Crush

3 0 0
                                    

Nung kinder ako, may isang singkit at payat na batang lalaki ang naka-"crush" sakin. Si Joshua Gian. Ayoko sa kanya. Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Oo, natatakot kasi ako sa itsura niya.

"Crush kita, Alyssa."


Tahimik lang ako nun. Actually, lagi akong tahimik nun. Kaya nung sinabi niya, lalo akong tumahimik. Lagi niya kong sinusundan saan man ako pumunta. Ang creepy talaga. Hanggang sa hindi ko na natiis. Nagsumbong ako sa nanay ko.

"May crush po sakin yung kaklase ko. Si Joshua Gian."


Tumawa lang sila sa sinabi ko. Tapos kunwari biglang nagalala.


"Anak, normal yan."



Natawa pa rin sila. Kaya di na ko umasang may gagawin sila para ilayo ako sa kanya. Kaya ako ang gumawa ng paraan.

Bilang isang creative thinker noong bata pa ako, gumawa ako ng storya. Slightly totoo, slightly hindi totoo. Ang pilya ko pala noon, ngayon ko lang narerealize. So ganito ang nangyari...

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Ma'am Precy na isa sa mga favorite teachers ko noon.


"Sina Joshua Gian po kasi," referring to him and two more classmates na binubully ako.


"Oh, anong ginawa sayo?"


"Sinusundot po ako ng lapis saka po tinatawag akong baboy." Iyak pa rin to the max. Hindi talaga 'ko tumigil hanggang di sinasabi ni Ma'am ang gustong marinig.


"Sige ganito na lang. Ililipat kita ng upuan para malayo ka sa kanila ha? Wag na umiyak."


Magkatabi nga pala kasi kami ni Joshua Gian sa sitting arrangement kaya siguro nahumaling siya sa kagandahan ko. Pero pagkatapos nun, naguilty naman ako kasi wala naman talaga siyang ginagawa sakin, yung dalawang bullies lang talaga. Simula nun, hindi na kami nagkausap hanggang mag-grade one na kami.

Ang sama ko pala dati. Pero masisisi mo ba ang isang 6 years old na bata kung ayaw niya pa lumandi? Hindi, di ba? Anyways, ayun siya ngayon going strong ang relationship with girlfriend for 2 years at ako eto, still alone in a dark alley. Kelan kaya dadating so Mr. Right ko?

No TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon