Chapter 35: Confession

80 3 0
                                    

A/N: it's hard to be a grade 10 student. TT^TT seryoso guys! kaya sorry na po. kung kailan patapos na to pinapabitin kopa kayo, im so sorry po talaga. dugo na utak ko sa accounting na yan! naiinis pa ako sa isang teacher namen XD hahahahaha btw. enjoy this chapterrrrr.

Jack POV
"kakausapin lang naman kita eh, saglit lang please?" pagpipilit ko sa kanya

"pwede tayo mag usap pero mamaya na please? aayusin ko pa tong papers ko eh, I promise I'll talk to you later" wala akong nagawa kundi antayin na lang siya

mga ilang minuto ang lumipas natapos na din siya, pero ang sabi niya dumating naman daw yung assistant kaya pwede na siya mag out

Niyaya ko siyang pumunta sa park, sa park kung saan kami nagkakilala, yung biglang tumibok ng kakaiba yung puso ko. Sa park kung saan napulot ko ang necklace niya at nagdaan para mahanap at makilala ko siya.

"eh? anong ginagawa natin dito?" sambit niya

"dito kasi tayo mag uusap" nagtaka naman siya

"bakit dito? pwede naman kahit saang lugar na lang" tapos bigla na lang siyang sumimangot

"Eh dito kasi importanteng lugar ito para sa akin" lumapit ako kung saan ko siya nabangga noon.

"buti sayo importanteng lugar eh saken parang isang nightmare ang place na to eh" umupo kami sa malapit na bench

"naalala mo yung sabi mong tumakbo ka dito ng umiiyak?"

"na may nabangga akong lalake? oo bakit?"

"gusto mo bang makilala kung sino yung lalakeng yun?" nag wonder siya tapos tumitig saken na walang expression, blank lang

"bakit kilala mo ba siya?"

"alam mo kase, yung mga araw na nagpunta ako dito eh yung araw na nakipag hiwalay yung girlfriend ko, wala akong alam na ibang mapupuntahan maliban sa lugar na ito. . ."

"anong kinalaman ng girlfriend mo?"

"wala uhm ano kase. . . oh" inabot ko sakanya yung kwintas niya, nanlaki naman yung mata niya, siguro nagtaka siya kung bakit nasa aken yun

"ikaw yung lalake?" hindi ko alam kung bakit, kung ano yung naisip ko, basta yun yung gusto kong sabihin sa kanya kasi ayoko pang umamin sa ngayon, hindi dahil torpe o ano ako, dahil natatakot pa ako. parang ramdam ko na hindi pa oras.

"ah hindi ako, actually yung kaibigan kong si luke, torpe kasi yon kaya saakin niya pinaabot" hindi ko na mababawi kasi baka hindi siya maniwala, sayang, ang tanga ko, eto na yung chance hindi ko pa nagawa.

"Luke? pwede ko ba siyang makita? gusto kong mag thank you sa pagtago niya ng necklace ko" tinititigan niya yung necklace niya, nilalaro laro niya din ito habang nakangiti siya, yung ngiting parang excited

"asige try ko siyang kausapin, siguro mga next week, saturday? okay ba sayo?" bakit kailangan ko pang magsinungaling?! naiinis na ako sa sarili ko -__-

"sige! excited na ako yehey! sama ka uh?" papasamahin pa ako? ano na lang mangyayari dun? hayst jack ano tong pinasok mo?

"ah ano kasi . . . try ko na lang hehe"

"Jack sama ka na please?" pasalamat ka talaga . . . haysss

"osige sasama na ako, yayain ko na din si juliet"

"sino si juliet?"

"a friend, para may kasama rin ako, parang double date na din hehe"

Krystal sorry, oo na, aaminin ko na torpe ako pero kasi natatakot ako eh, na baka may magbago, na baka hindi na matulad sa dati, masakit na nga kung iisipin ko pa lang eh, paano nalang kaya kung mangyari na yon? I don't want to lose you, I'll give up everything na magiging dahilan ng pagkawala mo saken, yung love I'll just hide, magsa sacrifice ako para hindi mawala ang friendship naten, kase I know na kapag sasabihin ko sayo yun you'll be shock. magugulat ka at baka gumulo yung isip mo, yung tipo na hindi agad mag sisink in sa utak mo, lalayo ka at kung ano ano pa ang mangyayari kaya hindi ko nasabi ang mga simpleng salita na dapat ay sinabi ko nung may pagkakataon pa ako "Ako yung nagtago ng necklace mo" "ako yung lalakeng yun"

-kang.

Status: SINGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon