Chapter 4
__
Mga bandang alas singko bumubuhos nanaman ang malakas na ulan at ilang beses ng nag patay sindi ang ilaw kaya sa palagay ko may parating na bagyo.
Nag handa ako ng kandila at nag charge ako ng mga ilaw, pati na yung solar na bentilador para di lamukin si Blaze mamaya kapag natutulog na sya.
Hindi ko rin kasi ma che check yung generator kung sakaling biglang mawalan ng ilaw. Takot akong tamaan ng kidlat, kasi mas malaki pa raw ang probability noon kaysa manalo ako sa lotto.
At feeling ko sa ilang mga kasalanang nagawa ko nitong ilang araw, magiging kaparusahan kolang iyon. Kaya iniiwasan kona.
Matapos ang lahat ng iyon, nakita ko si Blaze na naka upo malapit sa fireplace. Naka titig lang sya doon at malalim ang iniisip.
Naupo ako sa malapit sa kanya, bumaling sya sakin at ngumiti.
"Meron kang alak dito? Parang gusto kong malasing" Hindi ako umiinom ng alak.
"Meron doon pero masama sa katawan yon Blaze" Natawa sya saka tumayo.
"Where? Turo mo sakin" Wala akong choice kundi ang sundan sya sa loob ng wine cellar ni Shark.
Lumabas kami sa backdoor saka ko itinuro yung hagdan pababa patungo sa cellar ni Shark. Kinuha ko ang susi bago kami mag lakad.
Umanggi ang hangin na may tubig kaya hinatak ko sya kaagad sa loob para di kami mabasa. Binuksan ko ang ilaw dito sa may pintuan.
"Woah, is this really real?" Sumandal ako sa may pader at pinanood syang mag libot ng tingin sa napakaraming bote ng alak.
Isa sa hobby ni Shark ay ang mangolekta ng mamahaling alak mula sa iba't ibang bansa at panahon.
"Oh wow, this is legit. Chateau Lafite Rothschild 1787. My dad would kill to have this" Natatawang bulong nya, diko man na gets yung tinuran nya.
"Parang di masarap" Komento ko.
"Masarap to, as in. But as much as I would like to piss that Shark guy. Ayokong galawin to, respect narin na meron sya as a collector." Iniwan nya iyon at nag hanap ng iba.
"Blaze ito oh, strawberry daw baka masarap to" Ipinakita ko sa kanya ang bote, tumango sya kumuha kami ng dalawa saka bumalik sa loob ng bahay.
Medyo nabasa kami kaya agad akong kumuha ng twalya para makapag punas sya.
Sa salas naka upo na ulit sya malapit sa pugon at binubuksan na ang wine. Dinalhan ko sya nung pork ribs na tira kanina at tinapay, para di sumakit ang tiyan nya.
"We'll celebrate happiness today. Tomorrow I will try my best to forget Eyen." Napa ngiti ako doon.
Nag salin sya sa dalawang wine glass ng pulang alak, di ako nakapag salita at sandali itong tinitigan.
"Hmm,taste sweet, I like this one. What do you think?" Tanong nya matapos sumimsim.
May ingat kong tinungga ang baso at ng dumampi ito sa labi ko isinarado kong mabuti ang bibig. Pa effect pa akong shock na tumingin dito, ng madilaan ko ang lasa sa labi ko.
"Mapait, bakit ganito?" Tumawa sya ng malukot ang ilong ko.
"You're cute Joey" Nag init ang pisngi ko.
"Salamat, cute karin Blaze" Natawa nanaman sya.
Nag kwento sya sakin habang abala sa pag inom kung paano nya nakilala si Cheyenne at kung ano ang first impression nya sa babae. Taimtim akong nakinig at di ako sumingit.
BINABASA MO ANG
Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)
RomansaNaniniwala kaba sa karma? Sinasabi na sa mundong ibabaw, lahat ng gawin natin, mabuti man o masama ay may sapat na kabayaran. Bumabalik ito tulad ng boomerang. Lumaki si Joey sa simbahan kaya't normal lang para sa kanya ang matakot gumawa ng masam...