"Lilipat na ako sa condo, My"
Agad akong nilingon ng mga magulang ko dahil sa narinig. Na sa garden si Mommy at Daddy. Kararating lang nila galing sa trabaho samantalang si Kuya Axel at Ate Alejandra naman ay hindi pa umuuwi.
Kanina pa ako nakauwi kaya na sa kwarto lang ako at nagkulong, bumaba na lang ako nong sinabi sa'kin na dumating na sila Mommy.
"Sigurado ka ba diyan, Lex?" tanong ni Mommy, umiinom siya ng tsaa ngayon habang si Daddy naman ay nagbabasa na naman ng magazine.
Lumapit ako sa kanilang dalawa bago humalik sa pisnge, tumango ako kay Mommy.
"Opo, My. May mga gamit na po ako. Bumili ako kanina" sabi ko at umupo sa tabi niya.
"Will you be fine there?" she asked softly, ngumiti naman ako bago sumagot.
"Yes po"
"Hmm"
Agad kong niyakap si Mommy. Hinawakan niya naman ang ulo ko at agad na hinaplos. Samantalang tahimik lang si Daddy sa tabi namin, ayaw niyang ma disturbo ang ginagawa niya.
"Dadalawin ka namin don kapag may oras kami." she sighed heavily.
I bit my lower lip to stop it from trembling, I'm at the edge of crying. I calmed myself and smile painfully.
Impossible, wala nga kayong oras na nandito ako sa bahay kung saan ang lapit ko sa inyo, paano na lang kaya kapag malayo? Kaya impossible.
Tumango lang ako at hindi na sumagot. Ilang minuto din kaming ganun ni Mommy bago ko napagpasiyahan na umakyat sa kwarto.
"Let's have a vacation"
Masaya na sabi ko kay Cassy. Sunday ngayon at nandito kami sa Condo na kinuha ko. Nandito na rin ang ilan sa mga gamit niya ganun din sa akin
"Saan naman? Kakalipat lang natin, bakasyon agad nasa utak mo. Isa pa, pasukan ah" She pointed out and wiggled her eyebrows at me. I rolled my eyes
"You're so kj, Cass" Agad siyang napalingon sa akin at tinuro ako
"Excuse me!?" She Exclaimed
"Let's just go, isa pa hindi ko sinabing agad agad! Pagpaplanohan lang natin! napaka oa mo" Nakahalukipkip na sabi ko at tinitigan siyang nag aayos ng mga gamit.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa sahig at lumapit sa kaniya para tulungan siya sa pag aayos. Kakatapos ko lang mag ayos ng mga gamit ko at siya na lang ang hindi.
Kanina pa kami nandito, hinatid kami ni Kuya since i didn't bring my car with me. Isa pa i don't like driving car
"Oh? Okay.. I thought ngayon agad" Walang kwentang sagot niya sa akin at tamad na isinandal ang sarili sa paa ng sofa, inirapan ko lang siya
"Ano sa tingin mo sa akin, hindi nag iisip?" Tinaasan ko siya ng kilay, hindi siya sumagot. Ngumisi lang
"Alam mo? Malapit na akong magsisi kung bakit ikaw yung sinama ko rito sa condo" I pointed her, maarte ko siyang tinaasan ng kilay
"Well? Sino pa ba dapat isasama mo? Kawawa ka naman kung yung tatlo hindi ba? Wala kang choice" She chuckled kaya natawa na rin ako
Sa kanilang apat mas pipiliin ko pang makasama si Cassy dahil bukod sa pareho kaming babae ay pareho rin kaming walang hiya sa sarili. Mahirap kasama si Fiona dahil bukod sa laging nag eenglish ay mahiyain pa tapos mahinhin, nakakahiya naman kung demonyo ugali namin tapos siya lang anghel.
Pagkatapos namin sa pag aayos ng gamit ay pumunta kami sa kusina para maghanap ng makakain pero ganun na lang ang panlulumo namin nang matantong wala pa palang pagkain, nakalimutan namin mag grocery dahil sa pagiging excited na lumipat!
YOU ARE READING
Worth of Sacrifices (AS #1 ONGOING)
RomanceAlexandra Kye Lopez, Daughter of Marem Lopez and Blake Lopez. Simpleng babae na walang kasiguraduhan kung ano ang gusto sa buhay, spoiled girl but not a brat, her family and friends loves her so much. But everything will change in just a one snap. M...