ESTEFANIA POV.
DALAWANG araw simula nang manalasa ang bagyo sa isla nguni’t nababakasan parin ang pinsalang iniwan nito sa min, kina umagahan, ang mga taong nawalan nang tirahan, hanap buhay, at mahal sa buhay agad ang bumungad sakin.
Hindi man ganon ka lakas ang bagyong iyon, kita mo parin ang prowebang hindi ito basta basta.
Mga bahay sa natuklapan nang bubong na natangay dahil sa lakas nang hangin, mga sanga nang puno na nabali rin nang hangin , may mga natira pang bakas ng pagbaha, mga lupang gumuho dala nang malakas na pag ulan tila bumigay na sa tindinang baha, nakakalungkot na masaksihan ang lahat nang ‘to, na ang dating magiliw at tahimik naming isla ay tuluyang nag bago dulot nang bagyo.
" Grabe kahit yung mga tanim naming gulay sa bakuran di pinalampas nang bagyo, " bulalas ni Isay, nag lalakad kami ngayon patungo sa kapitol may ipapamigay raw kasing relief goods si mayor, " mukhang wala muna kaming mabibintang supplies sa palingke. "
" Hayaan muna Isay sapat naman siguro yung mga ipapamigay nilang relief goods hanggang sa maka ahon ulit yung isla hindi ba? " pag aalu ko rito, masyadong malaking pinsala ang iniwan nung bagyo sa isla namin, nitigil ang pamamalaut nila tiyo at iba pang mangingisda, nasira ang mga taniman kaya paniguradong magtataas nanaman ang presyo sa myerkado.
Pag ka rating namin ay bumungad agad samin ang mahabang pila ng tao, dapat talaga inagahan namin e, naki pila narin kami kisa mag likramo kasalanan rin naman namin dahil hindi namin inagahan ang dating kaya nasa panghuling pila tuloy kami ngayon.
" Himala ata at naisipan nang tiyo ’hin mong hilaw na migay nang relief goods Stef, " bulong ni Isay, " Tingin mo anong klasing hangin kaya ang nasagap niya sa bagyo?" Natawa lang ako sa sinabi nito, himala nga naman talaga.
" Hi, mga Beshywaps! " biglang sulpot ni Vine nakakarating lang.
" Hoy bakla wag kana makipila dito hindi pa naman siguro kayu nag hihirap no? " bulya dito ni Isay
" Aba paki mo ba gusto ko lang naman maranasan mabahagian nang relief goods noh, wag muna ipag damot sa kin ang experience nato " lokong bakla toh makikipila para sa experience malala pa ata tama nito kisa sa tiyo hin kung hilaw.
Nag bangayan pa ang dalawa, sila ang mga kaibigan ko sa isla, si Isabella o mas kilala sa palayaw na Isay tindera ito nang gulay sa palingke abroad ang mama niya sa Qatar kaya sa tiyahin niya ito naka tira yung tatay naman niya nalunod raw sa sabaw ewan kos babaeng toh.
Ang pangalawa naman si Benvinedo o vine ayaw na ayaw niya talaga sa pangalan niya tunog maskulado raw kasi, siya ang bakla sa grupo sa aming tatlo siya lang ang may natapos na propisyon isa itong guro sa high school, dating kapgo ang lolo niya at kapitan naman sa barko ang tatay niya kaya masasabi mo talagang maykaya ang pamilya nila.
Kasing liit lang nang islang ito ang tyansang maka tapos ka sa kuliheyo, hanggang high-school lang kasi ang kayang turuan nang mga guro dito hindi naman ganon ka kilala ang isla namin, kaya karamihan sa mga tao rito ay hanggang elementarya lang ang natapos, matuto lang mag basa at magbilang nang numero okay na.
" Vine pinapatanong ni Fan kung tuloy bayong class suspension? " baling kay vine nasa panghuling pila kami kaya matagal tagal pa ang aantayin namin.
" Lamutak kung buong school stef nasira yung ibang libro, tapos puro putik yung classroom, yung isang room pa natuklapan nang bubong kaya kilangan ipa gawa ulit, jusko naiistress ang beauty ko " problemadong sagut nito sabay hysterical na napahawak sa sentido.
" Alam mo Stef bilib talaga ako sa kapatid mo nayan ansipag mag aral, isipin mo halos mag tatalon yung pinsan kong si nene nang ibalita sa may class suspension, " naiiling na sabat ni Isay, maswerte talaga ako sa kapatid ko nayon ang sipag mag aral.
" Ay sinabi mupa, parating nangunguna ang batang yun sa klase " sangayon ni Vine " kahit si Van nangunguna rin, manang mana talaga sayu stef matalino na masipag pa "
" Natutuwa naman ako na nag e excell sila sa pag aaral nila, at least alam kung hindi na babaliwala ang pagsisikap ko " nag tatrabaho ako para sa mga kapatid ko ayaw kung magaya sila sakin na high school lang ang kinayang taposin.
Nang matanggap ang relief goods ay nag kanya kanya narin kami nang uwi.
Dala ang isang sako nang bigas at isang kahong can goods at iba bang essential, naka ngiti akong pumara nang traysekil.
Hindi ko naman kasi kayang pasanin ang mga ito kung mag lalakad pa ako.
****
PAG KA RATING sa bahay ay agad kunang binada ang mga dala ko tinulungan rin ako nina fan at van na ipasok yung bigas.
" Tinanghali kana ate mahaba ba pila nang relief goods? " tanong ni van
" Oo maraming nasalanta ang bagyo nasira rin ang mga patanim kaya nag taasan ang presyo sa palingke " napa upo ako kawayan naming upoan, sumasakit parin kasi ang talampakan ko kakatayu sa pila.
" Naka pag saing na ako ate magpa hinga kana muna jan " saad sa kin ni Fan.
" Ako na mag luluto nang ulam natin te " paalam naman ni van at tumakbo na papuntang kusina.
Nang mamalayan kong naka kuha na nang sapat na pahinga ang talampakan ko ay sumunod na ako sa dalawa.
Nag sisibak nang panggatong si fan, naaamoy kuna rin ang pini pritong tuyo ni van.
" Si tiyo nga pala nasan? " tanong ko sa mga ito.
" umalis, pumunta kila ka Edgar " sagut ni van, tumango tango na lamang ako.
Ini lapag na ni van ang niluto nito nag hain narin ito nang kanin, tumayo ako para kumuha nang mga plato at kubyertos, tinapos na ni fan ang ginagawa kaya nag umpisa narin kaming kumain.
Mabuti nalang talaga at marami rami kaming natabing tuyo bago makapanalasa ang bagyo sa isla, kung hindi ay mapipilitan pa akong bawasan ang ipon ko.
Natapos kaming manang halian ay hindi parin umuuwi si tiyo kaya na isip kong baka hapon pa ang dating nito.
Nag paalam muna ako sa mga kapatid ko balak kung puntahan si aling Mary para ipaalam na wala muna akong made deliver sa kanyang perlas, dahil sa bagyo apiktado kabuhayan ko mahihirapan akong maka hanap nang mga kabibe.
Si aling mary ang pinag bibintahan ko nang mga perlas, ginagawa niya itong kwintas o kung ano pang burloloy sa katawan pagka tapos ibibinta sa labas nang isla, marami raw kasing dayuhan ang nahuhumaling sa mga ito, bihira ka nalang kasi maka kita nang mga totoong perlas ngayon tapos ang mura pa nang presyo. Hindi narin sila lugi.
Mag tatanong nalang ako kila Isay o tiyo kung may alam silang pwede kong pasukan munang trabaho pansamantala, para naman kahit papaano ay may sahoren ako.
_____
5 votes to unlock the next chapter.
YOU ARE READING
Heir of Montessori
Romance( Island girl series #1 ) Bilang isang panganay kargo mo lahat nang responsebilidad, at kaakibat nito ang paghihirap, hindi mo dapat unahin ang iyong pansariling kagustohan, kinakailangang mong pag sakripisyo. Bata palang nang maulila sa magulang a...