Failed

6 0 0
                                    


Kapag wala akong magawa at wala ring pagkain sa ref, sinusubukan kong magsulat ng kung ano-ano. May nasisimulan naman ako. Ang problema, malimit kong hindi natatapos. Tamad kasi ako, ngayon. Hindi tulad nung high school, parang all around ako nun. Kung saan ako kailangan, andun ako. Hindi pati ako nauubusan ng gagawin. Ngayon college na 'ko, wala akong magawa maliban sa mag-aral at ma-depress. Iba pala talaga sa UP. Hindi ko alam kung para sakin lang o talagang nagkamali lang ako ng mga piniling pasukan.



Anyways, ang hindi nagbago ay yung hilig kong sumulat. Wala mang katuturan minsan, naiilabas ko naman ang mga nararamdaman ko. Gusto ko na kasing tumigil sa pagsheshare ng mga hinanakit sa buhay sa mga taong may sariling buhay. Minsan kasi ramdam ko na nakakaistorbo na ko lalong lalo na sa mga kaibigan ko. Kaya eto, hanggang pasulat-sulat na lang muna ako.



Isa sa mga gustong-gusto kong isulat ay isang istorya tungkol kay Neil. Isa siya sa mga pinakabibong bata sa klase noong first year high school. Isa rin sa pinakamatatalino. Cute, mabait, palakaibigan, pero hindi kami nagkaroon ng oras para mas makilala pa ang isa't isa. Madami akong crush noon, oo palihim na malandi talaga 'ko, aminado ako, pero hindi kasama si Neil sa listahan ko. Mabait kasi siya masyado. Hindi marunong lumandi, inosente kung tutuusin. Isa sa mga pinakahinahangaan ko nooong first year.Pero nagbago ang lahat pagdating ng 2nd year high school.


Limang taon, limang taon ko na siyang minamahal. Limang beses ko na rin ginustong sumuko. Pero bakit nga ba parang ayaw akong pakawalan ng nararamdaman ko para sa kanya? Gusto ko siyang kalimutan. Gusto kong ibaon sa hukay ang lahat ng alaala ko tungkol sa kanya. Gusto kong alisin ang libog ng katawan na iniwan niya sakin. Gusto kong ibalik sa kanya ang lahat ng sakit. Gusto kong ibalik niya sakin ang pagmamahal na hindi niya nagawang ibalik. Gusto kong mahalin. Gusto ko siya. Gusto ko pa rin siya.




[Text]


Alyssa: (gm) Hi!


Neil: Hello! :)))


Drei: Hi! :))


Neil: Patibayan tayo ha. Maunang matulog, weak! XD


Alyssa: Go!


Drei: Sige ba. :)))


Silang dalawa ang mga pinaka naging kaclose ko sa boys nung 2nd year. Katabi ko kasi sila sa sitting arrangement sa isang subject, social studies. Makulit sila, yun lang ang masasabi ko. Kaya naman masaya ako tuwing klase. Sila na kasi mismo ang nagsisimula ng usapan kaya damay na ko lagi kasi nasa gitna nila ko. Alternate kasi ang sitting arrangement, boy-girl-boy-girl and so on. Isa yun sa mga naging pinakamasayang parte ng 2nd year ko.



Pero bilang ako si Alyssa Albajera, nasira ko ang magandang samahan na yun. I never fail to mess things up. Great friendships, even.


[Text]


Alyssa: (gm) Hi!

Kahit isa sa kanila, walang sumagot.

No TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon