[Now playing: amnesia by 5SOS]Move on? Madaling sabihin pero mahirap gawin, yan lang naman ang mga nasasabi ng mga taong nahihirapan mag move on, tulad ko, hindi man naging kami pero mahal namin ang isa't- isa pero nawala yun ng dahil sa isang kasunduan dahil sa trabaho ng pamilya nila =___= first time ko tong naranasan ah?! Dati palagi ko lang nababasa yan tapos ngayon nararanasan ko na, ewan ko ba, ang lakas ng epekto sakin ng love na yan, napakamagical talaga, palaging lutang isip mo, pag nandyan siya bumibilis tibok ng puso mo or magkakaslow mo. Moment ka, feeling mo knight in shining armor siya, prince charming kamo. Alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo yun eh, yung magigising ka lang sa true love's kiss? Na kapag humalik ka ng palaka eh magiging tao na yun at siya na ang magiging price charming mo? Ako nga crush lang wala na eh, pinagpapaniwala lang tayo ng fairytales, akalain mo yun at ngayon ko lang narealize lahat ng yon? Ano bang gagawin ko para makalimutan siya?
"HOY! BESTIE!" sigaw niya
"Kanina ka pa wala sa sarili mo! Andami ko nang nakwento sayo tungkol saken sa korea, nakinig ka ba?"
"Sorry sam, wala lang talaga ako sa sarili ko"
"Alam mo ally, wag mo nang isipin yang luigi na yan, pinalaya ka na nya edi maghanap ka na ng mga poging koreano" naglabas siya ng photo album na puro koreano yung nakalagay siguro eto yung mga artista don
"Sinong gusto mo dito sa exo? Si kai? Si sehun? Si luhan? Or dito sa bigbang? Si taeyang?O si G-Dragon--?"
"Bestie okay lang ako! I'm fine" gusto ko lang mag move on, hindi ako maka move on
"Alam mo bestfriend mo ako at hindi kita pwedeng hayaan na hindi maka move on dyan sa ugok na yan, kahit hindi pa naging kayo" yung totoo bes? Mind reader ka ba?
"Hindi ako mind reader bes" grabe kinikilabutan ako dito sa babaeng to
"So kelan mo gusto mag start?"
"start ng ano?"
"Alliah magpapasko na BOBO ka pa din" =____= okay. Edi wow
"Ano nga kasi?"
"magmomove on ka!"
"ahhh pwede ngayon na?"
"Bukas na para mapagisipan ko yung mga gagawin ko sayo" nako baka maging amazona tong baliw na to
"Ma'am sam and Ma'am ally here's your coffee, enjoy" kinuha ko na yung capuccino ko
"Thanks"
"bestie alis na ko ah, may gagawin pa ako sa office eh bye"
"Bye bestie"
Lalabas na siya tapos nagkatinginan sila ni louisse papasok si louisse lalabas siya? Hala baka na love at first sight sila sa isa't - isa? Medyo matagal din yun ah?
"Hi biboy" tapos umupo siya sa tabi ko
"Oh bat naparito ka?"
"gusto ko lang magcoffee pagod na ko sa mga gawain ko hays"
"Di naman halata pogi ka pa din eh"
"nambola pa"
"atleast ngumiti ka diba? Di ako sanay na nakabusangot yang mukha mo"
BINABASA MO ANG
Status: SINGLE
Teen Fiction"Mas okay na yung SINGLE at INSPIRADO. Kesa sa IN A RELATIONSHIP pero DI NAMAN SIGURADO"