ESTEFANIA POVDALI DALI akong humiwalay sa taong sumalo sakin, hindi ako maka tingin rito dala nang aking pagkaka ilang, ramdam ko parin ang init na dulot ng pagkakahawak nito saking baywang
" S-salamat " bulong kong pasasalamat nguni't alam kong narinig niya iyon, hindi ko magawang mag angan nang tingin kaya naka tungo lamang ako, naramdaman ko naman ang pag lamit ni Isay sa akin
" Nako fren ayos kalang? Nako hindi na naman ba nasaktan? Ayan dika kasi nag iingat e, jusko buti nalang at nasalo ka nitong si pogi, " salubong ni Isay na puno nang pagaalala pinasadahan pako nito nang tingin upang masigurong wala akong galos o ano paman, " Ay teka pogi pano kanga pala napunta rito diba e- oy sandali! " Hindi natapos ni Isay ang tanong nito sa lalaki dahil umamba na itong aalis, nun kulang din nai angat ang aking tingin nguni't tanging likod nalamang nito ang nakikita ko habang nag lalakad ito palayo, " ano bayan dibali nanga, oh ano ayos kalang wala bang masakit sayo? Sumagut ka inday daw muko dedmahin gaya ni pogi aba " baling naman sa akin ni Isay kaya napunta rito ang atensyon ko.
" Ayos lang ako, hindi naman ako nasaktan " tanging naging tugon ko upang matahimik na ang babae, pero nag patuloy parin ito sa kakadada habang inaalayan parin ako pabalik sa kubo, naiiling nalang ako at binaliwala siya
Napasulyap ako sa lalaking ngayon ay nakabalik na sa kanyang gawain agad rin akong nag iwas nang tingin dahil sa mga trabahador na nag silapit saamin at tinatanong ang kalagayan ko, nginingitian ko na lamang sila at sinasabing ayos lang ako, hindi naman kasi talaga ako nasaktan e dahil nga may naka salo sakin.
****
TATLONG ARAW na simula nang nangyari ang insidenteng iyon, tatlong araw naring hindi napakali ang sistema ko dahil sa kanya, hindi kuna maintindihan ang sarili ko, sa tuwing nag tatama ang paningin namin ay tila hindi ako mapakali, at hindi iyon maganda dahil habang tumatagal ay mas lalo lang iyong lumalala, tulad ngayon
" Hoy stef tulala ka jan anyari sayo? " biglang tanong ni Isay, napa talon ako nang kunti dahil sa biglaang pag sulpot nito
" W-wala lang toh " nauutal kong sagut, binigyan lang ako nito nang tingin na tila nag dududa sa mga ikinikilos ko, napa lunok naman ako sa klase nang tingin nito dahil kong may tao mang higit na nakaka basa at nakaka kilala sakin ay ang babaeng ito na iyon, alam na alam pa naman nito kung paano ako paaminin
" Alam mo ikaw pansin ko may tinatago ka sakin e, " panimula nito na mas nag pakaba sakin, hindi ko magawang tumingin sa kanya, nanlalamig na ang mga kamay ko dahil sa kaba kaya mas pinili kong abalahin ang sarili at nag kunwaring inaayos ang aming mga dadalhin para pumonta sa site," sa tuwing nasa site kasi tayu parang di karin mapa kali, e di ka naman ganyan dati " pangiintriga nito sakin kaya mas lalalo akong kinabahan, nahahalata niya na pala iyon wala talaga akong maitatago sa babaeng ito, " lalo na pag andyan si..." bintin nitong saad at nanlalaki ang matang bumaling sa akin, napa lunok naman ako dahil dun
" I-ikaw talaga Isay k-kung ano ano nanaman y-yang naiisip mo " pilit akong tumawa upang maalis ang tensyon na nararamdaman, umangat naman ang isang kilay nito sakin
" Umamin ka gusto mo si- "
" HINDI! " putol ko rito, naniningkit ang matang tinitigan ako nito kaya napa lunok ako
" Ang defensive mo naman ata fren di kupa nga nasasabi kung sino e " malakas na humalakhak si Isay kaya agad akong pinamulahan.
" Huwag moko asarin please " paki usap ko rito sabay kapit sa braso niya pero ang bruha mas tumawa pa nang malakas kaya naiinis ko itong kinurot sa tagiliran
YOU ARE READING
Heir of Montessori
Romance( Island girl series #1 ) Bilang isang panganay kargo mo lahat nang responsebilidad, at kaakibat nito ang paghihirap, hindi mo dapat unahin ang iyong pansariling kagustohan, kinakailangang mong pag sakripisyo. Bata palang nang maulila sa magulang a...