"Bess?? Sorry na! ". Yan ang bungad niya pagtapak ko palang sa sahig ng bahay namin. Inulan na niya ako ng samot -saring tanong. Ni wala pa nga akong nasasagot ay may kasunod na agad siyang tanong.
Kagagaling ko nga lang galing lagnat pero parang sa bunganga niya ulit ako magkakasakit sa lakas ng boses niya. Ewan ko kung ba't siya nag -sosorry. Knowing Alona I'm sure na sisisihin na niya naman ang sarili.
" Grabe naman ang ibinagsak ng katawan mo bessy , maupo ka muna ako na bahala magluto". Napalaki ang mata ko kaya mabilis kung kinuha ang mga ingredients na pinamili namin ni Rylle.
Hindi naman sa mapili ako sa pagkain pero pag si Alona ang magluluto tiyak na ilang araw na diarrhea ang aabutin ko. Naalala ko pa dati ng ipagluto niya ako ng itlog na hinaluan niya ng hotdog okay naman ang itsura pero ng kinain namin ay parehas kaming naduwal na dalawa, kaya simula nuon hindi ko na siya pinahahawak sa kusina namin.
" Ako na ang bahala bess, magaling na ako ". Dali dali akong nagtungong kusina dahil alam kong mamimilit lang siya habang si Rylle ay kasama ni Allyna. Bakas ang tuwa sa kapatid ko ng makauwi pero nag-alala ako kung ano ang maging epekto pag naiwan siya sa bahay lalo na't pumapasok ako sa school.
" Ay, grabe siya para ka namang lalasunin niyan ee". Pagmamaktol nito.
..
" Dahil alam kong mag eexpirement ka naman pag hinayaan kita dito sa kusina. I'm fine Alona, and besides puyat ka din diba? Wag kana mag worry okay? "
" Paano naman akong di magwo-worry ee sobra mong pinagod ang sarili mo. Ba't di ka naman nagsabi ee kahit gaano ako ka busy iiwan ko talaga yun para sayo".
Kaya nga ayaw kong sabihin sa kanya kasi maapektuhan din ang pag-aaral niya.
I hug her ,namiss ko rin yung ilang -araw na walang Alona na sumisira ng eardrums ko.
"Pero bess ang galing huh dati - dati ilang -araw kang nagkakasakit ngayon hehehehe. Iba talaga pag may Rylle na nag -aalaga, sana all. Pero Bess baka naman binigay mo na yung perlas huh".
Humagalpak siya ng tawa.
Sinabunutan ko nga , namula ako bigla sa sinabi niya. Loka -loka talaga kung anong naiisip ee hanggang kiss and hug lang naman . Ayyy ano ba yan.
.
" Bastos talaga ng bunganga kahit kailan ka, wag mo yan ituturo kay Allyna , I will pull your tongue Alona".
Humagikgik lang ang magaling kong kaibigan, para talagang siraulo. Kinuha niya na lang yung mga gulay at hinugasan habang ako ay nilalagyan ng asin ang isda na binili kanina.
"Bess kailan ba kayo naging Rylle? Official na ba kayo? Di mo man lang sinabi sa akin nakakatampo kana ee nagulat nalang ako na may umaaligid na agad sayo, makalipat nga din kayang school baka sakaling swertehin ako sa lablyf."
Sandali din akong napaisip, uu alam kong official na kami pero hindi ko naman alam kung kailan naging kami. Magtatanong ba ako pero nakakahiya? pinilig pilig ko pa ang ulo. Paano ko naman itatanong yun? At itong kaibigan ko malihim na masyado sa akin ni wala na akong alam na ganap sa buhay niya.
" Hoy bess magalimg kana ba talaga? Ba't parang wala ka naman sa sarili diyan. Di mo rin sinasagot yung mga tanong ko".
She pouted like a child.
" Pag nandito lang si tita tiyak na kukurutin na naman yang singit mo". Napangiti ako bigla lagi kasi ganon si mama kapag napalayo na ang iniisip ko, kakaiba talaga ang style non habang si papa naman ay nakangiti lang na nanunuod sa amin.
YOU ARE READING
WHEN TOMMOROW COMES(short Story)
Historia CortaMa. Zerriana Talieghna has a happy and contented family until a tragedy happen that turn her life into a nightmare. Despite if that she will pursue her study beacause its her parents will. And he found a man that turn her life into a rainbow but sud...