Chapter 35
__
"Mas malaki daw ang possibility na mag fail, kaya as much as possible don't let your hopes up. Okay?" Tumango ako.
"Alam ko, don't worry" Hinaplos nya ang hita ko.
"Ayoko lang na umasa tayo ng ganito ka aga." Yumakap ako sa katawan nya at hinayaang mapuno ng amoy nya ang senses ko.
Medyo inantok ako dahil di ako naka tulog ng maayos kagabi sa excitement na ngayon kami pupunta sa doctor.
Nag pakalat sya ng halik sa buong mukha ko, saka nya hinaplos ang pisngi ko. Iniyakap ko ang kamay sa beywang nya at isiniksik ang mukha sa dibdib nya.
"Do you think we can really do this?" Hinagod hagod ko ang likuran nya.
"Alin?" Narinig ko syang bumuntong hininga kaya napa dilat na ako.
"This, getting pregnant and having a baby" Nasa labas ng bintana ang tingin nya.
After makipag kita sa doctor, sinabi nila na kailangan munang magkaroon ng mga test at alagaan ng mabuti ang katawan namin bago yung procedure.
Kaya umuwi na kami sa bahay at nag kulong nalang sa kwarto. Mas gusto naming gawin ito, parehas kasi kaming walang hilig maglalabas. Also, second na palagi sa utak namin ang mag tipid. Lalo pa't ang mahal nung bahay na binili namin.
"Ayaw mo pa ba?" May ingat na tanong ko.
"Of course I want to. But may time na nagigising ako sa gabi and there's a voice in my head telling me that I'm just going to be a failure."Kumunot noo ako at hinawakan ang mukha nya.
"No sweetheart, alisin mo yon sa utak mo." Umiling iling pa ako.
"Ayaw ko naman isipin yon, pero everytime na ma aalala sila dad may time na- I don't know what I'm really thinking. Never nagkaroon ng regret sa puso kong pakasalanan ka, because you make me the happiest person." Nahabag ang puso ko sa vulnerability ng boses at emosyon nya.
"But maybe dad was right about me that I'm a failure and I don't want our kids to have a parent like me. What if, diko pala kayang maging mabuting magulang? Paano kung pati yung magiging anak natin isiping failure ako?" Nag init ang mga mata ko dahil mukhang naka baon ng napaka lalim ang mga trauma-ng iniwan ng mga magulang nya.
Parang may kamay na pumisil sa puso ko sa mga naririnig ko ngayon. Hindi ko alam kung paano pa ipapaliwanag sa kanya na sya na ang pinaka the best na asawa sa buong mundo.
"Hey, pakinggan mo ko. Hindi mangyayari yon. Sigurado akong magiging pinaka swerte ang mga magiging anak natin, Blaze. Kasi napaka buti mong tao, Kulang ang isang buong linggo para lang masabi ko ang lahat ng magagandang katangian mo" Niyakap ko sya ng mahigpit habang patuloy na nadudurog ang puso ko para sa kanya.
Alam kong kasalanan ang mag tanim ng sama ng loob, alam ko ring dapat kong pasalamatan ang mga magulang nya at narito sya sa mundo.
Pero ngayon lang ako nakaramdam ng labis na pagkamuhi para sa mga taong diko lubos na kilala. Dahil sino sila para saktan sya? Ang mas nakaka inis pa, wala na sila rito pero lahat ng binhing iniwan nila. Malago pa ang pag tubo sa utak nya.
Kaya tuloy minsan napaka hirap sa kanyang makita yung kahalagahan nya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa labis na inis. Bakit kailangan mangyari ito sa napakabuting tulad ni Blaze?
"Kung kailangan, I'll remind you everyday na dika failure, kasi pinaka swerte na ako sa lahat lalo pa't ikaw na ang pinaka perfect na tao, to ever exist." Maliit syang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)
Любовные романыNaniniwala kaba sa karma? Sinasabi na sa mundong ibabaw, lahat ng gawin natin, mabuti man o masama ay may sapat na kabayaran. Bumabalik ito tulad ng boomerang. Lumaki si Joey sa simbahan kaya't normal lang para sa kanya ang matakot gumawa ng masam...