ESTEFANIA POVSABADO kaya walang pasok ang mga trabahador binigyan sila nang day off dahil sa bigat nang trabaho paniguradong pagod na ang mga katawan nila, nguni't karamihan sa mga binatang trabahador ay may mas pinipiling mag libot at mamasyal sa isla paminsan minsan ko rin silang nakikitang naliligo o di kaya ay namimingwit sa may tabing dagat.
Nguni't sa kabilang dako, may isang tao parin akong ni minsan ay hindi nakitang nakipag halubilo sa kahit sino sa isla malinan kau mang Samuel ay wala na itong ibang pinag tutuonan ng pansin.
Kadalasan, tuwing sasapit ang linggo ay nasa bahay lang ako, maglilinis, maghahanda nang almusal at pananghalian tapos aantayin ang tiyohin at mga kapatid para sabay naman mag hapunan, pero iba ngayon
Napag pasiyahan kung maglakad lakad may tabing dagat di kalayoan sa site at tinutuloyan nang mga trabahador, gusto kung maka langhap nang sariwang hangin, ala sais palang nang umaga kaya masarap pa sa balat ang sinag ng araw, nakakagaan rin sa pakiramdam ang ihip nang hangin kaya ipinikit ko ang mga mata upang mas damhin iyon
Habang ginagawa iyon ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari sa nag daang araw, tinulungan kung gamutin si Leiden nang gabing iyon, ginabi pako sa pag uwi kaya alalang alala ang tiyo at mga kapatid ko, nag sinungaling nalamang ako at sinasabing natagalan ako kila Isay dahil napasarap ang pag uusap namin, alam kung walang kwenta ang dahilan ko at hibang lang ang maniniwala roon nguni't ipinag pasalamat ko nalang na hindi na nang usisa pa ang mga ito
Sa mga sumusunod na araw ay hindi parin pumasok ang lalaki, nguni't bumubuti naraw ang lagay nito ayon sa isa nitong kasama, kung paano ko nalaman? Malamang dahil sa pagiging echusira nang mabaling kung kaibigan sa mga bagay-bagay, naitanong nito sa isang katrabaho ni Leiden kung kamusta na ito kaya syempre naki echus narin ako sa usapan nang dalawa hindi ko nalang pinahalatang nakikinig ako sakanila at nag kunwaring abala sa mga ginagawa kahit wala roon ang buong atensyon
Napamulat ako nang makaramdam nang presensya sa tabi ko, napamulagta ako nang makita ang lalaking gumugulo sa sistema ko sa nag daang mga araw, napa tulala ako rito at kung hindi pa ito nag baling ng tingin sakin ay hindi pako matatauhan, " K-kanin kapa jan? " gulanta parin ako dahil sa biglaang pag sulpot nito sa tabi ko, bat ko man lang siya napansin masyado bang malalim ang iniisip ko at hindi ko agad namalayan ang presensya nito
" Bago palang, mukhang malalim ang iniisip mo " Malamig nitong turan, walang ka emo emosyon itong nag sasalita habang naka tingin muli sa malayo
Tumikhim ako para maibsan ang kaba
" K-kamusta pala ang lagay mo? " Pag iiba ko nang usapan upang maiwasan ang pag ka ilang mas lalo kasi akong nini nerbyos kapag kasama ko ito tapos walang mag sasalita samin" I'm good, thanks to you " Malamig nguni't mahinahon nito sagut, tumango tango ako at natahimik na muli, malakas parin ang tambol nang dibdib ko kaya napa hinga ako nang malalim hindi talaga maganda ang epekto sakin nang lalaking ito
" Kamusta naman ang pananatili mo sa isla, ibang iba ba sa pamumuhay mo sa siyudad? " Mahinahon kong tanong rito, hindi nako nag abalang mag baling nang tingin at diretso lang na naka tanaw sa malawak na karagatan, nabalut kami ng katahimikan ang akala ko ay hindi na nito sasagutin ang tanong ko nang akmang ibubuka kuna ang bibig ko ng mag salita ito.
" It was a lot of adjustment, pero anjan naman si maning Samuel " Sagot niya, isa sa napansin ko ay ang pagiging mailap nito hindi lang sa mga ka samahan nito kung hindi maging sa mga tao sa isla hindi ito gaanong nakiki salamuha, kaya ko iyon na tanong hindi ko alam pero nag aalala ako na baka naninibago siya sa pamumuhay namin kaya nahihirapan siyang makisama.
" Simple lang ang pamumuhay namin rito mababait rin ang mga taong makakasalamuha mo rito, " panguna ko, " Pasensiya na tingin ko kasi ay masyado kang nanibago sa pamumuhay namin dala ng lumaki at nasanay kana sa nakagawian niyo sa siyodad, " naka ngiting bumaling ako sa lalakeng kausap nakatingin narin pala ito sa akin, " Pero huwag sanang lumayo ang loob mo samin, mababait ang mga taong naka paligid sayo, maging mabuti kalang sa kanila at asahan mong darating ang panahon na sila naman tutulongan sayo sa abot ng makakaya nila. " naka titig namang ito sakin habang sasalita ako kaya mas nilawakan kupa ang pagkakangiti ko, gustong kung ipa ramdam sa kanya na hindi niya kilangang maging mailap sa amin
Bigla naman akong may napag tanto, alam kuna ang pangalan niya nguni't siguradong ang sakin ay hindi niya pa alam, hindi pa naman siguro huli ang lahat hindi ba?
Pumuhit ako paharap rito sabay lahad ng aking kamay sa harap niya, " Hindi pa pala natin pormal na naipapakilala ang sarili sa isa't isa, " Panimula ko sabay nginiti nang malapad
Matagal itong sumagot kaya dinaga ang dibdib ko sa labis na kaba, pakiramdam ko mapapahiya ako kaya nang babawiin kuna sana ang kamay ko ay nagulat ako nang hawakan niya ito, napa kurap kurap ako at gulantang napa titig sa lalake
" Leiden " Maiksi nitong turan
" H-huh? " parang timang na ang hitsura ko ngayon panigurado.
" Yun ang pangalan ko " napakurap kurap ako sabay ngumiti muli sa kanya
" Ang pangalan ko naman ay Stef, yun ang tawag ng mga tao rito sakin " pakilala ko, wala paring tigil sa pag kukumahog ang tibok ng puso ko, habang ang huli ay parang wala lang habang naka masid sakin, ako lang ba ang nakakaramdam ng ganitong epekto saming dalawa?
Hindi ko maiwasang makaramdam nang kaunting pait dahil ron na agad kurin namang winakasi sa sistema ko, hindi ata tama iyon.
Ginagawa ko ito upang maging magaan ang pananatili niya rito, at para hindi lumayo ang loob niya sa mga taga rito.
Wala naman sigurong masama kung makikipag kaibigan ako sa kanya hindi ba?
Palagay ko naman ay mabuti itong tao.
YOU ARE READING
Heir of Montessori
Romance( Island girl series #1 ) Bilang isang panganay kargo mo lahat nang responsebilidad, at kaakibat nito ang paghihirap, hindi mo dapat unahin ang iyong pansariling kagustohan, kinakailangang mong pag sakripisyo. Bata palang nang maulila sa magulang a...