Luigi POV
nasan na ba siya? ang stupid stupid niya! dapat ngayon umiinom na siya ng gamot niya. why in the world naisip niyang maglayas? iniisip niya ba na pabigat na siya? hays inuuna niya pa yon? -___-
nagreply saken si ate na uuwi daw siya para mahanap kaagad si krystal, naistorbo ko pa tuloy yung gala nila. nakakahiya kay ally, panigurado mabibwiset yun. hindi lang halata. ayaw niya kase magmukhang kontra bida.
pinuntahan ko na lahat ng mga alam ko kung saan pumupunta si krystal, pero wala siya sa lahat ng yun, di kaya kinidnap siya? o kaya nirape? pero impossible, wala namang marks na makikita sa bahay na pinasukan kami.
si mom na lang yung pag asa ko, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot, ni wala lang ba siyang pake sa daughter in law niya? medyo magulo din tong utak ni mom eh, mahilig siya makipagdeal sa mga taong nakikilala niya, di kaya may deal din sila ni krystal? di ko na naiintindihan lahat ng mga nangyayare
Ally POV
SIRA NA YUNG KOREA TRIP NAMEN NG DAHIL SA BABAENG YAN! pasalamat siya mabait pa ako sa lagay na to! pano ko nalang makikita sila GD, YB at T.O.P?! HAH?! SABIHIN MO SAKEN, PAANO?! yung sinabing 1 WEEK NAGING 1 1/2 DAYS!!!! ANONG KLASENG KALOKOHAN YUN?!
"hoy babae! halika na, andyan na yung plane" busangot saken ni sam, pati siya nabadtrip, FIRST TIME NAMEN EH, FIRST TIME, TAPOS MABIBITIN KA?! FVCK -______-
sumakay kami sa plane kasama si kuya, si sam saka si louisse, si avril umuwi kaagad pagkatapos niyang malaman yun. nakakapanibago nga si avril nung nabalitaan niya yun eh, ibang iba yung aura niya. parang namatayan na sobrang nag aalala, ganun.
Krystal POV
"hindi kaya hinahanap kana nila? baka nag aalala na yun, hayaan mo na kasi akong kontakin sila" sambit ni kuya habang pinapainom niya ako ng gamot
"wag muna sa ngayon kuya, hayaan ko muna sila magsaya, para kapag namatay na ako masasabi ko na yung baho ng step mom niya" bigla naman nagtaka si kuya sa sinabi ko, wala pa pala siyang alam
"nevermind kuya, pahinga muna ako"
"osige tulog ka muna diyan, nasa sala lang ako"
Avril POV
"any signs of krystal?" tanong ko kay luigi
"no ate wala pa din talaga" where did that girl go? is she playing around or what? ayokong nagaalala sa minsang sumira saken pero may sakit siya eh -_____-
"meron pabang ibang place na hindi mo pa natanong?"
"i asked all the place we've been, but still no signs of her"
Ally POV
andito kame sa mansion nila avril, naghahanap ng clue kung saan napunta si krystal. nasan kaya lumugar yung panget na yun? -___- kabadtrip siya, pinag mumukha niya akong kontra bida eh bida ako dito!
"hello?" banggit ni luigi
"opo, pumunta po siya diyan?!"
"what? may nagdala sakanya diyan? o sige doc pupunta kami diyan ngayon din"
"sino yun?" tanong ni avril
"tumawag ako sa ospital na malapit sa pinupuntahan namin na starbucks shop tapos sinabi na may nagdala daw sakanya non"
"osige tara na" sumakay na kami sa kotse nila, ako si avril saka si luigi yung kasama. nagka jet lag yung dalawa eh.
pagkadating namin sa ospital hinanap kaagad namin yung doctor na nakausap ni luigi kanina na nagsabing pumunta daw dito si krystal.
"Doc!" tawag ni luigi sa doctor
"So who brings her here?!"
"It's kenneth, her brother"
"kenneth?!" sambit ni avril saka ni luigi
"Yes, Kenneth Villongco, sige I have to go" paalis na sana yung doktor pero pinigilan siya ni luigi
"wait doc, do you have any contacts from him? or anything?"
"sorry pero wala, sige iho mauna na ako"
MAGKAPATID SI KENNETH SAKA SI KRYSTAL?! eh bat anlayo ng ugali nilang dalawa?! -_____-
lumabas ako ng ospital tapos tinawagan ko si kenneth para maitanong kung kasama niya nga talaga si krystal.
"hello?"
[oh ally napatawag ka? sorry hindi ako nakasama sainyo sa korea, nagloko kasi yung phone ko eh]
"ah okay lang yun, pwede ba magtanong?"
[sige ano yun?]
"kasama mo ba ngayon si krystal? yung kapatid mo?"
[ah oo, hinahanap na ba siya nila luigi?]
"Oo, sobrang freak out na sila. nasaan ba kayo ngayon?"
[nandito kami ngayon sa bahay, sige ah antayin ko na lang kayo dito]
"sige thanks kenneth bye"
[bye]
binaba ko yung phone tapos pumasok na ako sa ospital para sabihin kay luigi at avril ang alam ko
"luigi! avril!"
"what now ally?"
"Alam ko kung nasaan si krystal" napatayo sila sa kinauupuan nila tapos lumapit sila saken para tanungin kung na saan siya.
BINABASA MO ANG
Status: SINGLE
Teen Fiction"Mas okay na yung SINGLE at INSPIRADO. Kesa sa IN A RELATIONSHIP pero DI NAMAN SIGURADO"
