Chapter 6
__
By the third day and fourth day, mas naging comfortable ang pakiki tungo namin sa isa't isa. Naka hanap rin kami ng sari-sarili naming routine at pagkaka abalahan.
Si Blaze sa umaga, naging hobby nya ang tumakbo sa labas, nasa mahigit kumulang isang oras nyang gagawin yon saka sya babalik para mag luto.
Hindi nya sinabi sakin noon na di nya nagustuhan ang pagluluto ko pero nitong ilang araw kinuha nya na sakin ang trabahong iyon. Hindi ko naman magawang mag reklamo dahil sa masarap talaga syang mag luto.
Sa pang limang araw, nasanay ang katawan ko sa bigat ng trabaho at may porma narin yung bangka ko. Pero at times na titignan ito nanghihina ako.
Para kasing imposible ko itong mabuo at parang di rin safe na sakyan ng tao.
Sa pang anim na araw, sinubukan kong tawagan ang number ni Shark gamit yung natitirang balance ko,pero di sya sumagot. Kaya medyo kinabahan ako dahil ngayon lang nangyari ang bagay na ito.
Sa pang pitong araw doon lang ako may narinig mula sa kanya. Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng bangka ko ng mag ingay ang cellphone ko.
"Hello, Shark? What the fuck? Bakit ngayon kalang tumawag?! Nasaan kana?" Kaagad na tanong ko.
"Joey, I've been in jail. Kinuha nila lahat ng gamit ko kaya di kita natawagan. Listen to me, nagkamali ako ng kinuha at di si Danielle ang nadala ko dyan" Nag ikot ako ng mata. Ano bang akala nya?
"Sa palagay mo diko alam yon? Malamang alam ko, isang linggo ko na syang kasama dito" Balik ko.
"Yeah and her family is threatening to kill me. Hindi ako pwedeng pumunta dyan at baka kapag nakuha nila sya satin ay mapahamak ka. Hinahanap sya ng buong clan nila, meron pang makulit na babae ang sunod ng sunod sakin. Sulpot sya ng sulpot." Kumunot noo ako.
"Shark ibalik nalang natin sya, baka mapa hamak kapa sa mga ginagawa mo. Kalimutan nalang nating nangyari to habang maaga pa" Pakiusap ko kahit na alam ko ring napaka tigas ng ulo nya.
"No, kapag nakuha na nila sya satin diko na alam kung paano ka magiging safe lalo na kung iisipin nilang mag kasabwat tayo. Mas magandang nandyan sya sa ngayon while I'm still thinking about what I'm going to do. Conserve your stocks. Baka matagalan pa bago kita mapuntahan dyan" Lalo akong nainis sa kanya.
"Hindi natin sya pwedeng itratong hostage Shark kailangan nya ring makita ang pamilya nya at mas lalo lang natin silang gagalitin kapag dipa natin sya ibinalik. Ayokong mabuhay sa kulungan" Narinig ko ang pag buntong hininga nya.
"I will never let that happen. Just, let me think Joey and I'll save us both of this mess. Basta mag ingat ka. Ikaw na munang bahala sa kanya. I'll call you again, okay?" Naikuyom ko ang mga kamay.
"Okay, mag ingat karin. And please pag isipan mong mabuti yung mga desisyon mo." Iyon lang at ibinaba nya na ang tawag.
Sa ngayon nawala na ako sa mood na mag trabaho kaya bumalik ako sa bahay kahit pa ilang minuto lang akong nawala.
Narinig ko yung pag hagikgik ni Blaze habang nakikipag laro sya kay Diesel, ng makita ako napa titig sya sakin mula sa pagkaka upo nya sa may porch.
"Hey, what's up?" Naupo ako ilang metro mula sa kanya.
"Tumawag si Shark" Ibinaba nya yung stick at naging seryoso.
"What did he say?" Huminga ako.
"Sinabi nyang nakulong daw sya kaya di sya naka tawag. Hinahanap ka daw ng pamilya mo at pinag babantaan ang buhay nya. Natatakot syang kapag nakuha kana nila samin eh... -diko alam kung anong kinatatakot nya. Baka ang isip nya once na makuha kana nila ay papatayin nila kami" Lumaki ang mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)
RomanceNaniniwala kaba sa karma? Sinasabi na sa mundong ibabaw, lahat ng gawin natin, mabuti man o masama ay may sapat na kabayaran. Bumabalik ito tulad ng boomerang. Lumaki si Joey sa simbahan kaya't normal lang para sa kanya ang matakot gumawa ng masam...