Christian's POV
Damn. Di nya sinasagot ang tawag ko.
"Lo, wrong timing ka naman eh.."
"Bakit apo may date ka ba? Di ko naman sinabing puntahan mo ko dito sa ospital.."
"Please take care of yourself lo."
"You should be the next CEO grandson. Kita mo mahina na ko."
"Paano ako magiging CEO? Ngayon ang meeting ko with Jasmine."
"Tingnan natin ang skills mo Christian.", ngumiti si lolo. Mukhang alam nya na ngayon ang meeting with Jasmine.
"Lo anong nangyari?", biglang pasok ni Kylie at umupo sa tabi ni lolo.
"Thank God! You're here.! Please take care of lolo. May urgent lang na kaylangan kong puntahan."
Dinial ko ulit ang number nya pero nirereject nya ang calls ko. Damn. What happened.
Then finally, may incoming call from Ms. Lim.
"Hello, Sir. This is Janeth."
"What happened"
"They've rejected it."
"What? So what did you do?"
"We've tried our best Sir but they already chose Katy's. They'll be signing the contract by next week."
"Okay lang ba sa inyo na by next week wala na kayong trabaho?"
"I'm sorry Sir."
"Kung sa inyo okay. Sakin hindi! Walang aalis sa company. Bye... I have lots of things to do."
Kung nakapunta lang sana ako dun baka sakaling naclose pa yung deal. Damn. Damn talaga.
I've texted her: CAN WE TALK.
She replied: TOO LATE TO TALK.
**Please..
**don't wnt to waste my precious time with Jerks!!
Ha? Ako Jerk?
**playing hard to get?
Kung magaling syang mambwisit mas magaling ako. At alam ko na makukuha ko sya. Sa kahit na anong paraan pa.
Sumakay ako sa sasakyan. Hello Tagaytay! Ang alam ko up until New Year sya dun so malamang nandun sya. Well. Kung akala mo ikaw lang ang best actress. Pwes humanda ka dahil mas magaling ako umacting. Makikilala mo ang best actor ng buhay mo.
9pm. Tagaytay. Sa tapat ng bahay nya.
Bitbit ko ang attache case na may laman na contract at isang bouquet ng flowers.
Huminga ako ng malalim at nagdoorbell.
Lumabas ang isang lalaki na sa tingin ko ang Daddy nya kasunod nitong lumabas ang isa pang lalaki na malaki ang katawan at sa tingin ko kapatid nya to.
"Sino ka?"
"Magandang gabi po. Andyan po ba si Jasmine?"
"Oo andito nga ang anak ko."
"Ganun po ba. Di po kasi sinasagot ang tawag ko kanina pa ko tumatawag. Nagaalala na po ko. Kaya nagpunta na lang po ako dito."
Binuksan nya ang gate."Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?"
"Ah hindi po manliligaw lang."
"Ah. Bagong manliligaw. Kung sa bagay di mo alam na allergic sya sa bulaklak nako iwan mo na yan dyan.", kinuha ng tatay nya at iniabot sa kapatid ni Jasmine. So, may allergy pala sya sa flowers.
Ang tanga ko naman sa part na yun. Nakakaguilty kasi ang sama na agad ng naisip ko sa kanya.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Pinaupo nya ko sa sofa.
"Ikaw ang kaunaunahang lalaki na nagmatapang na manligaw sa loob ng pamamahay ko. At dahil matapang ka.. maginuman tayo.", dinala ng katulong nila ang dalawang bote ng alak.
"Si Jasmine po?"
"Bago mo makita ang anak ko.. dadaan ka muna sakin.",tinagayan ako ng papa nya and ininom ko naman.
"Pa, sinong bisita----", nagulat sya ng makita ako. "Christian? Anong ginagawa mo dito..?"
"Ano pa ba? Nandito ako para pasagutin ka."
"Ha? Baliw ka ba? At papa bat kayo nagiinuman dyan..?"
"Ang lalaking mahina sa inuman di ka kayang ipaglaban!", muntik na kong matawa sa sinabi ng Papa nya. Buti napigilan ko.
"Pa di ko sya manliligaw. Halika nga muna dito Christian!", hinila nya ako palayo sa Papa nya. Hanggang makarating kami sa kusina nila.
"Ano bang gusto mong mangyari?", inis natanong nya.
"Alam mo na yun. I want your yes for my proposal"
"When it's a No its a NO."
"Let me present to you.."
"No. I said No."
"Well eh di sige. Di ako aalis dito.", iniwan ko sya at bumalik sa Papa nya. Uminom pa ko at uminom ng uminom. Hanggang sa di ko na alam.
BINABASA MO ANG
Mr. & Ms. Perfect (On-Going)
RomanceJasmine Gomez is a celebrity who doesn't believe that she has the capacity to fall inlove until she met the perfect guy, Christian Lee. Can two perfect people find a perfect love? Cast Lee Min Ho as Christian Lee Eun Yoon Hye as Jasmine Gomez