Alak, yosi, weeds. Lahat yan natikman ko na. Ay! Hindi lang pala tikim, ginawa kong tubig ang alak at ginawang sariwang hangin ang yosi at droga. Maraming nakakaalam pero hindi nila alam na high school nagsimula ang lahat. Sa naging relationship namin ni Kyle, hindi ako naging 100 % honest. Dahil iniidolo ko siya at gusto ko rin siyang mapahanga, I wanted to be her ideal girl. Though hindi niya sinabi, I knew that she wanted someone cool, someone who could keep up with her and her vice. Nagyoyosi siya and because I wanted to impress her, I tried to smoke too. Sinabi ko sa kanya na nagyoyosi at umiinom din ako. At first, hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagugustuhan ng mga tao magyosi. Hindi ko talaga natake yung lasa ng sigarilyo nung time nay un, siguro kinulang ako sa encouragement. Anyway, so that was my first time to smoke and drink alcohol, nung time na kami pa ni Kyle. Grabe 'no? Iba talaga nagagawa ng pagmamahal.
Sabi nga sa isang kanta, 'Nagsimula sa patikim-tikim...' hanggang sa umabot na sa puntong hindi mo na mapigilan ang sarili mo. Hinahanap-hanap ko na sila: alak, yosi at minsan droga.
First year college na lang ulit nagsimula ang bisyo ko. Sinubukan ko kasing maging 'cool'. 'Yun ang akala ko dahil kaliwa't kanan, saan mang sulok ng LB, nagkalat ang mga upos ng sigarilyo kahit na nakakalat ang mga signs na may nakalagay na 'UPLB is a smoke free campus.' Minsan kasi mas masayang bumaligtad sa kung ano ang tama at simulang gawin ang gusto mo kahit na alam mong mali. It gives you so much freedom to be in UPLB. So much freedom that sometimes it becomes too much.
Pauti-uti lang naman ang pagyoyosi ko nung first year, ni hindi nga ako tumikim ng alak buong taon. Nabago na lang ang lahat nung nag-audition ako para sa isang play, Matabagka. Bakit ako nag-audition? Kasi kakanta lang, hindi kailangang magaling umarte. Isa pa, si sir Rufo ang direktor. Naging teacher ko kasi siya sa Brain Train kaya alam kong magaling siya at kwela siya. Naexcite talaga ako nung malaman ko na siya ang direktor.
Hanggang 7 pm ang klase ko nung araw na yon. Dapat hanggang 6:30 lang pero gahaman kasi masyado yung prof kaya inaabot kami ng 7. Sabi ni sir, 5-7 lang ang audition kaya nagdalawang isip ako kung pupunta pa ba 'ko. Seven na, nagtext ako kay sir.
[Text]
Alyssa: Hi sir! Pwede pa po bang humabol?
Sir Rufo: Sige. Punta ka na dito sa NCAS gallery.
Binilisan ko maglakad kasi vetmed pa ko galing at sasakay pa ko ng ikot jeep para makapuntang NCAS. Tumakbo na ko kaya pagdating ko, hingal na hingal ako. Wala ng nagoauditon. Tapos na yata talaga. Ako na lang pala ang hinihintay. Pinapunta ko ni sir sa unahan. Nung nakatayo na ko, wala ng nagsalita. Hindi ko alam ang gagawin. Kaya nagtanong na lang ako.
"Kakanta na po?"
Tumango lang si sir. Nakatingin lang sakin parang mangangain ng tao.
Kinabahan tuloy ako pero nasimulan ko naman ang pinractice kong kanta.
"Sana'y di magmaliw ang..."
"Ay tagalog. English dapat."
What?! Hindi ko alam. Hindi nyo po sinabi! English?! Eto lang pinractice ko.
"English po? Wala akong maisip."
"Kahit ano. Bilis."
Kinabahan na ko. Buti na lang,
"Kahit ano po?"
''Yes."
Naisip ko yung madalas ko ring kantahin na kanta at sinimulan ko 'tong kantahin.
"What would I do without your smart mouth, drawing me in and you kicking me out..."
Pagkatapos ng kanta, may pinatayo ni sir na dalawang babae at pinatabi sakin.
"Okay na sila ano? The three wives of Agyo?"
Sa loob-loob ko, nagcecelebrate na ko dahil feeling ko talaga tanggap na ko.
"Sige ideliberate na lang muna naming yung iba pang nag-audition. Tapos itetext na lang naming kayo. Okay? Thank you."
Akala ko tanggap na kami. Idedeliberate pa pala. Kaya ayun umuwi ako sa dorm at ibinalita sa dormmates ko ang tungkol audition.
BINABASA MO ANG
No Title
General FictionIstorya ng buhay ko. What more would an author want to share to her readers than her life story? These are valuable secrets that I am now telling everyone. Because these events are the reasons why there is this one girl that try to make her life bet...