Jasmine's POV
Oo! Ako nang kinakabahan! Ngayon lang naman ang award's night and isa ako sa candidate for Best Actress.
Di naman ako nagaassume pero alam ko na maganda ang acting ko. Ako ang mananalo. I have to claim it!
Syempre magaling din si Belle kaya nga kinakabahan ako. Naku naman sana ako ang manalo.
Pag ako ang nanalo for sure madami nanaman akong endorsements.Pero hindi yon ang dahilan kung bakit gusto ko manalo, pinangako ko kasi kay Mama bago sya mamatay na balang araw magiging best actress ako.
Yun kasi ang pangarap nya para sakin.Si Mama ang pinakasumusuporta sakin kaya nung namatay sya parang gumuho ang mundo ko.
Pero nandito ako ngayon, matapang na nakatayo, nagsusumikap para patuloy na abutin ang pangarap naming mag-ina.(FLASHBACK)
"Neng, next teen star ang hinahanap namin dito ba't di mo kaya i-try magaudition sa mga commercials na lang parang di ka babagay sa movie na to e.."
"Magaling din po kong sumayaw. Actually dancer po ko e diba po about sa pagsasayaw yung movie..?", sabi ko.
Desperada na ko e. Pinangako ko kasi kay Mama na makukuha na ko sa pagaaudition this time.
Di nya ko nasamahan ngayon sa pagaaudition may schedule kasi sya ng Chemo.
Yes may Cancer si Mama. Pero sabi nya wag daw kaming magalala kasi di sya mawawala. 14 years old pa lang ako at syempre di nya naman kayang iwan sa mundo ang dalaginding nyang anak diba?Well back to the audition...
"Next na.. Neng pwede kanang umalis ayaw naming makakita ng baboy na sumasayaw masagwa..", at nagtawanan ang mga katabi ng baklang producer.
"Pwede po bang bigyan nyo ko ng chance na ipakita ang talent ko?"
"Try mo kaya sa fiestahan, feeling ko papatok ka dun.", sabi ng isang bakla na katabi nya.
"Sa mga municipal shows?", tanong ng isa.
"Hindi.. Sa handaan.. sa gitna ng lamesa yung may apple sa bibig?", muli silang nagtawanan.
Nanliit ako. Oo malaki ako, mataba pero sobrang nanliit ako sa mapanginsulto nilang tawanan.
Sorry mama.. sorry.. agad akong tumakbo palabas ng audition room. Tumakbo ako ng tumakbo at patuloy na tumutulo ang luha ko.
Oo mataba ako, pero di ba pwedeng pagbigyan ako kasi may talento naman ako? Mas magaling pa nga akong umacting sa ibang mapapayat na babae dyan.
Napaupo ako sa pagod sa pagtakbo.
"Miss.", inabutan ako ng panyo tumingala ako pero dahil nakakasilaw ang araw ay di ko mamukaan ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Kinuha ko ang panyo nya at pinunasan ko ang aking mata pero wala pa rin, patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.
"Bat ka umiiyak..", tanong nya.
"Ako? Bat ako umiiyak..? Kilala mo ba ko."
"Hindi."
"Yan ang dahilan kung bat ako umiiyak. Hindi mo ko kilala...", siguro naweweirdohan na sakin ang lalaking to. Pero oo yun naman ang dahilan.
Hindi ako sikat. Laos na ko. Ang dating child star ay laos na! Kinalimutan na ng tao. Bat ba kasi ako nagpabaya sa katawan ko? Kung payat siguro ako baka sikat pa ko.
"Ano bang pangalan mo?", tanong nya. Tumayo ako pero di ko pa rin sya tiningnan.
"Balang araw makikilala nyo akong lahat!", muli akong tumakbo at bago ako makasakay ng taxi ay sumigaw sya.
"Hihintayin ko yung araw na yon!!!", napitigil ako pero di ko sya nilingon.
Pupuntahan ko si Mama sa ospital. Oo bad news ang dala ko pero lahat naman siguro ng bagay may rason.
Muli kong pinunasan ang luha ko. Hay nako nakalimutan kong ibalik kay Kuya ang panyo nya. Ang unang taong nagcomfort sakin ngayong araw na to.
Ni hindi ko man lang napasalamatan. Binuksan ko ang puting panyo. May nakaburda doon. CL..
Hmm cl? Initials nya ba yun? C, pwedeng Carlo kasi madaming Carlo sa mundo, common name.. L as in... Love? Haha. Carlo Loves? Hmm. Sya ba ang soulmate ko?
Pwede.. kahit di ko nakita ang mukha nya mukha naman syang mabait na tao. Sino ba namang lalaki ang lalapit sa isang matabang babaeng kagaya ko? Sya lang diba?Ayoko pa sanang pumasok kasi ayokong ibalita kay Mama na nagfail nanaman ako sa Audition. Pang isang daang audition ko na yata.
Hay. Pero syempre kaylangan kong harapin pa rin to. Smile Jasmine smile. Binuksan ko ang pinto. Nakahiga si Mama, kitang kita sa itsura nya ngayon na nahirapan sya sa chemo.
Lumapit ako at niyakap sya.
"Kamusta ang audition? "
"Okay naman Ma. Kaya lang di ako napili. Sorry ma."
"Wag kang magsorry Anak. Alam ko, balang araw sisikat ka.
Anak kahit wala na ako ipangako mo sakin, maaabot mo ang pangarap nating dalawa..
Ang maging sikat ka na aktres at maging best actress.. okay?""Ma, don't say that, di ka mawawala."
"Magpromise ka muna kay Mama.."
"Sige promise ma, magiging best actress ako... magsusumikap ako at magiging sikat na aktres. Sikat pa sa pinakasikat."
"Yan anak.. Best Actress Jasmine Gomez",
Yun ang huling kataga na nasabi ng Mama ko at nawala na sya..
"Best Actress, Jasmine Gomez.." ,tumulo ang luha ko.
"Jasmine congrats...", sabi ni Direk. Dun ko lang namalayan na tinawag ang pangalan ko.
"Ha? Ano po?"
"Congrats sa best actress nang taon,, Jasmine Gomez.. Go umakyat kana ng stage."
Malakas na palakpakan ang sumalubong sakin hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Natupad ko na ang pangarap mo para sakin Mama. Ito na yun.. ito na talaga..
"Gusto ko pong pasalamatan ang Panginoon natin for his guidance sa akin... and Maraming salamat po sa suporta.. Itong award na to.. Para sayo to Mama..
Pagbubutihan ko pa po... Maraming salamat sa mga taong naniwala sakin at sa talento ko. Di ko po kayo makakalimutan..", bumaba ako ng stage at sinalubong ako ng mga kaibigan ko sa industriya at niyakap.*Ruby. I won... i won!!!* Sinend ko ang text na yon kay Ruby. Sobrang saya ko.
Agad syang nagreply.
*congratulations you deserve it.. may thanksgiving party ka for fans after. Organized by Kylie*
*Okay. Sasaglit tayo. Alam mo naman kaylangan kong umuwi ng Tagaytay. Nangako ako na I will be home hanggang New Year.*
BINABASA MO ANG
Mr. & Ms. Perfect (On-Going)
RomanceJasmine Gomez is a celebrity who doesn't believe that she has the capacity to fall inlove until she met the perfect guy, Christian Lee. Can two perfect people find a perfect love? Cast Lee Min Ho as Christian Lee Eun Yoon Hye as Jasmine Gomez