Chapter 5: #MrPerfectBroken

67 4 0
                                    

Christian's POV

It's her special day. She won.

At ito ako ngayon tinulungan si Kylie na magorganize ng party for her. Sabi ni Kylie ipapakilala nya daw ako pero sabi ko naman hindi pa ko ready so I bought her flowers.

Well actually never naman akong magiging ready to meet her again. Nung una ko syang maencounter di man lang ako nakapagpakilala. Natorpe ako. Siguro ganun na nga. Di ko pa sana sya lalapitan pero grabe yung iyak nya.

I gave her my handkerchief.. yung panyo pa na yun ay ang tanging panyo na binigay sakin ni Mom.. na binurdahan nya ng initials ko.

Sa sobrang kaba ko nakalimutan kong kunin sa kanya ang panyo. Pero hayaan mo na, atleast may isang taong pinatahan ko sa pagiyak.

At ito ako ngayon sa malayo, pinagmamasdan syang muli. Kausap nya si Kylie. Parang super close nila. She's totally different now. Yung dating matabang babae ngayon ay slim na..
Sobrang ganda.. Yung tipong di mo aakalain na may ganitong kaganda pala na tao sa mundo.

Para syang anghel. I like her. Pero kung sa bagay, noon man o ngayon walang pinagbago, she'll always be my crush and I will always be her fan.

Habang nagpapasalamat sya sa stage ay lumapit ako kay Kylie para iabot ang flowers.

"Kylie, give it to her.. make sure that you'll give it to her. Okay?"

"Bakit? Aalis kana?"

"Yah, may dapat lang akong ayusin sa office. Urgent lang. Bye.", agad akong umalis pero syempre wala naman talagang urgent akong gagawin.

I need to go kasi I know Kylie, gagawa sya ng paraan para maipakilala ako kay Jasmine which will put me sa awkward na situation.

I went down sa parking lot. Then nagring ang cellphone ko.
Agad kong sinagot.

"Hello"

"Sir, tomorrow may urgent na board meeting tumawag na po ako kasi sabi ng lolo nyo.. tuma…", I cut her off.

"Its okay . Anong oras?"

"Around 10am po."

"Okay. Thanks." , agad kong binaba ang phone.

"Asan na ba si Manong? Baka mamaya aantok antok yan ha Ruby..", pamilyar ang  boses na yun at ng makita ko si Jasmine nga.

"Girl yung flowers mo."

"Alam mo naman na..
Hay.. sa dinamirami ng pwedeng maibigay bakit flowers pa..!", aba sya na nga ang binibigyan nagrereklamo pa. Anong masama sa bulaklak.?

"Anong gagawin ko dito?", tanong ng matabang babae sa kanya at bitbit pa rin ang bigay ko na bulaklak.

" Pakitapon."

"Ha? Sayang naman.", hinablot ni Jasmine ang bulaklak at inilagay sa likod ng sasakyan.
Sa compartment to be exact. What the hell!

Napangisi ako. Pero dahil yun sa inis. Yes people do change. Kung anong kinaganda nya ngayon yun ang kinasama ng ugali nya.
Mas okay pa yung matabang Jasmine. Marunong magappreciate ng mga bagay bagay. Trully, I am pissed.

Nagmamadali syang sumakay as soon as makabalik na yung Driver. All this time  I've been dreaming to see her pero di ko inaasahan namaffrustrate ako sa matutuklasan ko sa kanya.
Pero sige aaminin ko sa sarili ko nasasaktan ako ngayon. Syempre ako ang nagbigay nun. Binalewala nya lang... yung flowers...

Enough Christian! Mabuti na din na nakita ko kung anong ugali nya. Tama lang yun. Sumakay ako sa sasakyan and before I know padabog kong naibagsak ang pinto. I hate this day.
Pinaharurot ko ang sasakyan.  And nandito ako ngayon, hello EDSA.

Ohh my Goood..!!! Agad kong iniwas ang sasakyan ko. Muntikan pa kong maaksidente dun ha. Bumangga ang kotse na nasa harap ko sa isa pang Van. And that Van looks familiar.

I parked my car sa harapan ng van na yun. And kagaya nga ng inaasahan, yun ang Van ni Jasmine. Confirmed ng bumaba ang matabang babae at ang Driver. Ibinaba ko ang bintana ko to see what happened.

Syempre worried pa rin ako sa kanya. Hay. Bat ba ko magaalala sa babaeng di marunong magvalue ng mga bagay bagay.
Umiling ako at agad ko ding sinara ang bintana at papaandarin ko na sana ang sasakyan ng biglang kumatok sakin ang babaeng mataba. Binaba ko ulit ang bintana.

"Hi.. I'm Ruby. You see. Uhm.. Mr. Pogi.. Ano kasi.. Nasa kalagitnaan tayo ng EDSA.."

"Yes. I know kaya aalis na ko.."

"No pogi. Pwede favor..?
You see may minor accident and I'm with a VIP kasi, nasa loob sya ng Van pwedeng makisakay?
Saan ka ba papunta?"

Seriously? Why I always end up helping her.

"Tagaytay"

"Tagaytay? Talaga.? Sakto!! Pwede pasabay?"

Well actually di naman talaga ako pupunta dun. Narinig ko lang kay Kylie na saglit lang si Jasmine kasi pupunta sya ng Tagaytay. Yun ang hometown nya.

"Sorry pero how can I trust you guys? Bat di na lang kayo magcommute."

"Kasi nga di sya pwede magcommute..
sige na pogi.. Please... please.. please.. luluhod ako dito pasabayin mo lang kami."
At paluhod na talaga sya.

"Wait. Don't do that. Sige pwede na kayo makisabay."

"Thank you.. ", agad syang tumakbo pabalik sa Van.

Mr. & Ms. Perfect (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon