SORRY KUNG ANG TAGAL NG UPDATE. DI KO KASI SIYA MAHANAP KUNG SAAN KO ITO SINAVE. NASA TAB PALA! -___-
ILWWT7J 10: Pool Party
Shane's POV
Geez. Saan ba ako dadalhin nitong lalaking to! 15 minutes na kaming nasa daan. Saan ba ito papunta?
Baka naman ipapatapon na niya ako? Omg. Hindi kaya? Una,chachopchopin ang katawan ko then ibeblender ang laman loob ko. Tapos gamit ang malaking peeler babalatan nila ang balat ko. Tapos.... pinilig ko ang ulo ko. Hindi naman siguro.
Shannen!!!! Napasobra ka na naman sa panonood ng mga nakakadiring movies.
Eh bakit ba! Gustong-gusto ko kasi yung patayan at tinotorture tapos labas laman loob? Yummmmmy! ^_____^
Anong mas masayang gawin sa laman loob ng kasama ko? Hmmmmm.
"Anong ningingiti-ngiti mo diyan?"
"Naiimagine ko lang na bineblender ko ang large intestine mo--I mean may naalala lang ako na masaya." Pasaway ka shannen! Sabihin ba naman ang pinaplano? Joke! Iniimagine ko lang, hihihi.
"S-saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta."
Buong byahe tahimik lang kami. Saan kaya kami pupunta?
Ilan sandali huminto si Jeff sa isang malaking bahay,as in super Malaki! Ano naman kaya ang gagawin niya dito? May mga nakapark din na mga sasakyan,at lahat ay mga sports cars. Ano kayang meron dito?
“Baba.”
“Baba? Bakit?”
“Papasok tayo sa loob.” Sabi niya then bumaba na. ANO DAAAAAAAAAAAAW? Papasok sa loob? Anong gagawin namin sa loob? Dahil hindi pa ako lumalabas,kumatok ito sa bintana. Ihhh. Ayoko nga. Ano na naman ba gagawin ko dun? Tsaka bakit niya ako isasama? Dahil hindi pa rin ako lumalabas,bigla niya binuksan yung pintuan at hinila ako palabas.
Grabe naman to sa akin! Wala man lang kagentle man sa katawan,gentle dog ata ang meron sa kanya e.
“A-ano bang gagawin?” tanong ko.
“Sunod.” Sabi niya then tinalikuran na niya ako at pumasok sa malaking gate. Ang bossy niya ha! Nakasimangot akong sumunod sa kanya. Ano ba kasi gagawin namin dito? Tsaka kung makapag utos tong si Jeff as if we’re close.
May babaeng nakaswim suit ang bumeso sa kanya. Napabuka ang bibig ko. Bakit kasi nakaswimsuit itong babaeng to. Naguusap sila,ako naman nakatingin lang sa kanila. Ano kaya pinaguusapan nila? Maya’t-maya tumingin sila sa akin,umiwas naman ako ng tingin. Nag-uusap pa rin sila pero sa akin sila nakatingin. Mukhang ako ata ang pinaguusapan nila.