ESTEFANIA POVPAUNTI UNTI din nakaka bangon ang aming munting isla mula sa hagupit nang bagyo, balik narin sa pananagat si tiyo, ganon din ang mga kapatid ko, " Teh pasok na kami ha " paalam sakin nang bunso na kakalabas lang kasunod nito fan bit bit na nila ang kanya kanyang gamit at mukhang handang handa na para pumasok.
Nila pitan ko ang mga ito para ayusin ang kwilyong hindi natupi nang maayos, " Yung baon niyo wag niyo kakalimotan ha, mag aral ding mabuti wag mag papasaway," bilin ko sa mga ito " lalo kana Van makukutusan talaga kitang bata ka " banta ko ki sa bunso namin na lapitin nang gulo.
" Luh si ate kala mo naman ako yung nanguna eh sila nga itong nang gugulo bigla eh " angal pa nito.
" Basta umiwas nalang kayu sa gulo " saad ko, naka nguso itong tumango sakin, alam kong pinag tatanggol lang ni van ang sarili niya, mababait ang mga kapatid ko nguni't hangga't maaari gusto kung turoan parin silang huwag maging bayolente, hindi dahas ang sagut sa lahat.
Inabutan ko sila nang perang pambaon at sabay na silang umalis mag lalakad pakasi sila papuntang eskwelahan para raw maka tipid sila, medyo nakaka ipon narin ako nang kaunti kahit na hindi gaanong kalakihan ang kinikita ko, tuloy parin ang trabaho ko kila aling Sheila, hindi parin kasi tapos ang ginagawang resort, malawak din ang lugar kaya paniguradong matatagalan ito bago matapos idagdag pa na sa Maynila kinukuha ang mga suplay, kilangan pa nilang isakay sa barko ang mga kargaminto para maka rating sa isla.
Nag handa nako para pumasok sa trabaho, wala ang tiyo dahil balik na ito sa pamamalaut at gabi na kung umuwi.
****
" ESTEFANIA!! " tili nang kung sino kaya napapikit nalang ako, nilingon ko si Isay na tumatakbo palapit sa kin agad ko siyang kinurot sa tagiliran kaya napa daing ito nang kunti.
" Bunganga mo bruha ka! " singhal ko rito.
" Sensya na fren na excite lang kasi ako na e kwento sayu yung nasagap kung chismis eh " naka nguso nito tugon.
" Ano na naman yan ha? Ikaw Isabella napaka chismosa mo kung ano anong nasasagap mung chismis " saad ko rito, nag pa tuloy parin kami sa pag lalakad, hindi muna bumalik sa pag titinda nang gulay sa palingki si isay ewan kuba sa isang toh mas gusto niya raw ako kasama mag trabaho.
" Grabe ka fren legit naman yung mga kinukwento ko sayu eh atsaka wala naman akong naapakang tao " sagut nito
" Gaga eh ano tawag mo jan sa pag kakalat nang chismis, at saka ano bayong ikukwento mo sakin ha? " tanong ko sakanya.
" Eh kasi kahapon narinig ko may mangkukulaw at aswang raw na naka tira dun sa gubat, " kwento niya at umaktong parang kinikilabutan pa sa sinasabi,
" Nakakakilabot talaga stef, habang kinukwento yun sakin ni chang nananayo lahat ng balahibo ko sa katawan eh. "" Hay nako Isabella kung ano ano nanaman yang nasasagap mong chismis " singhal ko rito, jusko ki aga aga pinapasakit ni Isay ang uloko, nabalitaan kuring may naka tira nga dun sa gubat pero hindi ko naman inisip na mang kukulam o aswang ang mga iyon.
" Hay nako rin sayu Estefania Naih bahala ka kung ayaw mong maniwala basta ako hinding hindi nako lalapit sa gubat nayun, kinikilabutan talaga ako, ayuko pang malapa nang aswang noh " naiiling nalang ako sa mga pinag sasabi ni isay sa kin.
Nag kwentohan pa kami ni Isay hanggang sa maka rating kami kila aling sheila, " Oh buti naman at narito na kayong dalawa hala sige tumulong na kayu rito at marami rami ang lulutuin natin simula ngayong araw " bungad samin nang ali na ipinag taka namin.
" Bakit ho? May ukasyon ho ba? " Hindi ko mapigilang tanong rito.
" Hay nako alam niyo kasi sabi ni mayor madadagdagan raw ang mga trabahador, nag padala raw kasi iyong may ari nang mga tao para mas mapa dali ang trabaho dito sa isla " saad nito namin ni Isay, mukhang dadami nga ang trabaho namin kung ganun.
Kaya pala abala ang mga tao sa may daungan kanina, agad narin kaming nag handa para mag luto nang pananghalian.
****
INILAPAG KO ang basket na naglalaman nang mga sinupot na kanin, " Hoi Isay ano bayang pinag gagawa mong bata ka, " dinig kong singhal ni aling sheila ki Isay, " Ano bayang pinag lalagay mo sa mukha mo ha tignan mo ang pula pula pa nang nguso mo "
" Ano kaba aling sheila malamang nag papaganda ako malay niyo kasi may gwapo dun " saad naman ni Isay na ikina ngiwi namin dalawa nang ginang.
" Mag tigil kanga jan babae, buti pa pag tulongan na nating buhatin itong mga toh " sabat ko sakanila.
Pag ka rating sa site ay naa butan namin ang mga tao na abala parin sa mga ginagawa lumapit kami sa may kubo para sumilong doon, mataas ang sinag nang araw dahil tanghaling tapat na.
" ANDITO NAYUNG PANANGHALIAN! " sigaw nang isang trabahador kaya nag silapit narin ang ibang mga kasamahan niya.
" Hi isay " bati ni Makoy kay Isay na inirapan lang ang huli, mahina lang akong natawa sa inasal nang kaibigan, may gusto si Makoy kay Isay halata naman kasi parati niya itong inaasar sa tuwing nag hahatid kami nang pagkain dito sa site.
Pumila na ang mga trabahador para ma bigyan nang pagkain, pansin kurin ang mga bagong trabahador na galing pang Maynila hindi naman kasi sila mahirap kilalanin, kaming dalawa lang si Isay ang nag hatid hindi na sumamapa si aling sheila dahil masakit raw ang katawan, andami kasi nang niluto namin, masakit rin ang katawan ko pero hindi kuna ito ininda pa, ako ang taga abot nang kanin habang si Isay naman ang sa ulam, " Oh stef baka ibato muna naman ang kanin ko ha " biglang saad ni mang Samuel habang natatawa pa kaya napa nguso ako.
"Hindi na ho, " angal ko pero naiiling lang ito sakin, kasalanan yun nang pinsan kung hilaw, napa baling naman ako dun sa lalaking naka sunod sa kanya, nahigit ko ang hininga habang naka titig sa lalakeng ngayon kulang nakita, malamig itong naka tingin sakin nguni’t hindi maipag kakaila ang kakisigan nito, tila nalulunod ako sa mga tingin nito, " Stef " agad akong nabalik sa reyalidad ng may tumawag sa pangalan ko.
" Ho? " tanong ko ki mang Samuel
" Yung kanin ni Leiden " napakurap kurap naman ako at napabaling ulit sa lalakeng nasa harapan ko naka tungong inaaabot sa kanya ang supot, nakakahiya ka stef bat ka naka tunganga jan saway ko sa sarili.
Pag ka tapos maabutan nang kanin at ulam ay agad ding umalis ang lalaki, kasabay nitong mag lakad si mang Samuel, naka tingin parin ako sa likoran nito.
" Ang gwapo noh, " biglang kalabit sakin ni Isay kaya napa baling ako rito," Tignan munga sa baba nalaglag ata panty ko " bulong niya pa sa kin kaya nabatukan ko ito.
" Ang dugyot mo bruha ka " singhal ko dito, nag tawanan nalamang kami’t nag patuloy na sa pamumugay nang pananghalian.
" Kahit naka talikod ang gwapo, " hirit pa nito, " mukhang may lahi pa, ang ganda nang mata " agad naman akong sumang-ayon, totoo yun ang ganda nang kulay ng mata niya lalo na pag nasisinagan ito nang araw mas tumitingkad ang kulay ng mga ito, ngayon lang ako nakakita nang ganun.
YOU ARE READING
Heir of Montessori
Romance( Island girl series #1 ) Bilang isang panganay kargo mo lahat nang responsebilidad, at kaakibat nito ang paghihirap, hindi mo dapat unahin ang iyong pansariling kagustohan, kinakailangang mong pag sakripisyo. Bata palang nang maulila sa magulang a...