[Facebook Chat]
Alyssa: Hi po! =D
Kyle: Hi! =D
Alyssa: Kamusta po? :)
Kyle: Okay lang. Ikaw ba?
Alyssa: Okay lang din po. Ang galing nyo po mag-drums! Idol! :)
Kyle: Salamat! =D
Well for once, inakala kong nakita ko na ang the ONE for me. Hindi nga lang sa inimagine kong way. Kasi imbis na Mr. Right, si Ms. Right ang nahanap ko.
Nung pumasok ako sa isang college para mag-high school, nabago ang takbo ng buhay ko. Naging isa ko sa mga achievers ng klase. Isa sa mga front runners. Sa first year ko, hindi ko pa masyado gamay ang palakad sa school. Pero one thing is for sure, gagawin ko ang lahat para maging kilala ako. Ayoko ng mangyari ang nangyari sakin nung elementary, basta, hindi masaya. That's why high school became the best and unfortunately, the worst part of my life.
Isa ako sa mga pinalad na makuhang alternate contestant para lumaban sa isang math contest. Kaya naman minsan, lumalabas talaga ako ng klase minsan para magreview. Syempre excused naman yun, di ako yung tipong nagcucut ng klase. So one time, habang break kami sa review, may nakilala ako. Ang pinakamatalik ko kasing kaibigan nun, si Sandy, ay di maikakailang maganda na, matangkad pa. Kaya naman madami ring nagkakagusto sa kanya. Bilang lagi kaming magkasama, bonus na sakin yung makakita ng mga gwapong lalaki na umaaligid sa kanya. Pero isang beses, hindi lalaki kundi isang babae ang lumapit sa kanya.
"Hi Sandy."
Boses babae siya pero parang mas mababa compared sa normal. Tiningnan ko kung sinong tumawag, si Kyle. Noon ko lang siya nakita kahit na matatapos na ang unang taon ko sa school. Hindi pa rin kasi ako masyado active noon sa mga school activities. Third year high school student si Kyle, siya ang kaisa-isang babaeng drummer ng lyre and drum band ng school. At kahit babae sya, hindi pa rin nakatakas ang mga kapwa babae sa natural na gayumang taglay ni Kyle. Nang tawagin niya si Sandy, napatingin ako sa kanya pero hindi kami nagkaroon ng chance na maintroduce kasi tuloy tuloy lang ang lakad niya. May klase yata sila.
"Sino yun?"
"Si Kyle, 3a1."
Simula noon, mas naging malimit ko na siyang makita. Actually, parang nagkameron siya ng significance sakin nung isang beses ay nabanggit siya sa klase namin.
"Arguelles."
"Arguelles!"
Nakatingin sakin si ma'am Tabo, science teacher and adviser namin. Hindi naman ako kumikibo kasi Albajera naman ang last name ko at hindi Arguelles.
"Ay! Albajera pala. Ano ba yan? May kamukha ka kasing 3rd year. A1 din."
Nagtaka ko. Sino yun?
"Yung girl, si Kyle. Kamukha mo talaga."
So after nun, inisip ko talaga kung magkamukha nga ba talaga kami. At napatunayan ko na tama nga si ma'am. Para kaming kambal, mas matangkad nga lang siya sakin. Hindi ako biniyayaan sa height eh. Saka mas vertically challenged ako sa kanya. Masarap nga kasing kumain, di ba? And from that moment on, siya na ang kinilala kong si "twin".
[Binago ko yung ibang pangalan. For their privacy. :))]
BINABASA MO ANG
No Title
General FictionIstorya ng buhay ko. What more would an author want to share to her readers than her life story? These are valuable secrets that I am now telling everyone. Because these events are the reasons why there is this one girl that try to make her life bet...