The Confession

2 0 0
                                    

Four months tumagal ang relationship namin ni Kyle. Pero kapag tinatanong ako ng iba, six months ang sinasabi ko. Hindi kasi siya sumuko sa relationship namin, not until two months after kong makipagbreak sa kanya. After we broke up, I gave her a long letter. Hindi ko na rin masyado maalala ang mga nakasulat dun, basta ang alam ko umiiyak ako habang sinusulat ko 'yun. Minahal ko si Kyle. Sa maniwala kayo't sa hindi, minahal ko siya. Tunay na pagmamahal ang binigay ko sa kanya. But that love just suddenly turned into lust. Hindi ko alam kung kelan, hindi ko alam kung saan pero alam ko kung bakit. Simple. We had sex.


First kiss, first sex, first everything. Lahat kay Kyle ko naexperience. She changed me into a better person pero ako, I changed her into a worse version of her. Before we got into a relationship, I loved her, I idolized her, I patronized her. I was even the first one to confess about my feelings for her.


[Text]


Alyssa: (12:00 am) Hi Twin! Wag ka mabibigla ha. Pero may aaminin ako sayo. Twin, I like you



Sinadya kong isend yun ng hatinggabi para kapag nagalit siya o nainis o nailing sakin, hindi na tatagal ang usapan kasi gabi na. Pagkatapos kong isend, hinintay ko kung magrereply siya pero wala, walang reply. Hanggang sa nakatuulog na lang ako. The next day, nagulat ako dahil pagtingin ko sa phone ko, nagreply si Kyle! Bago ko basahin, nagdasal muna ko ng mabilisan kay Lord saka ko tiningnan.


[Text]


Kyle: Grabe twin! I didn't know that we felt the same way for each other. Bakit ngayon mo lang sinabi? I like you too! :)


At sa text na 'yun na nagsimula ang lahat. Sa lahat ng nangyari sa'min, wala akong pinagsisisihan. Pero hindi ko rin maikakaila na marami akong gustong balikan.



[Again, I changed some of the names for their privacy. :)]

No TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon