nagising ako nung narinig kong sumigaw si luigi. pero nagpanggap akong natutulog.yung mga napag usapan nilang lahat, lahat din yun narinig ko pati yung away nila alliah saka ni luigi. Alam ko nung pagkasabi ni luigi na boyfriend ko siya sobrang nasaktan si alliah, isipin mo nililigawan ka ng tao tapos ipapamukha niya sayo na parang wala ka lang? ano mararamdaman mo? syempre galit, inis at selos. Alam ko yun yung nararamdaman ni alliah ngayon, sana mapatawad niya pa ako, hindi ko naman ginusto na maging ganto ako eh. at hindi ko naman ginusto na agawin sakanya si luigi.
yung baho nga pala ni lucy parker hindi ko pa nakwento. siya yung dahilan kung bakit ako naging ganto. siya lahat, kung hindi ako tumugon sa deal niya malaya ako ngayon, sana nga lang kaso nasa huli talaga palagi ang pagsisisi. May plano siya na makapagbabagsak sa pamilya nila luigi at kailangan ko ng isang taong pagsasabihan para hindi niya na ito matuloy pa. madadamay rin ako at isa pa ang pamilyang pinahahalagahan ko.
lucy parker has an affair, yes alam ko yun dahil nakita ko noon
*flashback*
midnight na pero hindi pa rin ako makatulog -___- may pupuntahan pa ako bukas ehh!!! nasan na ba kasi si mom? dapat hindi niya na lang pinuntahan si kuya -__- naiwan tuloy ako dito mag isa, walang magpapatulog saken -__-kinuha ko yung earphones ko sa study table ko. pero kahit sobrang lakas na ng music ko eh narinig ko pa din yung malakas na bagsak ng pintuan. siguro nandiyan na si papa.
tinanggal ko yung earphones ko tapos lumabas ako ng kwarto ko para silipin kung si papa nga talaga yung pumasok.
nagulat ako dahil may kasama siyang ibang babae, never ko pang nakita si papa na lasing na nag uwi ng babae dito sa bahay, paano nalang kung nandito si mom? baka maghiwalay sila, hindi, hindi pwede, ayoko ng broken family.
tinitingnan ko lang si papa pati yung babae niya habang naghahalikan sila at nagyayakapan. iniwan saglit ni papa yung babae tapos tinignan ko siya sa mukha, lumingon siya kung saan ako nagtatago kaya naman umalis na ako at umakyat na sa loob.
pumasok si papa sa kwarto ko para i check kung natutulog na ako, nagpanggap lang ako na natutulog. narinig ko silang nag uusap ng babae,
"magpapanggap lang tayo james, okaya tulungan mo ako para mapabagsak sila, kailangang pagbayaran nila yung ginawa niya saken"
"alam mo naman na mahal ko asawa ko diba? hindi ako makakapayag diyan" yung ibang mga pinagusapan nila hindi ko na nadinig
mga 20 minutes pa ay umalis na din yung babae.
nakalipas ang dalawang buwan nang nangyari yun, nakilala ko si luigi, niligawan niya ako tapos naging boyfriend ko siya, magkakilala na kami since grade 3 kami kaya nung nagkita ulit kami ayun, nainlove na kami sa isa't - isa. That time na sinagot ko siya niyaya niya akong pumunta sa bahay nila para mapakilala na niya ako sa parents niya. medyo kinakabahan pa ako nung una kasi first boyfriend ko siya tapos ipapakilala na niya agad ako sa parents niya eh mahiyain akong tao.
pumasok kami sa bahay nila, dinala niya ako sa living room ng bahay nila at pagkatapos ay tinawag niya yung mom niya, wala daw kasi yung dad niya, busy sa trabaho, businessman eh. habang nag iintay ako sa living room eh may dumating na magandang babae.
"Hi, are you lui's girlfriend?" tanong niya saken, tumayo ako sa kinauupuan ko at sinagot ko siya (lui = luy, louie)
"Ah opo, kayo po ba yung sister niya? nice to meet you po, My name is krystal" inoffer ko yung kamay ko sakanya at tinanggap niya naman ito
"nice to meet you too, I'm avril, so sige akyat muna ako"
"asige po" bumalik ako sa pagkakaupo. pagkalipas ng 3 minuto bumaba na si luigi with his mom.
nilapitan niya ako tapos pinatayo niya, andito ako ngayon sa harap ng mama niya, nakakakaba.
"ma, this is krystal, my girlfriend" unti unti kong iniangat yung ulo ko para makita yung pagmumukha ng mom niya
"and krystal, this is my mom" pagka angat ng ulo ko at pagkakita ko sa mukha niya, parehas kaming nagulat sa isa't - isa.
"oh? nagkita na ba kayo dati?"
"ah hindi luigi, asige uuwi na po ako, hinahanap na po kasi ako ng mama ko sige po babye" tinitigan niya lang ako at umakyat lang siya na parang walang nangyari, na parang hindi niya ako nakita nung nilalandi niya yung tatay ko!
"bakit? may problema ba sa mama ko?"
"hindi luigi, walang problema, hinahanap lang talaga ako ni mama, sige uwi na ako babye, mahal kita"
"i love you too, see you"
nag 2nd monthsary kami ni luigi nang ipatawag ako ng mom niya, sabi niya kakausapin niya daw ako. medyo kinabahan nanaman ako that time dahil di ko alam yung mga sasabihin niya saken at kung yung tungkol man kay papa eh hindi ko alam ang sasabihin ko.
"pumasok ka iha" sabi nito "Anak ka pala ni James Villongco" mas lalo akong kinabahan yung sinabi niya yung pangalan ni papa. nakaupo lang siya sa office chair niya at nakaharap siya sa bintana.
"Ahh opo, magkakilala po kayo?" sabi ko sakanya
"Iha, alam ko narinig at nakita mo lahat, wala naman akong kapangyarihan para lagyan ka ng amnesia at para makalimutan mo lahat yun" humarap siya saken at tumayo "lets have a deal" ano? daw?
"p-po? ano pong ibig mong sabihin?" nakinig ako sa lahat ng sinabi niya
"next monthsary nyo ni luigi, break up with him, I don't want you for my son, at isa pa kapag sinabi mo kay luigi ang mga nakita at narinig mo, ipapapatay kita" kinabahan ako dahil baka nagbibiro lang siya
"seryoso po ba kayo diyan?"
"Im dead serious Krystal Villongco, alam mo naman siguro yung plano ko hindi ba? at kapag pumalpak yun dahil sayo, alam mo na mangyayari sayo"
"You'll have a reward naman kapag nagawa mo eh"
"hah? ano naman po?" nag isip ako ng pwedeng niyang ibigay saken, at alam ko Pera yun
"I'll finance you, allowance mo, pang shopping, everything, just deal with it" dahil sa pera niya nabago niya ako, mula sa simpleng babae, naging high class ako, dati pulbo lang, ngayon puros make up na, yung dating doll shoes, stilettos na ngayon, dating jeans, skirts at shorts na. mula sa mga maluluwag na t shirt, fitted shirts na o kaya naman croptop. gumanda ako at maraming nagkagusto saken, pati nga yung first boyfriend ni avril eh, dun nagkasira sira lahat. pero kahit nabago niya ang anyo ko, never niya nabago ang pinaka ugali ko, yung krystal na sobrang lambot ng puso, hindi niya nabago yun. pinakita ko lang sakanila na masama ako, mataray, bitch, pero ang totoo niyan hindi ako yun, ibang krystal yun. kaya nga gustong gusto ko humingi ng tawad lalong lalo na kay alliah.
nagpunta ako ng ibang bansa pagka break namin ni luigi, dun ko nadevelop ang pagiging masama, mataray at bitch kong ugali. ilang years kong hindi nakita ang krystal na mabait. siguro ngayon pwede ko na siya ilabas. ayoko na magkunwari pa. gusto ko maging totoo, ayokong may naloloko ako.
BINABASA MO ANG
Status: SINGLE
Подростковая литература"Mas okay na yung SINGLE at INSPIRADO. Kesa sa IN A RELATIONSHIP pero DI NAMAN SIGURADO"