Chapter 3

53 3 0
                                    

Maaga ako nagising at agad na bumaba, akala ko ako ang mauuna kina Mommy pero naabutan ko na lang sila na nasa dining na, Nagta-tsaa si Mommy habang si Daddy naman ay may hawak na namang magazine sa kamay niya. napasimangot nalang ako nang makita sila

Kapag wala akong lakad, laging tanghali ang gising ko. Lalo na kapag wala akong ginagawa, ganun naman talaga e. Ang sarap kaya matulog nang matulog

"Morning, po" i greeted them when i entered the dining, agad naman napunta ang atensyon ng dalawa sa'kin

"Good Morning, anak. Come on, eat." Nakangiting sabi ni Mommy

"Good morning my beautiful, daughter"

"Daddy, 'wag niyo nga akong bulahin. Aga aga pa eh" Nakasimangot na sabi ko sa kaniya, tinawanan niya lang ako, mas lalo tuloy humaba ang nguso ko, naiiling nalang si Mommy sa 'min habang may maliit na ngiti sa labi

Agad na akong umupo at nagsimulang kumain, magpapa enroll pa kami ng kaibigan ko. Hindi ko nakita si Kuya at Ate sa dining, nasa kwarto pa siguro nila natutulog pa, matagal kasi silang pareho na natutulog kasi may inaaral pa. Hindi ata sila nabubuhay kapag hindi sila nagbabasa tungkol sa mga topic nila sa school. Partner na talaga nila ang libro

Habang kumakain, tinanong ako ni Daddy kung ano ba talaga ang kukunin ko sa kolehiyo. Hindi agad ako nakasagot, hindi ko pa alam anong kukunin ko. Gusto ni Mommy na mag doctor ako katulad nila ni Ate Alejandra, habang gusto naman ni Daddy na maging business woman ako para ako na raw ang susunod na mamamahala sa kompanya, pero tinanggihan ko.

Noong bata pa ako gusto ko maging engineer, yung naiisip ko kasi dati paglaki ko ako mismo gagawa ng bahay ko pero nung tumungtong ako nang senior high ay hindi na pumasok pa sa isip ko ang pag e-engineering.

"engineer Dad, I will pursue that course" Huli na nang matanto ko kung ano ang sinabi, napapikit ako at agad na kinurot ang sarili. Baliw ka alex, bakit mo sinabi yun??!

"That's good, you have my support"

Napabuntong hininga na lang ako, sana talaga wala akong pagsisisihan sa huli, I pouted, kainis naman e

Nagpaalam na ako kina Mommy na aakyat na, agad na akong tumayo at umalis. Nag uusap na sila ni Daddy about business, bagay na hindi ko kayang sabayan.

Pagkapasok sa kwarto ay agad na akong naligo, isang oras pa ako sa banyo bago napagpasyahan na lumabas na, agad kong inayusan ang mukha pati na rin ang buhok ko, naka-bun lang ang buhok ko ayaw ko nang maraming arte

Nang matapos ay agad na akong bumaba, naabutan ko silang Apat na nasa sala. Si Daddy na may magazine na naman sa kamay at si Mommy na nagta-tsaa, si Kuya na nasa tabi niya may binabasang libro, agad na nalukot ang mukha ko nang makita kung anong libro yun, of course, it's all about laws. Napatingin ako kay Ate Alejandra na nasa paa ng sofa, nakaupo sa may carpet habang may laptop sa harap, may ginagawa.

"Mommy, aalis ako, magpapa enroll" Salubong ko kay Mommy nang magtama ang mata naming dalawa, ngumiti naman siya sa akin bago tumango.

"Who are you with?" Napunta kay Daddy ang tingin ko nang magtanong siya, sumisimsim na siya ng kaniyang kape ngayon

"My friends. Sila Asul po, Daddy. Naalala niyo po? Sila yung mga kaibigan ko noon pa man"

Kilala na nila Mommy ang mga kaibigan ko, pumupunta kasi sila noon sa bahay kapag hindi busy o kapag may gagawin kaming group study ay sa bahay talaga ang bagsak nila. Pumunta rin sila noong 18th birthday ko last year

Tumango lang si Daddy at tumingin kay Kuya na kanina pa ako tinigtignan mula ulo hanggang paa, nang mapansin ang tingin ko ay agad siyang ngumisi, pustahan, aasarin na naman ako nito ngayon.

Worth of Sacrifices (AS #1 ONGOING) Where stories live. Discover now