CHAPTER FIVE❤

345 13 1
                                    

Ang dami nga talagang pasikot-sikot sa school na to, nakakahilo.  Buti at di ako nag-inarte. Pero at the same time, nakakamangha pero hindi ko magawang matuwa.

"Can I sit alone? " I ask him, I just don't want the attention para kaseng lahat ay nakabantay sa amin dagdagan pa ng kasama ko. Gusto ko ng katahimilan pero parang di umaayon sa gusto ko.

"Is that the way for saying thank you? " he said while smirking. "You can but there is no vacant seat now. "

Iginala ko ang tingin ko sa paligid at tama nga siya wala ng vacant seat. Parang nahiya ako bigla. Umupo kami sa bakanteng upuan. Para bang rude ko na masyado?

"What food do you want to eat? " tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Ako na baka mawalan pa tayo ng mesa, it's already lunchbreak kaya siksikan ngayon at isa pa ginagawa pa ang isang canteen kaya marami ang dadagsa dito. " paliwanag niya. Sinabi ko sa kanya ang order ko maya't maya pa ay inilapag niya na ang food. Bigla akong nailang.

"Thank you".binigay ko sa kanya yung pera pero tinanggihan niya ito. " why? I have my own money. "

" I know just eat. " he said without looking at me. Napikon yata siya. Napaangat siya ng tingin ng mapansing di ko parin ginagalaw ang pagkain ko. " why? Do you need anything?.

" No I... I.. just want to say thank you sa paggamot sa.. Kamay ko. "Mahina kong sabi pero batid kong narinig niya iyon. " At thank you sa pag- tour guide. "Sabay tikhim ko."Pwe...pwede bang wag mong ipagsabi about duon." I sigh...napamaang siya sa akin at tumitig na para bang may nakakaliw akong sinabi.Binaba niya ang hawak na kutsara at tinidor.

" You know what ?yan yung pinakamahaba mong sinabi ngayong araw. "Let's be friends kung gusto mong secret nalang natin dalawa. " he said na parang nang -aasar.

" pa... Pag -iisipan ko. " bigla siyang tumawa. Ewan ko napapansin kong aliw na aliw talaga siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin na siyang kinatahimik niya.

" sorry naaliw lang ako, kase parang ang mahal ng mahal ng ngiti mo. " By the way hindi ako ganoon para ipagsabi ang struggles ng kahit sinong tao. " he said sincerely, I just nodded.

"Thank you" Hindi naman siguro masama ang makipagfriends, lalo na't mahirap nga naman talaga ang pasikot -sikot dito sa school and besides it is his duty nga bilang president ng Special Class, hindi naman siguro masamang tumanggap ng tulong galing sa iba".Pwede tayong maging friends but no personal questions. " napaangat siya ng tingin. I form a smile at parang natigilan pa siya. Tumikhim naman ako.

"Friends with No personal questions, okay. " tumango tango pa ito. I started to eat my food slowly,parang nawalan ako ng gana dahil narin siguro sa pagod .Kung hindi siguro nawala ang mga magulang ko malamang ako ang pinaka masayang estudyante dito sa St. Clarence,parang ang hirap maging masaya lalo't na parang dinudurog ang puso ko. When my phone vibrated,I open it and I saw some messages and it was ate Myrna. She said na kinain daw ni Allyna ang niluto kong food para sa kanya. I was happy.

"Hey are you okay? Hindi ko napansing may nakatakas na luha sa mga mata ko. I'm just happy na kahit papaano ay bumabawi ang lakas ni Allyna. Pero ang sabi ng doctor ay  mahina pa siya kaya hindi pa pwedeng lumabas ng Hospital. Naisip ko rin na masyado siyang malulungkot pag sa bahay. Ako man ay ayaw ko nang mamalagi duon.

"Oh I'm sorry,Napuwing yata ako". Agad ko itong pinunasan at tinago ang phone at nagsimulang kumain. Batid kong nagmamasid siya sa akin. Baka isipin niyang wierd ako. Ewan ko ngayon ko lang siya nakilala pero magaan na agad ang loob ko sa kanya. Parang ang dali niyang pakibagayan sa lahat ng bagay. Hindi siya masyadong matanong his just observant.

" so, pati sa pagkain pala ay dapat kasama ka Rylle" .Napaangat ako ng tingin ng makitang nakapamaywang na si Stephanie. Ang dami na namang naki- usyuso.

WHEN TOMMOROW COMES(short Story) Where stories live. Discover now