Ang pinakauna kong memory ng pagkabata ko siguro nung nagkamuwang na ko sa mga pangyayari sa mundo ay nung mga 4 years old pa lang ako. So ganito yung nangyari...
Isang gabi, nanonood ng tv ang mag-anak na Albajera. Masaya sila, nagtatawanan, comedy yung palabas. Echos lang. Hindi ko na tanda yung palabas saka kung ano mga reaksyon nila. Basta ang naaalala ko lang, may dala dala akong bowl, may laman yatang chichirya o popcorn, alin man dun. Tapos, medyo mabilis yung lakad ko habang dala ko yung bowl. Tapos bigla na lang akong nadapa. Ang sunod ko ng naaalala pagkatapos nun, puro dugo na sa sahig. Naiyak na ko. Tapos may liwanag akong naaalala, pero hindi ko na tanda kung ano nangyari pagkatapos nun. Sabi nina nanay, dinala daw nila ko sa ospital, si tatay hindi mapakali, kaya nalakad niya yung mula ospital hanggang sa bahay daw naming. Takot na takot daw silang lahat nun. Pero syempre, buhay naman ako. Masusulat ko ba 'to kung mamamatay agad ako sa umpisa ng kwento? Hindi, 'di ba? Pero hanggang ngayon, nasa akin pa rin ang alaala nung aksidente nay un, nasa palad ko.
Yung tahi ko na 'to sa kaliwang palad ko, hindi ko alam kung bakit sobrang espesyal nito sakin. Minsan talaga kapag gusto kong ipakita 'to sa iba, ibinabalandra ko talaga yung palad ko tas sasabihin ko, "Tamo 'to. May tahi ako sa kamay." Proud na proud talaga ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi kakaiba. Kasi kahit papano, may isang bagay akong maipapakita sa iba na sa akin lang nila mahahanap.
BINABASA MO ANG
No Title
General FictionIstorya ng buhay ko. What more would an author want to share to her readers than her life story? These are valuable secrets that I am now telling everyone. Because these events are the reasons why there is this one girl that try to make her life bet...