"Don't say "Yes", run away now I'll meet you when you're out of the church at the back door Don't wait or say a single vow You need to hear me out And they said, "Speak now""
Nagising ako sa ringtone ng phone ko,
sino na naman kaya ang tumatawag?
"unknown # calling...."
argh! istorbo! bahala ka dyan kung sino ka man. gusto ko pang matulog e. hello? 7am pa lang no.
ibabalik ko na sana yung phone ko sa side table nang napansin ko ang papel... isang letter. galing kay mama.
"baby girl,babalik na kami sa canada ha. alam ko naman na ayaw mong pagising e. kaya hindi kana namin ginising. babalik kami agad pag natapos na yung problema ng dad mo kay tito jun mo ha? i love you baby girl. thank you dahil bumalik na ang baby girl namin,napansin namin iyon ng dad mo. hindi mo nga kami inaway kahapon e,thankyou babygirl :* miss ka na namin nh sobra. promise kapag bumalik na kami dyan for good na. we love you so much baby! ingat ka lagi dyan ha. -MOM
hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako..
hindi ko alam kung bakit...
masaya ako. finally,magkakasama na kami...
pero bigla akong kinabahan...
hindi ko alam kung bakit.
pero ang lakas ng tibok ng puso ko..
"Don't say "Yes", run away now I'll meet you when you're out of the church at the back door Don't wait or say a single vow You need to hear me out And they said, "Speak now""
tinignan ko kung sino ang caller. si Unknown # na naman.
hindi ko uli pinansin ang caller,humiga uli ako at natulog.
"shannnnne!"
"shannnnne!"
Ano ba? bat lagi niyong sinisira ang tulog ko? ayoko sa lahat sinisira ang pagtulog ko!
arghhh!
tinignan ko kung sino ang istorbong pinutol ang masarap na tulog ko. tinignan ko siya ng masama.
pero nagulat ako nang makita ko ang bestfriend kong si IYA..
na umiiyak..
"what happened to u?"
"anong oras na?"
tinignan ko sa Pooh Clock ko.
"12:34?"
"tanghali na nakahilata ka pa rin?"
-sigaw nito.
"dafuq Iya? gagalit ka dahil gantong oras nakahilata pa rin ako?" -sabay humiga uli ako sa kama ko.
"you still dont know,dont you?" naiiyak na sabi niya.
"what?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"chineck mo phone mo?" sabi niya at tumingin sa kabilang side.
"oh pls,straight to the point Iya!" hindi ko alam pero kinabahan ako,ano bang nangyayari?
"hi-hindi ko kayang sabihin...." tuluyan na siyang umiyak..
" Iya,ano ba talagang nangyayari?" naluluha kong tanong kay Iya,hindi ko alam kung bakit ako naluluha.
"your m-mom...d-dad..."
tuluyan nang tumulo ang mga luha ko...
----
kamusta naman? haha.