Chapter 28
__
"Tama ba itong ginagawa natin?" Kumakabog ang pusong tanong ko habang nakikita kung gaano kagara ang suot ko ngayon."Oo, ang ganda nyang suot mo" Komento ni Sunny, na di mukhang affected sa plano naming gawin ngayon.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin" Napa lunok ako at nag pawis ang mga kamay ko.
"Calm down, everything will be okay. Andoon kami at di ka namin hahayaang masaktan." Pagpapa kalma sakin ni Cheyenne sa kaliwang direksyon.
Nasa condo kami ni Blaze at bago pa mag alas singko kanina nandito na sila para mag pakita ng suporta.
Ngunit lalo lang akong kinakabahan na mukhang gera na talaga ang pupuntahan namin ngayon. Wala nga nga silang mga baril pero parang loaded sila.
"Hangga't maaari gusto ko sanang maging maayos ang relationship nila kay Blaze." Turan ko ng bumaba ang mga mata ko sa mahabang gown.
Blue dress ito na may mataas na slit kung saan mapapansin yung tattoo ko sa may upper thigh. This last few gatherings na pinu puntahan parang mas nagiging revealing yung ipina pasuot nila sakin.
Napa kunot noo ako ng maisip iyon.
"Forget about being civil because they are barbarians. Sabi ko na sayong di sila nakaka intindi ng human language.." Parang nagbaga pa yung uri ng tingin ni Sunny.
"Paano ng gagawin natin? After nito aawayin na nila si Blaze." Hinawakan ni Cheyenne ang magkabilang balikat ko, saka ako tinitigan sa mata.
"Kumalma ka, mag iisip tayo ng paraan para magkaroon ng alternative. Kahit na i acknowledge man lang nila yung relationship nyo." Lumalim ang pag hinga ko.
"Be strong for ate Blaze. Kasi kung ayaw mong magalit sila, matatanggap mo bang ipakasal sya sa iba?" Napa upo ako sa bangkuan at umiling. Nanghihina ang mga tuhod ko isipin palang yon.
"Ayaw kong mahirapan si Blaze" Malungkot na sagot ko.
"Buong buhay nya, pinahihirapan na sya ng pamilya nya. When you came, that's when her life became easier. So trust ate Blaze, be there with her." Pabalyang bumukas ang pintuan at pumasok si Danielle na naka halter black dress.
"Ready na ba? Nandyan na boyfriend mo." Tinignan nya pa si Sunny,saka sya bumaling samin."Nagdala sya ng limousine. We'll be crashing this party with style." Malaki ang ngisi nya dahil di talaga sya invited.
Hindi ko alam ang buong istorya pero ayaw daw silang nakikita ng mga magulang ni Blaze, pero dahil sa walang makaka pigil, nagpa ganda pa sya ng bongga.
"Okay lang ba ang itsura ko?" Tanong ko one last time.
Nag thumbs up si Sunny at tumango si Cheyenne,habang ngumisi ng malaki si Danielle at pinadaanan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ate Blaze will have to control herself. Because I'm sure the first thing she'll think is to ravish you. Daaamn girl, you look smoking" Natawa ako at panandaliang nawala ang nasa utak ko.
"Salamat, I need that" Napa singhap ako ng malakas nya pang hampasin ang pwet ko.
"Danielle" Nagkaroon ng edge yung boses ng asawa nya, napa ngiwi sya at nag peace sign.
"Sorry, I got carried away. It's normal for me to be this dramatic, I'm an actress, honey." Nag ikot mata si Cheyenne na mukhang di natuwa.
Lumabas kami ng condo, iniwan ako ni Blaze kanina dito saka nya sinabing darating ang mga pinsan nya.
BINABASA MO ANG
Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)
RomanceNaniniwala kaba sa karma? Sinasabi na sa mundong ibabaw, lahat ng gawin natin, mabuti man o masama ay may sapat na kabayaran. Bumabalik ito tulad ng boomerang. Lumaki si Joey sa simbahan kaya't normal lang para sa kanya ang matakot gumawa ng masam...