Andito ako ngayon sa kwarto ko. Wowww! Ang laki. Ang bango din. Lahat kulay pink. Parang sinadya talaga para sa akin. Ganto kasi ang dream room ko e. May walk in closet din ako.
Humiga ako sa kama ko. Ang sarap humiga sa malambot na kama. Napapikit ako. Bigla kasi akong inantok.
Napamulat ako ng may naramdaman akong may gumagalaw sa may paanan ko. Maya-maya naglalakad na siya sa legs ko.
Tinignan ko ito kung ano..
O.o
"Aaaaaaaaaah" sigaw ko at tumalon sa kama .
"Aaaaaaaah!" Sigaw ko uli na may daga uli sa floor.
Oo may dalawang puting daga sa kwarto ko. Huhubells. Isa sa kinatatakutan ko ang mga daga.
"Hahahahahahaha"
Napatingin ako kung sino ang dalawang tumatawa.
~_~
Mga bata. Siguro nasa 7yrs old na sila. At parang kambal sila. Magkamukha kasi sila. Pati damit magkamukha.
"Why are you laughing?" Inis na tanong ko sa knila.
Teka,sino ba mga to? At paano sila nakapasok dito?
Naalala kong hindi ko pala naisara ang pinto ng kwarto ko. Aish!
"Sino ka?" Sabay nilang tanong.
Feeling ko mga walang modo ang mga batang to.
"Miss Shannen,ano po ang nangyari? May narinig akong sumigaw."
"B-bakit po may daga dito sa kwarto ko?"
"Daga?" Tanong niya tapos tumingin siya sa kambal. Ngumiti naman sila at nagpeace sign.
Watda! Wag nilang sabihin sila ang may pakana nun? Aish! Kung hindi lang kayo bata nakoooo...
"Magsorry kayo kay Ms Shannen."
"Bakit naman kami magsosorry?"
Wala talaga silang modo. -_____-
"Oo nga wala naman kaming ginawang masama."
Wala? Pagkatapos nila akong pagtawanan?
"Hinahanap lang namin sila Tummy at dummy."
Tummy at Dummy? Siguro yun yung mga daga nila.
"Sino ba siya? At bakit siya andito?"
Tumingin si Mr. Sebastian sa akin.
"Apo siya ng kaibigan ng lolo niyo,kaya magpakabait kayo sa kanya."
"Eh bakit siya andito?"
"dito siya magbabakasyon."
"Ako nga pala si Ate Shane niyo."
"Ok,SHANE!" sabay nilang sabi. Dafuq? SHANE? hindi ba uso sa kanila ang manners?
Pagkakuha nila sa alaga nilang daga tumakbo na sila palabas ng kwarto ko.
"Sino po mga yun?" Tanong ko kay Mr.Sebastian.
"Anak sila ng tita Ailyn mo. Sila ang bunsong pinsan mo.. sila Miguel at Michael,Migz at Mike ang itawag mo sa kanila. Mga pasaway na bata ang mga yun." Obviously. -__-