Jeff's Pov
Papasok na ako sa loob ng bahay ng makita ko yung si Shane.
Maya't-maya bigla siyang nagulat at nahulog sa pool. Tsk,ang clumsy niya.
Hahayaan ko na sana siya ng mapansin kong parang nalulunod siya.
Bahagya akong lumapit para makita kung nalulunod nga.
Shit!
Patakbo akong pumunta sa pool at tumalon agad.
Wala na itong malay ng makuha ko siya. Dinala ko siya sa hagdan ng pool at binuhat.
"Shane! Shane!" Bahagya ko siya tinatapik.
"Jeff!" Napatingin ako kila Martin at Alex.
"I-CPR niyo.." sabi ko. Tatayo na sana ako kaso pinaupo uli nila ako.
"Iba ang alam naming CPR,kaya ikaw na!" Nalolokong ngiti nila.
"Tsk."
No choice!!
Ginawa ko na ang proseso ng pagccpr.
**
SHANE's POV
Nang imulat ko ang mata ko,may isang lalaking na nakaupo at sa likod niya may 2 lalaki na nakatayo. Nakatingin lahat sila sa akin.
Pero hindi ko sila masyado makita,dahil medyo malabo pa paningin ko.
"Mawawalan ba siya ng alaala?"
"Tanga! Nalunod lang siya! Hindi naman siya nauntog ng pagkalakas-lakas!"
"Malay ko ba..."
Unti-unti lumilinaw ang paningin ko. Sila Martin at alex ang nasa likod ni..... JEFF?
"Ok ka na ba?'' Tanong niya.
"O-oo." Tinulungan ako ni Jeff na makaupo.
"Sa susunod,wag kang tatanga-tanga.." yun lang umalis na ito.
Bakit ang sasama ng ugali ng mga pinsan ko?????? T.T
Tinulungan na ako nila Alex at Martin hanggang sa kwarto ko.
**
Jeff's POV
1:20 am na hindi pa rin ako makatulog.
Naalala ko kasi ang nangyari kanina sa pool.
Hindi ko alam pero paulit-ulit na nagsisink in ang scene na nagkalapit ang mga labi namin.
Hindi dahil siya ang first na babaeng nahalikan ko,pero may iba sa labi niya na---pinilig ko ang ulo ko.
5am ng magising ako. Magjojogging kasi ako.