Isang gabing walang magawa

7 0 0
                                    

Hindi na naman ako makatulog. Ang dami na namang gumugulo sa isip ko. Lagi na lang akong ganito. Nakakairita na. Gusto ko mang bumili ng sleeping pills, hindi naman pwede kasi baka hindi ako magising ng maaga. Kaya eto, lagi akong puyat. Diba sabi nila namamayat daw ang mga nagpupuyat? Bakit kabaligtaran naman yata yung nangyayari sakin? Eh sa masarap kumain, anong magagawa ko? Kaya nga magsusulat na lang ako para hindi ako gutumin. Ano bang pwedeng isulat? Wala na naman akong maisip.

Nagpagulong-gulong na ko sa kama.

Isa pang gulong.

Isa pa.

Aha! Alam ko na! Love story! Love story na naman? Kung love story, kelangan may twist. Sobrang dami na kasing nagsusulat ng love stories sa wattpad eh. Yung iba nga nagawan na ng movies yung libro nilang na-publish dahil sa wattpad. Sana mangyari din sakin yun. Hayy. Ang daling mangarap. Ang hirap naman gawing totoo. Anong twist?

Higa nga ako. Baka sakaling may maisip ako.

Wala. Upo na lang ulit ako.

Hayy ano ba 'to, ang hirap!

Eh kung love story ko na lang kaya? Hala. Wala nga pala ko nun. Gustuhin ko man, eh wala eh. No choice kundi gumawa ng fictional characters. Irerelate ko na lang sa buhay ko. Tama! Yun na lang.

Kaya lang... baka naman walang bumasa. Simple lang kasi buhay ko. Hala. Ano ba yan! Sige bahala na kung ano na lang maumpisahan ko itutuloy ko na lang. Sana lang talaga matapos ko. Go Alba!

No TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon