So Vulnerable

818 47 3
                                    

Chapter 8












__

"Ow! Joey, that hurts" Naka ngiwi kong hinaplos yung paa nya.

"Sorry, umh. Hihilutin ko pa ulit, tas pag tumunog ulit titigilan kona" Kanina kasi habang hinihilot tumunog yung buto nya kaya sa palagay ko tama naman yung ginagawa ko.

"Ow, I can't feel my foot" Minasahe ko yung mga daliri nya at inikot ikot yung paa nya.

Na alala ko yung napanood ko sa TV na katulad nito, alam kong mali na subukang gayahin yon lalo pa't wala naman akong sapat na nalalaman sa bagay na ito pero ayokong dina maka lakad si Blaze.

So kailangan kong maging matapang.

"Ah! Aray!" Nagka titigan kami ng tumunog ulit ng malakas.

"Woah, I think, tama na yon for now." Kinuha ko yung benda at ibinalot sa namamagang part.

"I think, I need another pain killer." Inabutan ko sya ng tubig.

"Sure ako na bukas lang magaling na yan. Gusto mo pa ng champorado?" Umiling sya.

"Umh, naiihi ako" Na pause ang pag tayo ko.

"Kaya mo na bang ilakad ang paa mo?" Tanong ko.

"After what you did? No, I can't feel anything on that foot. But I can manage if aalalayan mo ko" Kaagad kong binitawan ang mga hawak ko.

"Okay, wag kang mahihiyang mag sabi sakin ng kailangan mo" Iniyakap ko ang kanang kamay sa balakang nya habang naka baon yung kuko nya sa may braso ko sa tindi ng kapit nya.

"I'm sorry, if I'm being a bother to you" Umiling ako ng umiling.

"Blaze sabi ko namang hindi mangyayari yon. Wag mong isipin yon" Pa akyat sa hagdan inabot kami ng centuries bago namin ma abot yung second floor na limang steps lang din naman.

Pero di ako nakaramdam ng iritasyon kasi masaya akong nagiging tulong ako sa kanya.

"Thank you, Joey" Naka pasok kami sa banyo habang pinag iisipan ko kung dapat bang tulungan ko syang ibaba yung shorts nya.

"Kaya ko na dito, sige na"

"Sure ka?" Ngumiti sya.

"Yep, I'll call you after" Lumabas ako at isinarado ang pintuan. Tumayo naman ako sa may pader at nag hintay ng tahimik.

Tiyak na sa ilang araw kung di kaagad na gagaling ang paa nya wala syang ibang choice kundi ang manatili sa loob ng bahay.

So, magandang ngayon palang makapag isip na ako ng mga pwedeng pagka abalahan para di ma bored si Blaze.

Ayokong ma stuck sya sa kwarto nya pati na sa mga alaalang nagdadala ng lungkot at sakit sa kanya.

"Joey?" Kaagad kong pinihit ang seradura at sumilip.

Naka kapit sya sa may lababo at naka elevate ng konti yung kanang paa nya. Mabilis ko syang nilapitan at inalalayan.

"Paano kaya ako maliligo nito?" Bulong nya, na parang more on sa sarili nya.

"Tutulungan din kita, kung ayos lang sayo. Mag tatakip ako ng mata para magkaroon ka ng privacy. Saka may bathtub naman tayo eh kaya magkakaroon ka parin ng kalayaan" Sagot ko.

"I don't think kailangan mo pa ng blind fold. Nakita mo naman na ang lahat" Umakyat ang init sa pisngi ko.

"Wala akong nakita" Tumawa sya hanggang sa impit syang napa tili ng buhatin ko sya pababa ng hagdan, ayaw ko lang mag exert pa sya ng lakas at baka ma pwersa nya pa lalo yung masakit na paa nya.

Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon