Chapter 3: the Visitors.

30.3K 706 4
                                    

2 weeks nang nakakalipas ng mamatay sila dad & mom sa nagcrash na airplane na sinasakyan nila,si Jiro naman,nasa hospital,thank God nakaligtas siya. ang kaso.... Nasa Coma stage siya.

andito ako ngayon sa hospital,binabantayan ko ang kapatid ko. dito na rin ata ako nakatira,simula nailibing na ang parents namin,hindi na ako umuwi sa bahay namin. mas lalo akong nawawalan ng pag-asa pag nasa bahay ako,ang makitang sobrang lungkot ng bahay.

ang bestfriend kong si Iya ang laging andyan para samahan ako. siya ang umuuwi sa bahay para ikuha ako ng damit at mga bagay na kailangan ko. siya din ang bumibili ng mga pagkain. minsan siya naman ang magbabantay kay Jiro at ako papagpahinga niya,kahit ayoko,pinipilit pa rin niya ako.

2 weeks na din akong di pumapasok. At ngayong araw na ito ay ang Graduation Day namin. Hindi ako aattend. Bakit? kasi tinatamad ako. Tsaka mas mararamdaman ko lang na nagiisa na lang ako,maiinggit lang naman ako pag umattend ako dun,dahil kasama nila parents nila. Ayoko. Ayokong magmukhang kawawa dun.

Nagulat ako nang may nagbukas sa pinto,si Iya kasama sina Tito & Tita. Nakangiti silang lumapit sa akin. Ningitian ko din sila.

"shane,bakit di ka pa bihis?" -tita.

"hindi na po ako aattend."

"ano ka ba? minsan lang to!"- Iya.

"oo nga naman iha,ikaw pa naman ang Salutatorian sa batch niyo.." tito.

"shane,magbihis kana.. ok?" hinawakan ni tita ang kamay ko at pinisil ng bahagya.

"tita,ayoko po talagang umattend e."

"No,aattend ka!" Tita.

"But-"

"No buts.. Ito ang isuot mo..im sure bagay yan sayo. " nakangiting sabi ni tita.

"pero... si Jiro?" tumingin ako sa kapatid ko.

"huwag kang magalala,may pupunta dito para magbantay kay Jiro.." Tito

"dali na shane,bihis kana,malelate tayo oh!" Iya.

Tumayo ako at nagbihis na. Nagpapasalamat ako at meron pang nagmamahal sa amin ni Jiro.

----

"Congrats Shane!" nakipagbesoan ako kila tita & tito.

"thank you po!" naiiyak na sabi ko.

sana andito sila mommy & daddy,alam kong proud sila sa akin. nararamdaman kong pinanunuod nila ako. alam kong kasama pa rin namin sila.

"Congrats Shannen Dorothy!" sigaw ni Iya.

Napangiti ako.

"Congrats Iya!" niyakap ko siya. "maraming salamat sa lahat!"

2 days na ang nakakalipas ng gumraduate na ako.

Andito ako ngayon sa hospital at binabantayan si Jiro,nagbabasa ako ng book ng biglang may kumatok. Napatingin ako sa pinto.

sino naman ang dadalaw ng gantong kaaga? 6am pa lang. si Iya lang naman ang laging dumadalaw,pero... duh? as if gigising ng gantong oras yun.

baka Nurse.. o Doctor?

Nagulat ako ng bigla itong bumukas. Dalawang may edad ang pumasok sa kwarto. ang isang lalaki,mukang nasa 45+ na ang kasama niya mukhang nasa 60+ na,at mukahng eto ang amo niya.

Ningitian nila ako.

"Good Morning Ms.Villamonte!" si lalaki1 at bahagyang nagbow sa akin.

Mukhang utusan lang to,HAHAHAHA. joke lang.

pero teka,sino ba mga to?

"Sino po sila?" naguguluhan kong tanong.

"Ikaw na ba si Shannen Dorothy?" tanong ni Tanda.

Napataas naman ang kilay ko dito. Shemay,kung makaDorothy naman to,feeling close? duh? i hate my name! ugh -_________-

"ako si Sebastian.. at Siya naman si Mr.Corpuz ang aampon sainyo ng kapatid mo.." tinignan niya ang amo niya.

"Ano?" gulat kong tanong.

"Ms.Villamonte,Siya ang lolo mo.." sabi ni Sebastian daw.

"patawa kayo?!! patay na pareho ang lolo ko.." sakrastic kong sabi.

"Seryoso kami Ms.Villamonte,Sya ang Daddy ng mommy mo.." Sebastion.

"sabi ni mommy,patay na si Lolo George,may puntod pa nga kami pinupuntahan tuwing birthday niya e! kaya pwede ba,tigilan niyo ako--kame ng kapatid ko!"



-----

Andito ako ngayon sa mansion ni mr. Corpuz. Ang laki. Triple ang laki sa bahay namin. Lahat ng mga bagay ay mamahalin.

Nakasunod lang ako kay Mr. Sebastian,sabi niya pupunta daw kami sa office ni Mr. Corpuz. Pumayag na ako sa kanila na sumama. Pagkatapos ko kasi silang pagtabuyan nung nakaraang tatlong linggo hindi na nila kami tinigilan ni Mr. Sebastian.

Pumayag ako dahil kung hindi sa DSWD kami mapupunta-ako lang pala dahil coma pa rin si Jiro. Kung mapupunta ako sa DSWD hindi ko lagi madadalaw ang aking kapatid. Kaya pumayag na ako na sumama sa kanila isang condition,wag nila akong pagbabawalan sa lahat ng bagay. Pumayag naman sila agad.

---

"Wala muna makakaalam na apo ka ni Sir." Sabi ni Sebastian.

"Ano? Bakit naman?" Duh? Bat pa nila ako dinala dito kung di pa pala nila tanggap? Tsk.

"Dahila akala nila patay n ang mommy mo.. pero nahanap namin siya-kayo.. pero huli na ang lahat para makabawi sainyo. Unti-untiin natin ang pagsasabi sa kanila.." sebastian.



"O-ok." Sabi ko na lang. Tinignan ko si tanda,hindi ko pa siya narinig magsalita simula pagpasok ko sa opisina niya. Lagi si Sebastian,tapos siya nakikinig lang. Feeling ko masungit to. Oh well,wala naman akong balak na makaclose siya e. Dahil di naman ako magsstay dito sa bahay. Kelangan ko bantayan ang kapatid ko.

I'm Living with 7 JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon