Lalala. Wala na agad akong maisip na isusunod. Hindi talaga ko pwedeng writer eh. Lagi akong nauubusan ng ideas. Madalas akong tahimik at tulala kapag may mga kasama ako lalo na kapag hindi ko masyado kaclose. Laging ako lang yung taga-tawa nila. Kahit nga hindi nakakatawa minsan, kapag may sinabi sila tapos wala akong maisip na sasabihin, natawa na lang ako. Problem aba 'yon? Hindi para sakin, pero para sa iba, oo. Eh wala talaga eh. Nahihirapan akong mag-isip on the spot, pero pag binigyan mo ko ng time at nakapagmuni-muni ako, 'wag ka! Manggugulat ako! Waaah! Parang white lady lang sa balete drive, bigla bigla na lang susulpot sa passenger seat ng kotse mo. Awooo. Hindi, biro lang. Gugulatin kita sa galing ng sasabihin ko. Makapagbuhat naman ako ng sariling bangko ano? Pero sa totoo lang, nagawa ko na yan isang beses. Sa pinakauna kong audition sa UPLB.
"Sige, magpakilala ka."
Mababait silang tingnan. Nakita ko na rin kasi sila bago yung audition. Sa PCO o pre-college orientation. Nangangatal pa rin ako mula sa loob nung mga oras nay un. Kinakabahan kaya ako. Oo, hindi ito ang unang beses na mag-audition ako for something pero wala eh, laging ganito.
"Ma. Alyssa H. Albajera po, incoming freshman, BS Chemical Engineering, CEAT."
"Sige go. Ready ka na ba?" si ate Chaia ata yung nagsabi. Tatlo kasi sila sa unahan ko. Si ate Ish na nalaman ko na sobrang galing kumanta, si kuya Liel na BS EE, ka-college ko at si ate Chaia na isa sa mga pinakamabait na Gabay volunteer na nakilala ko.
"Opo." Hawak ko yung papel na sinaulo ko sa loob lang ng isang araw. Laman ng papel yung speech na ginawa ko lang din isang araw bago ko sauluhin. Ilang beses ko kasi inisip kung tutuloy ako sa audition. Madalas kasing hindi ako natatanggap sa mga ganyan.
"Start."
Kahit sobrang kaba, nasimulan ko ang speech ko ng maayos. "Ang aking buhay bilang isang estudyante ay maihahalintulad ko sa isang jigsaw puzzle..."
Pagkatapos kong banggitin ang unang pangungusap na 'yon, nakita ko ang pagtuon ng mga mata nila sakin. Para bang iniintay nila ang susunod kong sasabihin. Sino ba naman ba ang maghahalintulad ng sarili niyang buhay sa isang jigsaw puzzle? Watak-watak at mahirap buuin. Sa lamang minuto na sinabi ko ang audition speech ko, magaan sa dibdib at masaya ako sa ginawa ko. Pumalakpak sila, naaalala ko.
Nang matapos na lahat ng nag-audition, inannounce nila kung sino ang mga napili. At sa gulat ko, isa ako sa kanila! Ako ang magsasalita sa harap ng mahigit 300 na estudyante sa college naming kasama na ang staff at dean ng college.
Isang pribelehiyo ang makapagsalita sa harap ng ganun karaming tao. Lahat sila pumalakpak, mismong ang dean ng college na ang lumapit sakin upang kamayan. Hindi ko makakalimutan na dalawang beses talaga niya akong kinamayan. Sobrang saya! Kakaiba at nakakapanibago dahil iyon ang unang beses na napatunayan ko na may kaya akong gawin at kaya kong gamitin ang aking mga salita para gumawa ng isang bagay na hahangaan ng iba.
BINABASA MO ANG
No Title
General FictionIstorya ng buhay ko. What more would an author want to share to her readers than her life story? These are valuable secrets that I am now telling everyone. Because these events are the reasons why there is this one girl that try to make her life bet...