"UST lover ka pala e"
Tukso namin kay Asul, sinabi niya kasi kanina yung tungkol sa nagugustuhan niya at nakakagulat naman na ang layo pa ng dinayuhan niyang paaralan para maghanap ng gugustuhin.
"Magand ba? Pakilala mo kami" sabi ni Cassy habang sumusubo ng pagkain
Mayabang na ngumisi si Asul sa amin na agad din naman napalitan ng hagalpak. Bwiset na ’to tatawanan pa kami.
"Maangas e" he laughed
Kumunot ang noo namin pareho ni Cassandra at sabay na nagkatinginan sa isa’t isa, confused.
"Huh? Edi maldita?! Ay ayoko sa maldita Asmael ha, subukan lang magmaldita niyang nagugustuhan mo sa akin bibigyan ko yan ng mag asawang sampal" iling na sabi ni Cassy na tinawanan lang namin pareho ni Asul.
Hindi niya nagugustuhan yung mga nagiging babae ni Rouge at Asul, maldita e, mostly kasi ayaw sa circle mamin na para bang may nakakahawa kaming sakit pero siguro dahil lang sa selos. Puro kasi kami babae tapos malalapit pa si Asul at Rouge sa amin na kapag sinabi naming kailangan namin sila o may problema kami ay agad yan silang pupunta sa amin kahit kasama pa nila girlfriend nila.
There's nothing wrong with that really, as long as you know your limitations and boundaries. Hindi naman kasi porket na kaibigan ka at close kayo ay magyayabang ka na at kukunin mo na kaagad lahat ng atensyon ng kaibigan mo. They also have their personal life and they need someone who will be there for the rest of their life.
And for those girlfriends naman sana marunong din silang umintindi, hindi sa lahat ng oras ay pagseselosan kaming mga kaibigan, minsan kailangan din gamitin ang utak at hindi puro ang puso na aabot sa puntong kahit walang ginagawang masama ay pag iisapan ng masama, that’s childish act, immature as fvck. Isipin din sana na bago sila dumating sa buhay ng mga lalaki e nauna kaming mga kaibigan, pag iisipan pa ng masama at pagseselosan tsk. Kung gusto pala namin yang mga yan edi sana hindi niyo sila naging boyfriend ngayon at hindi kayo magiging parte ng buhay nila.
"Hindi naman, nonchalant sa iba, pababy sa akin" maangas na ngumisi sa amin si Asul kaya agad siyang binato ni Cassandra ng unan na nasa gilid niya.
"Ang yabang mo naman, may label ba?!"
Tinuro-turo ni Cassandra si Asul na tumatawa lang sa kaniya ngayon
"Label? Importante ba yun?" humagalpak siya ng tawa kaya nahawa na rin ako at natawa, ganun din si Cassandra.
"Hayop ka talaga Asmael" she laughed and pull some of Asul hair, tumawa lang si Asul at hinayaan si Cassandra sa pananabunot.
"Mabasted ka sana" I rolled my eyes
Mayabang siyang ngumisi sa akin. "Hindi yan, inlove sa akin e"
Umakto akong nasusuka na tiwanan niya lang naman. It was chaotic, we started annoying Asul that ended up laughing instead of getting mad. He is really good handling his self.
"Finally, naka move on ka na rin sa bestfriend natin." Cassandra teased him, ngumisi lang ako
Ilang taon na palihim na nagustuhan ni Asul si Fiona tapos ngayon bigla na lang siyang nagkagusto sa iba, sana talaga hindi na maging bokya itong ngayon sa kaniya.
"Pinana ni Kupido e, wala sapul" he shooked his head and laughed gently
I can see on his eyes that he is really in love, the way he mentioned those words it’s really from his heart and his eyes never lie. they both sparkles.
After annoying Asul, we talk about this sem. It’s really tiring pero mabuti na lang at may pahinga ako. I laughed silently, crazy how we started, umabot pa sa puntong nainis ako sa kaniya because of his judgemental looked at kamuntikan na siyang macross line sa crush list ko because of that, me in my oa era!
YOU ARE READING
Worth of Sacrifices (AS #1 ONGOING)
RomanceAlexandra Kye Lopez, Daughter of Marem Lopez and Blake Lopez. Simpleng babae na walang kasiguraduhan kung ano ang gusto sa buhay, spoiled girl but not a brat, her family and friends loves her so much. But everything will change in just a one snap. M...