ESTEFANIA POV.
TAMA nga ang hinala ko hapon na nang umuwi ang tiyuhin ko, pero kanina kupa napapansin na parang problemado ito, nag hahanda na kami para sa hapunan.
Salo salo kaming kumain sa hapag nang bigla kong maisipang mag tanong rito, " Tiyo, pumunta ka raw kila ka Edgar kanina, " panimula ko, nag angat naman ito nang tingin sa kin, " ano palang napag usapan niyo ron?" Tuloy ko.
Napa buntong hininga muna ito bago sumagot.
" Napag usapan namin ang pananagat, " panimula nito, " Masyadong malaki ang pinsalang iniwan nang bagyo stef, halos sinuyod na namin ang boung isla nguni’t ni isang isda wala kaming nakuha" ito ang mahirap sa mga mangingisda kalikasan ang pangkabuhayan nila nguni’t ito rin ang nagiging dahilan nang kahirapan nila, mahirap kabalanin ang mga bagay na hindi mo kontrolado.
" May na isip napo ba kayung paraan tiyo?" Tahimik lang ang dalawa kong kapatid mukhang nakikinig lang sila samin, tumango naman si tiyo.
" Balak naming lumayo, susubukan naming mangisda sa mga kalapit na isla baka sakaling may mahuli kami’t maibinta " tugon nito, mabuti pangang, " nguni’t baka hindi muna ako sumama, " kunot noo akong napa tingin rito, " pag sumama ako aabutin nang isa o dalawang araw bago ang balik namin o baka higit pa, ayokong maiwan kayo rito "
" Tiyo ayos naman kami rito, malaki nako tiyo pati narin sina fan, kaya na namin ang mga sarili namin " paliwanag ko
" Oo nga po tiyo andito naman si ate stef para samin kaya wala kang dapat ipag alala " dugtong ni fan.
" Kaya tiyo sumama kana, malay mo maka tagpo mo forever mo, " umaalun alun pa ang kilay na tukso ni van, loko talaga tong isang toh.
" Forever?, sa laot, ano mahahanap ni tiyo dun, butiti? " sabat naman ni fan rito, kaya nag simula nang mag bangayan ang dalawa, naiiling na lamang si tiyo rito.
" Siyanga pala balita ko nabili naraw yung lupa nina aling Sheila, " napa lingon ako nang mag salita si tiyo.
" Talaga po? Nako panigurado mayaman naka bili non, " ang alam ko matagal nang gustong ibenta ang lupang iyong nguni’t masyadong mahal ang pa presyo nang may ari kaya walang bumibili.
" Mukha nga balak ata nilang gawing resort, " napa tango tango naman ako, maganda rin naman kasi ang pwestong yon bukod sa white sand malapit lang din sa dagat kaya maganda talaga itong gawing rest house o di kaya private resort.
" Oo nga pala tiyo hindi muna ako makaka benta nang mga perlas sa ngayon, nag paalam narin ako ki aling mary, " paalam ko rito, " baka may kilala ka pong nangangaylangan nang trabahador kahit katulong manlang "
" Sige mag tatanong tanong ako sa mga kakilala ko " tugon nito na ikina ngiti ko
****
KINA bukasan maaga akong umalis para mag hanap nang trabaho, iniwan kuna muna yung dalawa sa bahay.
Naka salubong ko si Isay kaya sumabay narin ito sa kin, " Hindi ka mag titinda ngayon? " tanong ko rito
" Hellow? Diba nga nasira bakuran namin? Ano ibebenta ko, atay ko? " pambabara nito sa kin, oo nga pala, aba diba pwedeng maka limot? " Eh ikaw ano plano mo? Wala kang makukuhang perlas ngayon "
" Nag hahanap akong trabaho para kahit papaano may kitain naman ako " sagut ko rito.
" Ay tamang tama sumama ka sa kin mag aapply rin kasi ako kila aling sheila kasi nga diba nabalitaan mo may ipapagawa raw’ng resort sa isla tapos sina aling sheila ang naatasan sa pag kain nang mga trabahador, kilangan niya raw kasi nang makakatulong sa pag luluto kaya inalok niya ako " paliwanag nito sa kin nabuhayan naman ako nang loob, grabe life saver talaga ‘tong si Isay at least hindi nako nahirapan mag hanap nang trabaho.
YOU ARE READING
Heir of Montessori
Romance( Island girl series #1 ) Bilang isang panganay kargo mo lahat nang responsebilidad, at kaakibat nito ang paghihirap, hindi mo dapat unahin ang iyong pansariling kagustohan, kinakailangang mong pag sakripisyo. Bata palang nang maulila sa magulang a...