"Akala mo hindi ko malalaman sino kasama mo kahapon"
Sinalubong agad ako ni Cassy ng nagdududang tingin, I flashed a sweet smile.
Ginisa kasi nila ako kahapon. Bakit daw ako nawala bigla at kung sino raw ang kasama ko, shempre hindi ko sinabi bahala silang mag isip ng kung ano-ano. Baka maudlot na naman 'to.
"May sasabihin ako sayo, for sure papayag ka nito." agad akong lumapit sa kaniya at kumapit sa kamay niya, pinagtaasan niya naman ako ng kilay.
Nandito kami ngayon sa cafeteria, kakatapos lang ng dalawang subject namin. Buti nga hindi mahirap baka magdukdok na naman ako sa mesa.
"Ay nako Lex, kung uutusan mo lang ako na ipagtulakan ka kay Ezekiel, sinasabi ko sayo kahit hindi mo na ako kailangan utusan dahil gagawin ko talaga yan." umirap pa ang gaga, agad naman akong tumawa sa sinabi niya.
Sa susunod lalagyan ko na ng masking tape itong bibig ni Cassy, kung ano anong lumalabas sa bunganga e.
"Tanga, hindi" pabiro kong hinampas ang kamay niya."Kumuha ako ng condo tapos wala akong kasama e, yayain sana kitang samahan ako don." dugtong ko pa. Agad niya naman akong nginitian at nagtatalon-talon sa tuwa. Niyakap niya pa ako at umarteng kunware ay naiiyak, umirap ako.
"Oh my god, ito na yung pinakahinihintay ko. Omg nangyayari na siya. Thank you so much, Lex. I appreciate it." she jokingly wiped the invisible tears on her eyes. I rolled my eyes and pull her hair jokingly. Baliw talaga.
"Gaga, masakit" hinampas niya rin ang kamay ko kaya naghampasan kami don, tinitingnan na kami ng mga tao sa paligid pero tawa lang kami nang tawa ni Cassy.
"Kailan ba? Para maasikaso ko na kaagad yung mga gamit ko. Nakakahiya naman kasi sayo kapag nalate ako."
Hindi talaga siya na kakatapos ng salita kapag wala siyang idudugtong na kagagohan
"Bukas na, lilipat na ako bukas" sabi ko at tumango naman siya.
Isang araw na kaming hindi nagkikita ni Ezekiel, matapos kasi yung hinatid niya ako at kinabukasan nun hindi ko na siya nakita o nakasalubong man lang sa ateneo. Kung sabagay, malaki rin naman 'tong ateneo impossible ngang laging magkokross ang landas namin.
Pero naiisip ko, baka ayaw niya akong makita? Pero ayos naman yung nangyari nong nakaraan e, maayos naman kaming nagpaalam sa isa't isa. Kainis naman nakaka over think. Chat ko kaya siya mamaya? Ngumuso ako.
"Lex"
Agad kong inangat ang tingin ng marinig ang tumawag sa'kin, sa harap namin ang nakatayong si Harvin na seryosong nakapamulsa. Saglit niyang binalingan ng tingin si Cassy na walang ibang ginawa kung hindi ang kumain. Hindi man lang binati ang lalaking na sa harapan namin. Wow, pwede ko na siya bigyan ng award tapos yung award unbothered queen.
"Yung debate natin, you need to prepare yourself. Si Gray ang makakalaban mo, hindi si Andrius."
Agad kong naibugo ang iniinom na juice nang marinig yun sa kaniya. Narinig ko pa ang pagmumura ni Cassy sa gilid ko dahil nabasa siya pero hindi ko siya pinansin.
"Ano?! Akala ko ba si Rouge?! Hindi pwede, ayoko kay Gray napakayabang ng isang yun." umirap pa ako at pinunasan ang bibig. Dinig na dinig ko naman ang buntong hininga ni Harvin sa harap.
Kahit sino wag lang ang isang yun, naalala ko pa nong last debate namin ginawa niya lang akong katatawanan. Hindi niya man lang sineryoso bawat tapon ko ng sagot ko sa kaniya, pero hindi naman kasi ma-ikakailang magaling din ang isang yun pero yun nga lang napakayabang! Akala niya siya na yung pinakamatalino sa loob ng room namin. Nahiya naman sa kaniya si Harvin!
YOU ARE READING
Worth of Sacrifices (AS #1 ONGOING)
RomansaAlexandra Kye Lopez, Daughter of Marem Lopez and Blake Lopez. Simpleng babae na walang kasiguraduhan kung ano ang gusto sa buhay, spoiled girl but not a brat, her family and friends loves her so much. But everything will change in just a one snap. M...