ESTEFANIA POV
PANIBAGONG araw nanaman sa isla tila napaka liwanag nang paligid, pero wala na yatang mas hihigit pa sa nararamdaman ko ngayon pakiramdam ko'y naka apak ako sa alapaap hindi rin mabura bura ang ngiti sa king labi.
" Grabe fren nasisilaw na kami sa ngiti mo " Biglang sulpot ni Isay at sinabayan ako sa pag lalakad.
" Hi Isabella! " Bati ko rito at mas nilawakan pa ang pagkakangiti pero nginiwian lang ako nang huli hindi ko nalang siya pinansin at patuloy paring nag lakad.
" Napano kaba ha?, atsaka diba nga pinag bawalan ka munang pumasok dahil sa sugat mo " Sita nito sakin pero hindi ako nag patinag
" Ayos naman na ako e maliliit na sugat lang naman ang mga ito masyado lang talaga kayong praning ni aling sheila " Sagut ko rito, hindi na masyadong masakit ang mga sugat ko at nakakalakad naman na ako nang maayos kaya walang masama kung pumasok ako.
" Tss bat kaba nag pupumilit na pumasok ha kulang paba iyong ipon mo "
" Syempre kilangan kong kumayod dahil malapit na ang kaarawan ni tiyo kaya paniguradong mababawasan ang ipon ko " Sagut ko naman pero kalahati lang iyong sa totoong rason, gusto ko kasi siya makita, pero syempre hindi ko pwedeng sabihin iyon dahil paniguradong aasarin nanaman ako ni Isay.
" Bahala kanga, e maiba tayu bat ba tudo ngiti ka ngayon? kinikilabutan tuloy ako sayu " natigil ako sa tanong nito kaya nag iwas ako nang tingin rito, kahit ang mga kapatid ko nag tataka narin sa ina asal ko ngayong araw hindi man nila iyon pinupuna alam kong pansin nila iyon pero iba kausap si Isay lahat nang napupuna niya sayo isasatinig niya ito hanggang sa wala kang magawa kung hindi ang umamin nalang.
Ipinag papasalamat kong narating na namin ang bahay nila aling Sheila kaya nagkaroon ako ng dahilan para hindi masagot ang tanong ni Isay alam kong magtatanong ulit ito mamaya pero hindi kuna muna inisip pa iyon dahil may isa pakong dapat kaharapin.
" Sige nanaman aling Sheila payagan muna akong pumasok please " parang tuta akong sumusunod sa ali at nag mamakaawa kanina pa kami pero hindi parin ako tumitigil sa pangungulit dito at wala akong planong tumigil hanggang sa payagan na niya ako!
" Hindi nga pwede stef at baka bumuka iyang mga sugat ko tignan munga at pagka laki laki niyan, at kung nag aalala ka sa sweldo hindi ko nalang babawasan ang absences mo kaya huwag kanang makulit at nag tatrabaho pa kami " giit nito na mas lalo kong ikinan lumo mas ginalingan kupa ang pagpapa awa.
" E wala katulong si Isay sa pag hahatid nang pag kain sa site saka alam kong pagod kana rin kaya hindi kana makakasama sa kanya, kaya sige na aling Sheila pumayag kana ayos naman na ang sugat ko e hindi na masakit pramises " umakto pakong sumisipa sa hangin para ipakitang ayos na ang binti ko.
Napa buntong hininga nalamang ang ginang dahil sa kakulitan ko halos mapatalon naman ako sa tuwa nang payagan ako nito sa wakas, naiiling na lamang si Isay sakin
" Kunware kapang nag aalala na wala akong katulong alam ko namang iba ang pakay mo " bulong nito sa kin kaya alanganin lang akong ngumiti rito.
Pag karating sa site ay halos magkanda haba na ang leeg ko kaka silip, asan naba yon.
" Psst hoy mamaya nayan tulong muna dito at paniguradong abala pa sa trabaho iyong hinahanap mo jan " Sita sakin ni Isay na ikina nguso ko, mamaya nangalang epal.
Nang mag tanghalian ay nag si pila na ang lahat, abala na si Isay sa pag aabot nang pag kain habang ako ay sinisipat ang pila nang mga trabahador, napapabusangot ako dahil hindi ko man lang makita ang taong iyon.
" Maganda tanghali Stef " Bati sakin nang kung sino pero hindi kona iyon masyadong napag tuonan nang pansin kung hindi pako kinalabit ni Isay ay baka hindi kuna talaga mapapansing si mang Samuel pala iyon kaya binati kuna rin ito pabalik at alanganing ngumiti rito.
YOU ARE READING
Heir of Montessori
Romance( Island girl series #1 ) Bilang isang panganay kargo mo lahat nang responsebilidad, at kaakibat nito ang paghihirap, hindi mo dapat unahin ang iyong pansariling kagustohan, kinakailangang mong pag sakripisyo. Bata palang nang maulila sa magulang a...