ng isang tao, hindi dapat minamanyak o binabastos. Utak rapist yata si Edward dahil kahit iyong mga nakasuot ng pants ay talagang ginagawan niya ng masama. Ibig sabihin, hayop talaga siya.
Tangina niya. Hindi ko kayang sikmurain ang gawain niya. At naiisip ko pa lang na gagawin ang ganoon sa Ate at Mama ko, nag-iinit na ang dugo ko. Baka makapatay ako kapag mismong sila na ang ginawan ng ganoong bagay.
“May kasabay ka ba magpunta sa canteen, Sep?” Pumitik ang mahahabang daliri sa tapat ng mukha ko. Tatlong araw nang mag-isa lang ako sa room dahil under suspension pa rin sina Liam at Carvin. Nakita ko ang maamong mukha ni Wendy.
“Wala,” iyon naman ang totoo. Hindi na nga ako lumalabas sa classroom tuwing break time dahil wala rin naman ang mga kaibigan ko.
Ngumiti si Wendy, iyong mahiyain at alam kong maganda. “Gusto mo sabay na lang tayo? Wala rin akong kasama, e.”
Napatingin ako sa paligid. Kakaunti na lang ang tao sa room namin. Naglabasan na ang halos lahat para pumunta sa canteen. Ang iba ay nasa labas naman nakatambay.
Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang uniporme ko kahit pa hindi naman iyon nadumihan, o nalukot. “Tara.”
Wala rin yatang kasama si Wendy. Ayos lang naman na kasama ko siya. Hindi big deal sa akin. At wala rin naman itong malisya. Nang nilingon ko siya sa tabi ko ay nakita ko ang magandang klaseng ngiti niya.
Pero ewan ko ba, wala akong maramdaman sa ngiti niya kahit pa maganda naman iyon talaga. Parang normal lang. Nakakapagtaka dahil kung iyong babaeng mataray naman ang ngumingiti, may pagkakataon pa na gusto ko lang siyang titigan.
Simula nga noong nangyari iyong kay Edward ay napapansin ko na naman ang madalas niyang pagsulyap sa akin. At kapag nagkakatinginan kami, awtomatiko na naglalabas siya ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Where It Hurts (Exquisite Ladies 1)
Roman pour AdolescentsI. September's life was peaceful yet silently chaotic. Well, everything is fine naman talaga kahit pa may anger issue siya, kung hindi lang isang araw ay inagaw ng class president nila ang maganda niyang upuan. Wala naman siyang balak makipag-usap d...